A/N: Aloha guys! Musta na kayo diyan? Kamusta ang summer niyo? My gosh! Matatapos na talaga ang AWS. :( Konting push na lang guys at mapupunta na tayo sa Book 2 ng AWS ;) So here's the next chapter!
LUCKY'S POV
After 2 years
"Alam ko na Vivienne kung ano pinaplano mo kay Stephen." sabi ko kay Vivienne.
"Oh. Sige nga Lucky ano ang pinaplano ko kay Stephen?" tanong niya sa akin.
"Nilalandi mo siya pagkatapos ang pakay mo lang sa kaniya ay yung pera niya!" sigaw ko sa kaniya. Nandito kami sa isang coffee shop. Nakalipas na nga ang dalawang taon pero ganun pa rin ako at sinusubaybayan silang dalawa ni Vivienne. Oo masakit sa akin na makita silang dalawa na magkasama pro hindi ko pa rin maatim na niloloko lang ni Vivienne si Stephen. Hindi ko rin matanggap na nanglalake si Vivienne kapag nakatalikod lang o walang alam si Stephen sa mga pinaggagawa nito sa kaniya.
"Oh. Eh ano gagawin mo Lucky? Sasabihin mo sa kaniya yung lahat na ito, lahat na naiskubre mo sa akin? Sa palagay mo makikinig siya sa iyo? Sa palagay mo maniniwala siya sa iyo?" bigla akong nanlumo sa sinabi niya kasi sa totoo ay tama siya dahil una ay magkaibigan lang kami, pangalawa ay mahal at may tiwala siya kay Vivienne pangatlo mahal ko siya pero hindi ko man lang masabi sa kaniya yung nararamdaman ko sa kaniya dahil alam kong ako lang rin masasaktan sa huli.
"Oh. Hindi ka na nakasagot diyan ah. Ah oo nga pala, hindi mo rin pala masasabi sa kaniya kasi may gusto oh let me say mahal mo na yung boyfriend ko." bigla ako napatingin sa kaniya. P-paanong?
"Paano ko nalaman Lucky? It's easy, it's a woman insticnt. Alam ko na may gusto o mahal mo na yung boyfriend ko nung college pa tayo nung lumipat si Stephen sa university natin. Grabe nga eh dati ikaw yung nasa top 1 sa dean's lister nung college tayo pero nung lumipat si Stephen sa university ay bigla ka naman bumagsak. Sayang rin iyon noh naging Summa Cum Laude si Stephen nung graduation samanatlang ikaw wala ka nahakot. Kawawa naman yung mga parents mo kasi dapat proud sila sa iyo pero dinisappointed mo lang sila sa huli." malungkot na pahayag sa akin ni Vivienne. Bigla ako napahawak sa mga binti ko dahil sa mga sinasabi niya dahil tama naman siya dahil kay Stephen, dahil naramdaman ko sa kaniya na hindi dapat na dapat wala pa sa bokubularyo ko na iyan ay hindi dapat mangyayari ito sa akin. Pero ngayon naman ay tanggap na ni Papa at Mama dahil pinapakita ko sa kanila na worth it ako at pinapakita ko sa kanila na magaling akong anak sa kanila sa kompaniya namin.
Bigla akong napatingin sa kaniya ng masama dahil kung makaboyfriend siya ay hindi niya worth it iyon dahil paano magiging boyfriend niya si Stephen kung araw-araw rin naman niya niloloko si Stephen at araw-araw ay may iba ito boyfriend. Naghire ako ng detective para matingnan ko yung pinaggagawa ni Vivienne kapag hindi niya kasama si Stephen pero kahit ipakita ko rin naman kay Stephen yung ebidensiya ay mawawala rin naman ito ng saysay dahil mas pipiliin niyang makasama si Vivienne.
Ganun nga talaga magagawa ang pag-ibig. Magbibigay ito ng pagkabulag ng isang tao kapag umibig siya. "You're a slut and a woman money-whore." sabi ko sa kaniya ng madiin at diretso. Ngumisi naman siya at
"Oh. I don't care kung ano man ang itawag mo sa akin kasi yun naman talaga ako. Bakit ko pa idedeny eh ikaw? Madedeny mo ba yung sarili mo na isa ka ring slut dahil kapag wala daw ako ay nilalandi mo rin daw si Stephen. Paano yan Lucky pinagtsitsismisan ka na niya--" pagkasabi ko sa kaniya ay bigla akong tumayo at sinampal siya ng pagkalakas-lakas. Biglang tumingin yung mga tao sa amin at nagsimula n magbulubulungan pero wala akong pake kung ano yung pinag-uusapan nila. SIya naman ay nakangisi lang at pagkatapos ay humarap sa akin.
BINABASA MO ANG
A Wife's Suffer
RomansaIsang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakaya kaya niyang makuha puso ulit nito kung kailan bulag na ito sa pag-ibig ng iba?