More than enough
NAGISING ako dahil sa maliliit na halik na dumadampi sa pisngi ko. Nagmulat ako ng Mata at nakita si Kent na nakangiti sa harap ko. I smiled back.
"Good morning. Breakfast is ready." Sabi niya saka upo ng maayos sa gilid ng Kama ko. Tumingin ako sa gilid kung saan ang table at nakitang may sinangag, hotdog, bacon at juice. Tumayo ako at umupo sa sahig. Japanese style ang table kaya sa sahig lang kami uupo. May carpet naman kaya okay lang.
Umupo din sa harap ko si Kent bago nagsalita.
"May dalawang malaking family daw ang pupunta next month sa resort. Nag pa reserve sila." Sabi niya. Tumango lang ako at kumain.
"Extended family ba?" Tanong ko habang kumakain parin.
"Yung isa extended family. Yung isa yung whole family lang." Sabi niya at uminom ng juice. Hindi na ako sumagot at tumango ulit.
Pagkatapos naman ng nangyari kagabi sa kitchen natulog na kami sa kwarto namin. Yes, tabi kami natulog. Malaki ang Rest house namin. Apat na palapag ito at rooftop ang pang Lima. Sa first floor makikita ang kitchen at living room. Sa second floor naman ang apat na guestroom, music room at mini theater. Sa third floor naman ang mga rooms namin. Sa fifth floor naman ang mga equipment pang gym may billiard din doon at may diba pang mga machine pang games.
Pagkatapos naming kumain ni Kent ay naligo na ako at naghintay siya sa labas. Lumabas akong nakatapis pero may suot nang underwear at brassier sa loob. Napako ang tingin niya sa buhol ng twalya ko pero agad din siyang nag iwas ng tingin at pumasok na sa banyo para maligo. Nagsuot lang ako ng ripped shorts at loose shirt. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nagsuot ng tsinelas. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at umupo sa dulo ng Kama.
Ilang sandali pa ng bumukas ang pinto ng Cr at lumabas ang dripping wet na si Kent. Nyeta to! Di man lang ba marunong mag Punas ng buhok to? Naka tapis lang ang pang ibabang bahagi ng parte ng katawan niya. Dumapo ang tingin ko sa braso niya pababa sa abs niya.
"Nag w-work out ka parin?" Tanong ko saka tumingin sa mukha niya.
"Yep. Minsan na lang." Sabi niya saka nag t-shirt. Tinanggal din niya ang tapis sa ilalim ng katawan niya kahit nakatingin ako sakanya. Nakaboxer siya na kulay black. Nag iwas ako ng tingin kaya humalakhak siya. Umirap nalang ako at lumabas. Dumiretso ako sa kitchen at doon nag toothbrush. Tumatawa parin siya ng naabutan ko siya sa sala.
"Shut up. Its not funny." Sabi ko at simangot. Lumapit naman siya sakin at hinalikan ako sa noo. Hinampas ko siya ng tumatawa parin siya hanggang paglabas ng rest house.
DUMIRETSO ako sa lobby ng hotel. Umupo ako sa isa sa mga sofa doon at humanap ng magazine ng may sumigaw ng pangalan ko.
"Ma'am Kenzieeee!" Sigaw ni Sofia. Ang pinaka bata sa mga crew ko dito. Nginitian ko siya at sinalubong siya ng yakap. 17 palang siya pero pinasok ko siya dito dahil kailangan daw niya ng trabaho dahil gusto niya pang mag kolehiyo. Mapagkakatiwalaan siya at maganda ang ngiti. Jolly.
Nagsitakbuhan din ang iba pang staff and crew at bumati sakin. Nagtanong din sila kung bakit ako nandito. Ang saya talaga pag sila kasama ko.
"Titignan ko lang ang mga facilities natin dito dahil nalaman kong maraming nagpareserve na Mga family dito. Kamusta na kayo?" Tanong ko ng nakangiti.
"Okay lang po kami dito." Sagot ni Sofia habang nilalaro niya ang buhok niya. Nabigla ako ng may magsalita sa may pinto. Agad pumunta doon si Mary, ang manager para kausapin yun dahil parang nagrereklamo.
"Guys, back to work muna." Anunsyo ko at dumiretso sa pintuan.
"Ako na Mary." Ngiti ko sakanya. Yumuko siya at bumalik sa desk niya.
