Stubborn kid
NAGLALAKAD kami papunta dun sa bagong resto ng makasalubong namin si Mary-yung manager ng hotel.
"Hi ma'am Kenzie saan po punta niyo?" Tanong niya habang nakatingin sa kamay ni Kent na nasa bewang ko.
"Drop the ma'am. Kenzie nalang. Diyan lang sa bagong resto." Sabi ko naman. Mukhang napansin na ni Kent na nakatingin si Mary sa bewang namin kaya tinanggal niya at binuhay ang DSLR na nakasabit sa leeg niya. Nagsimula na siyang kumuha ng shot sa may bandang dagat kung saan madaming naliligo.
"Ahh. Sige ma-Kenzie, masarap nga po talaga dun, di po kayo magsisisi." Ngiti niya sakin.
"Sige, Una na kami." Sabi ko at naglakad na. Sumunod naman si Kent at dumiretso na sa Resto.
Bumungad samin ni Kent ang mga tingin ko ay mas bata lang ng 1 o 2 taon na 3 lalaki at dalawang babae na nasa mini stage.
"Aw. Pwede palang mag perform dito." Puna ko habang nakatingin sa isang babae at lalaking nakikipagkamayan sa mga ka banda rin siguro nila. Nagtutuksuhan at nagtatawanan.
"Shay.." Tawag ni Kent sakin. Nilahad niya ang upuan na pang dalawa sa may bandang harap.
Ang ganda ng ambiance ng resto-ng ito. Ang cool. Eligante ang dating pero mura lang ang mga dish nila.
Um-order si Kent ng pagkain at ako naman ay kinakalikot ang phone ng umalingawngaw ang isang pamilyar na kanta.
-----
Now and then I think of when we are together
Like when you said you felt so happy you could die
I told myself that you where right for me
But felt so lonely in your company
But that was love and it's an ache I still remember
---
Napatingin ako sa stage ng marinig ang unang verse ng kantang 'Somebody that i used to know' na kinanta gamit ang malamig na boses ng isang lalaki. May itsura siya. Matangos ang ilong at pula ang labi. Nakapikit siya na parang damang damang niya ang pagkanta kaya hindi ko matanto kung anong kulay ng mata niya.
---
You can get addicted to a certain kind of sadness
Like resignation to the end, always the end
So when we found that we could not make sense
Well you said that we would still be friends
But I'll admit that I was glad it was over
---
Napatingin naman ako sa babaeng katabi niya na nakapikit rin. Maganda ang naturang babae lalo na't walang halong make up ang mukha nito. Morena ang kulay ng kanyang balat. Matangos din ang ilong niya at maganda ang hubog ng katawan.
"Hey!" Nakuha ni Kent ang atensyon ko ng magsalita ulit siya.
"Hmm?" Sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Nagsimula nang kantahin ng mga nag pe-perform ang chorus kaya naman napangiti ako. Ang ganda ng blending nilang dalawa. Sumimangot siya at ngumuso.
"Baby. You're not listening." He pouted. Omfg! How cute.
"I'm sorry. What is it again?" He pouted then shrug. Aish. Nagtatampo nanaman.
"Sorry na nga. Ano yun?" Pangungulit ko pero umiling lang siya at tumingin sa stage kaya napatingin din ako doon at nakitang nakatingin din ang lalaking kumakanta. Nag iwas ako ng tingin at bumaling kay Kent na ngayo'y mabibigat ang titig na binibigay sakin.