Choose
"Oh ano Paul na record mo ba?"
"Ay, ang tanga mo talaga! Ang bagal mo gago!"
Napatingin kami sa pintuan kung saan namin naririnig ang boses ni Perry. Nanliit ang Mata kong tinignan ang barkadang nagtatago sa likod ng pintuan.
"What the fuck?" Iritadong singhal ni Kent sa mga kaibigan namin na ngayon ay naglalabasan sa likod ng pintuan ng naka ngisi.
"You are more than en--ARAY!" Sinuntok ko sa sikmura ang gagong Perry. Bwisit. Kanina pa kasi sila hindi man namin alam. At bakit nandito sila?
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Kent na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Magsasalita na Sana si Adriana ng itikom niya ulit ang bibig niya at nagsalita si Lola na galing kitchen.
"Oh eto na ang cake--Oh! Andito pala kayong lahat!" Sabi ni lola. Nagsilapitan naman sila at yumakap kay Lola.
"Akin ba yan lola? You're so sweet talaga Lola. Hindi mo pa ako nakikita kanina pinaghanda mo na ako." Pacute na sabi ni Perry habang nakatingin sa cake na dala ni Lola. Kukunin na dapat niya pero nilayo ni Lola sakanya.
"Hindi sayo ito. Kay Keya at Kent ang cake na ito!" Sabi niya saka bigay samin. Sumimangot naman si Perry at padabog na umupo sa kabilang sofa. Umayos narin ako ng upo sa tabi ni Kent.
"Lagi naman kayong ganyan lola. Lagi nalang sila inuuna mo." Nagtatampong sabi ni Perry kaya natawa kami. Shet ang cute ni Perry.
"Iiyak na yan!" Pang aasar ni Leo. Umiling nalang ako habang tumatawa lalo na nung nagpeke siya ng ngawa na parang bata.
"Best actor! Pang FAMAS!" Natatawang sabi ni Darlene kaya mas lalo kaming tumawa. Mga sira talaga.
"Osya, kukuha nalang ako doon ng sainyo ng kaibigan mo. Wag kang umarteng ganyan nagmumukha kang lalaking di nahalikan ng babaeng gustong gusto mo." Sabi ni Lola pagkatapos ay pumunta ng kusina.
"Lola naman! Hinding hindi mangyayari yan! Nakatayo pa nga lang ako nirarape na nila ang katawan ko sa isip nila! Sila dapat ang may itsurang ganun kasi di ko sila pinapatulan!" Sigaw naman ni Perry na nakasimangot kay lola na nasa kusina na. Nanlaki ang Mata ko sa sinabi niya.
"WEH?! IKAW?! SI PERRY PIER THE FLIRTIEST AMONG THE FLIRTS? HINDI PINAPATULAN ANG MGA BABAE? SINO NILOKO MO?!" We all shout in unison kaya napatakip siya ng tenga.
"Ay ganun? Wala man lang nag agree?" Halukipkip niya.
"Gago! Wala ka ng sinasabing totoo ngayon." Sabi ni Leo at niyakap si Reane na nasa tabi niya.
"Totoo kaya yun! Baka mamaya may AIDS o di kaya HIV yung mga yun. Hanggang hawak lang ako no." Napailing nalang ako. Malamang mag e-enjoy na yun sa 'hawak' na sinasabi niya. Dahil napapasaya na niya yung babaeng 'hinahawakan' niya.
"Bakit kayo nandito?" Tanong bigla ni Kent kaya napatingin kami sakanya. Seryoso lang siyang nakatingin kari Perry. Napatingin din ako kay Perry na nanlaki ang Mata.
"A-ako?" Turo niya sa sarili niya. Pinagtaasan lang naman siya ng kilay ni Kent. Ay taray ni boyfriend! Taas kilay!
"Bakit di mo tanong kay Reane." Umirap ito at kinain ang cake na dapat ay para samin ni Kent.
"Hoy gago! Wag mo damay girlfriend ko!" Singhal naman ni Leo kay Perry.
"Gago ka nga talaga! Hindi naman tayo pupunta dito kundi sinabi nang nanay ng girlfriend mo na di sila magkasama." Pambabara naman ni Paul kay Leo. 2 vs 1. Nice. Pero teka,
"What?!" Singhal ko sakanila. Tumawa naman si Adriana pati si Darlene na nakahiga sa dibdib ni Paul. Bwisit talaga PDA ng mga to.
"Sorry, nalaman nila Tita na di kita kasama dahil kay mommy." Pag hinging paumanhin ni Reane.