"How can I help you sir?" Tanong ko at tinignan ang lalaki. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.
"Naghintay kami ng mataggal sa line sa jetski tapos may sisingit na gago doon? That's unfair! I need to talk to the owner." Mahinahon pero may diin niyang sabi. Tinuro niya ang beach at nakita ko si Kent na nag j-jetski.
"Sorry sir. Kakausa--" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang hawakan ang balikat ko. Narinig ko ang pagsinghap ng mga taong nandon.
"A-aray! B-bitawan mo ko!" Medyo pasigaw kong sabi sakanya.
"Asan ba ang owner niyo? Sumama ka nalang sa cottage ko. Palamigin mo ulo ko. Para di na ako magreklamo sa owner niyo." Sabi niya saka ngisi sakin. Umiling ako at umirap. Tss. Gago.
"I believe she don't want to come with you." Sabi ng lalaking nasa likod niya kaya pareho kaming napalingon doon.
"Ano bang pake mo? Kinuha mo na nga yung jet ski na dapat kami ng barkada ko ang gagamit kukunin mo pa babae ko?" Nanlaki ang Mata ko ng hawakan niya ang bewang ko at hapitin papalapit sakanya. Pati narin sa pagtawag ng 'babae ko' sa harap pa mismo ng boyfriend ko.
Nakita ko ang pag igting ng bagang ni Kent at pagtitig niya ng masama sa kamay nitong lalaking to na nasa bewang ko.
"Get your filthy hands off her." Mariing sabi niya pero mas lalo lang akong hinigit ng lalaking malandi to papalapit sakanya at ngayon nasa tummy ko na ang hawak niya. Tinulak ko siya pero mas humigpit ang hawak niya. Damn this guy!
"Get off me." Sabi ko saka tulak parin sakanya pero ganun parin ang pwesto at parang di man lang kami gumalaw. Ang lakas ng gagong to!
"She said, Get off her." Mariing sabi ni Kent at kinwelyuhan yung lalaki kaya napabitaw sakin ang lalaki.
"Kent!" Sigaw ko. Umawat naman ang mga ibang staff na nandun pati narin ang guard na nandun.
"Sa susunod kung lalandi ka doon sa babaeng magpapalandi sayo gago! Manlalandi ka nalang yung akin pa! Mas malala sa teritoryo ko pa! Mary! Banned him and his friends in this resort." Singhal ni Kent at hawak sa kamay ko. Nakita ko pa kung paano nanlaki ang Mata nung lalaki. Shit! Galit si Mr. Mabait.
PADABOG na umupo si Kent sa sofa at ako ay naka tayo lang sa harap niya. Nakita kami ni Lola kaya pumunta siya saamin at nagtanong.
"Anong nangyari?" Ngumiti ako sakanya at umiling.
"Padala nalang po ng juice at cake." Sabi ko. Ngumiti si lola at tumango.
"Sorry." Sabi niya ng nakayuko at hindi parin ako tinitignan. Umupo ako sa gilid niya pero hinila niya ako at pinaupo sa hita niya. Tatayo na Sana ako dahil baka makita kami ni lola pero niyakap niya ako sa sinandal niya ang ulo niya sa braso ko.
"Ano ba Kent! Makikita tayo ni Lola." Suway ko sakaniya pero umiling siya at nasa may braso ko parin ang mukha niya.
"Sorry." Malambing niyang sabi. Hindi ako nagsalita.
"Sorry baby. Sorry if im being the possessive boyfriend you dont like. I'm just, damn jealous and scared. So scared that once I don't keep an eye on you, you might find another guy that is better than me. The guy who will be enough for you, cause I don't think I'm enough." Sabi niya habang nakayuko parin.
"But your the best for me. You're presence is enough to make me smile. Your presence is enough to make the demons inside my stomach go crazy. It is enough to make my heart skipped a beat. And your smile is more than enough to be the reason why I woke up everyday. You're not enough cause you're beyond that. You are more than enough." Sabi ko saka hinawakan ang pisngi niya at pinaharap sakin. Nakita ko ang ibat ibang emosyon sa Mata niya. Gulat, saya at lungkot. Nawala na ang galit na parang bula. Nilagay ko ang ulo ko sa leeg niya at pinahinga doon.
"It is hard to fall in love with someone else.." I whispered. "..specially if that 'someone' is not you."