Kabanata 4

17 1 0
                                    

Jarred Crux

"Bakit ang tagal niyo?!" Sigaw nila kaya napatakip ako ng tenga.

"OA niyo guys." Sabi ko medyo irritable.

"Ulul." Sabi naman ni Paul. Inirapan ko siya at dinilaan.

"Saan ba kayo nagpunta?" Tanong ni Adriana pagkatapos ay sinamahan niya sila Reane sa table sa gilid at kumain.

"Nagdate." Sabi ni Perry na nagpalaki ng Mata ni Lance, Riane at Adriana. Umirap ako ng tumawa si Paul at Darlene na naglalandian sa gilid. Pumunta ako sa table na may pagkain at naramdaman ko ang pagsunod ni Kent. Yes. Sumama siya. Di na ako magtataka kung nandito siya. Kumpleto nga sabi ni ate diba?

"Parang tanga tong mga to!" Sabi ni Paul na medyo tumatawa habang nakatingin sa itsura nila Leo. Umiling nalang ako at umirap. "Si Kenzie pagpapalit ang long time boyfriend niyang si Kent para sa isang playboy na virgin lang ang hanap? Oh come! Utak niyo guys nasaan?" Dugtong ni Darlene sa boyfriend niya. Nakita ko pang sumimangot si Perry pero di nalang sumagot—kasi totoo. Tss. Precisely! Tama sila! Parang di nila kilala si Perry at ako.

"Sorry" bulong ni kent habang nakapatong ang ulo sa balikat ko. Ginalaw ko ang balikat ko at tumayo.

"Guys magpapalit lang ako." Sabi ko saka nginitian si Kent na parang sinasabing 'okay lang' alam na niya yun dahil hindi naman ako showy at talkative. Isang tanong, isang sagot. Kung maari straight to the point kong sinasabi. Minsan kasi mas gusto ko kasing gawin nalang kesa sabihin. Nginitian niya din ako at tumango.

PAGBABA ko galing sa taas ay nakita ko silang nakatingin sakin. Yung 6 na mid-40s na hula ko ay mag aasawa. Si mama at papa pati yung limang lalaki. Nagpalit lang naman ako ng tshirt na maluwag at shorts. Wala ako sa mood mag bathing suit. Naka ponytail ang mahaba kong buhok. Lalabas na sana ako papuntang pool ng magsalita si mama.

"Isama mo naman sila Josiah sa pool. Pakilala mo sa mga kaibi—" Hindi ko na pinatapos si mama at nagsalita.

"Di ko nga rin sila kilala." Sagot ko sakanya. Magsasalita pa Sana ako ng may magsalita galing pintuan papuntang pool.

"Kenzie!" May awtoridad na sabi niya umirap nalang ako at nakita ko na siya sa harap ko.

"Don't be rude. Kenzie Shay Monreal." Sabi niya ng naka kunot ang noo. Humarap siya kay mama at papa pati natin sa mga bisita. Nakita ko ang paglaki ng mata nila mama sa 'Monreal' pero hindi narin pinansin.

"Hello po. Mam and sir gusto k—" "Too formal." Bulong ko pero mukhang narinig nila. Tss. Pake ko?

"Gusto ko pong mag sorry sa ugali niya. Masungit po talaga siya. Ganya—" "Wala kang dapat ika sorry. Kung ayaw nila sakin dahil sa ugali ko wala akong pake. If you'll excuse me." Sabi ko at pumunta na sa pool. Lumangoy ako sa medyo malalim at nag stay doon. Pinikit ko ang Mata ko at nag relax.

Si Kent Arckmant ang boyfriend ko. Medyo mahaba ang buhok niya na parang hindi marunong mag suklay. Mapupungay at inosente ang Mata niyang kulay berde. Matangos ang ilong at mapupula ang labi. May lahing Espanyol siya kaya maganda ang pangangatawan niya. Siya ang pinaka responsable samin. Mapagkakatiwalaan. Mabait.

Si Perry Pier naman tulad ng sabi ko siya ang 'playboy' ng barkada. Aaminin kong siya din ang pinaka gwapo at talented sa lahat. Swerte nang magiging girlfriend niya at the same time malas dahil sa pagiging womanizer niya. Sayang nga e. Hindi ginagamit ang kagwapuhan sa tamang paraan.

Si Paul Aceveda at Darlene Montenegro naman ang may pinaka matagal na relasyon samin. 8 years na silang dalawa and counting. Kala niyo matagal na ang samin ni Kent? Tsk. Mas lalo na sila. Maaga kasing kumerengkeng si Darlene. Haha.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon