Kabanata 6

10 1 0
                                    

Let me go

HINDI nako naka angal pa ng hilain niya ako papuntang gym. Pag pasok namin nakatingin samin ang limang gago. -,- Andito pala sila. Topless silang lahat at naka jogging pants din. Sumipol yung isang lalaking may mahabang buhok pag katapos ay tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Sexy.." He moan then laugh. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Kent kaya napatingin ako sakanya. Nakita ko ang galit niyang mukha na nakatingin sa lalaking yun. Hinila ko siya sa treadmill at nag set doon.

"Where your earphones baby." Sabi ko bago umakyat sa treadmill. Nabigla pa siya sa pag tawag ko ng endearment sakaniya pero nginitian ko lang siya at sinuot ang earphones ko, umakyat at habang nag j-jogging ay nakapikit. Dinadama ang kanta.

Nang medyo hiningal at pinagpawisan na ako nagmulat na ako ng Mata at umupo sandali. Napansin kong wala si Kent pero yung mga lalaking na kaupo sa kabilang dulo habang nakatingin sakin. Napatingin ako kay Red at nakitang naka ngisi siya sakin. Iniwas ko ang tingin ko at nakitang nasa may bicycle si Perry at Kent habang nag uusap ng seryoso. Teka, bakit nandito si Perry?

"Yow whore!" Sigaw ko kay Perry kaya napatingin sila sakin. Napalitan ng ngisi ang seryosong mukha niya. Lumingon ako kay Kent at nginitian siya. Ganun din ang ginawa niya at tinuro ang bicycle kaya tumango ako.

Lumapit sakin si Perry at hinawakan ang bewang ko.

"Babe.." He said in a husky voice. Naamoy ko ang whisky sa bibig niya. Uminom nanaman ang bwisit. Nag pout ako at tumawa. Bumaba ang ulo niya papuntang leeg ko kaya medyo napalayo ako. Hinapit niya pa ako lalo sa katawan niya kaya ramdam ko na ang katawan niya. Napatingin ako kay Kent pero nginitian niya lang ako. I sigh. Hindi siya nagseselos. Buti naman. Anyway, kailan pa ba siya nag selos kay Perry? Tss.

Nabigla ako ng halikan ni Perry ang leeg ko at dinantay ang labi sa leeg ko. Napahigpit ang hawak ko sa braso niya.

"Damn you!" Asik ko sakanya pero tinawanan niya lang ako. Nararamdaman ko na ang pag buhay ng alaga niya. Shit!

"Hey! Layo na boy! I can feel you!" Sabi ko sakanya pero tumawa lang siya at bahagyang lumayo.

"Bumalik na si First love." Bulong niya sakin kaya automatic akong napatingin kay Red at sa mga kaibigan niya. Makikita sa Mata nila ang pag kaiingit at pag kainis kay Perry. Nakayukom ang kamay ni Red habang nakatingin sakin.

"Mamahalin mo pa ba ang second love mo kahit na andyan na ang first love mo?" Pabulong na tanong niya. Hindi ako sumagot at niyakap lang siya. Aminado ako nung first year namin ni Kent bilang magnobyo si Red parin ang mahal ko. Naalala ko pa ang sinabi niya sakin nun. "Okay lang, maging rebound mo. Okay lang masaktan mo ko. Handa akong isakripisyo ang kasiyahan ko, sarili ko, makita ko lang ulit ang ngiti mo." Dahil sa pagiging selfish ko--yes. Selfish ako. Sa lahat ng bagay--sumang ayon ako pero kinalaunan naramdaman ko na mahal ko na pala siya. Best friend ko siya kaya madali kong napaling ang atensyon ko sakanya. Madali ko siyang nagustuhan at minahal. Hindi kasing bilis ng kay Red na parang si flash na bigla akong na fall pero mas naging madali kumpara sa mga relasyong nag uumpisa palang dahil kilalang kilala ko siya at todo effort siya.

"Baby.." Napaangat ang tingin ko sa pagtawag ni Kent sakin. Nag pout siya at sumimangot. Kumunot ang noo ko at lumayo kay Perry.

"Masyado kayong malapit." Sabi niya saka iwas ng tingin kaya lumayo na talaga ako kay Perry at lumapit sakaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya tumawa siya at kinurot ang pisngi ko.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon