Kabanata 7

6 1 0
                                    

Hot demon and cute angel

NAKAHAWAK parin siya sakin habang nakatingin ng may lungkot sa Mata. Namutla siya at di makapagsalita. Nabigla nalang ako ng may palad na dumapo sa pisngi ko. Nakita ko ang paghawak ni ate sa bibig niya sa pagkagulat at ang mama kong nasa harap ko. Siya. Sinampal ako ni mama.

"Wala kang galang! Anong nangyari sainyo ng ate mo? Nawala lang kami nagka ganyan na kayo! Sumasagot sagot na kayo!" Ubos na pasensiya ko. Nakakasawa na.

"FINE! YOU WANNA KNOW WHY?! Gusto mo malaman bakit hindi namin sinabi sainyo?" Sigaw ko na nagpatahimik sakaniya. "MA YUN YUNG PROBLEMA SAINYO! WALA KAYO! MA, PAANO KO SASABIHIN KUNG WALA NAMAN KAYO DITO?! PAANO KO SASABIHIN LAHAT NG ACHIEVEMENTS KO KUNG NASA MALAYO KAYO AT WALA KAMING KOMUNIKASYON SAINYO?!" Sigaw ko na nagpaiyak kay ate at nag pa tameme kay mama at papa.

"Sana naisip niyo na nangungulila kami dito. Na kailangan namin ng Ina at ama na gagabay samin. Na sasabihin samin kung tama at Mali ang ginagawa namin! Nasaan ba kayo? Sa Canada! Nagpapakasaya! Tapos ngayon sasabihin niyo ganyan ang ugali namin? Wala akong galang? Then, fuck Canada! Fuck that place! Dahil sakanya hindi kayo makauwi. Minsan nga hinihiling ko na Sana.." Huminto ako dahil kinukulang ako sa hininga. Nanghihina ako. Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit. "..Sana hindi nalang kayo ang naging magulang ko." Sabi ko saka bitaw kay papa hindi naman siya umangal dahil siguro nanghihina narin siya. Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang DSLR ko at pumunta sa cr. Nag babad ako sa bathtub habang tinitignan ang mga pictures namin dati. Nilagay ko iyon sa gilid at pumikit. Nanghihina na ako. Ayoko na.

NAGISING ako ng may marahang humahaplos sa pisngi ko. Minulat ko ang Mata ko at nakita si Krishang umiiyak habang naka pikit at hinahaplos ang pisngi ko.

"Tangina, nabulag kana?" Tanong ko na nagpamulagat sakanya. Ngumiti siya at niyakap ako.

"Gago ka! Kala ko nalunod kana sa bathtub mo at wala ka nang balak magising. Pasalamat ka malakas ang instinct ko." Sabi niya saka suntok sa balikat ko. Teka, bakit nasa kwarto ko to? PUMASOK SIYA SA KWARTO KO?!

"YOU BITCH!" Sigaw ko sakanya pero tumawa lang siya at tumakbo na palabas. Ayoko kasing nagpapapasok sa kwarto ko. Even siya pinagbabawalan ko. Basta ayoko lang. And for sure, ngayon lang siya nakapasok sa kwarto ko.

Nabigla ako ng may nag buzz sa pinto ko. Kumunot ang noo ko. Sino nanaman ang hudas na mag b-buzz non? Kinuha ko ang DSLR camera ko sa side sa bathtub. Tangna. Nakadamit na pala ako so dinamitan ako ni Krisha? Bwisit na babaeng yun! Manyak talaga. Binuksan ko ang pintuan.

"WHAT?!" Singhal ko. Nahihiyang yumuko siya at napahawak sa batok niya.

"Hi! I'm Leonard." Sabi niya habang nakayuko parin. What the?! Pumunta ba to dito para magpakilala? The heck!

"I don't care." Sabi ko at pag sasarhan na Sana siya ng pinto ng bigla niyang iharang ang paa niya sa pinto.

"Aaaaaahhhhh! Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw niya habang naka hawak sa paa niya at nagtatatalon. Shit! Ingay nitong Leonard na to!

"Shut up! You're too loud." Sabi ko saka irap sakanya. Nakahawak parin siya sa paa niya kaya napatingin ako doon at nakitang dumudugo ito. Shit! Ganun ba ako kalakas?

Narinig ko ang yabag ng mga paa na tumatakbo sa hagdan. Shit! Narinig nila yun!

"Leo!" Sigaw ng mga kaibigan niya pero natigilan sila ng nakita nila ako. Umirap ako at tumingin ako kay Leonard. Nakita kong nasasaktan talaga siya. Pumikit ako at huminga ng malalim. Nasa ganong posisyon ako ng biglang magsalita ang kaibigan niya.

"Kala ko may ginagawa kang milagro dito at kasama si.." Nagmulat ako ng Mata at nakitang nakatingin ang mga kaibigan niya sakin. Umirap ako at lumuhod. Hinawakan ko ang paa niya pero mukhang nabigla ko siya dahil nagmura siya.

"Tangina masakit Kenzie!" Sigaw niya kaya napatingin ako sakanya at nakitang naka pikit siya. Kitang kita ang sakit sa mukha niya. Tss. Kasalanan niya dahil paharangharang ang paa niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pababa ng hagdan. Nakita ko ang paglaki ng Mata ng mga kaibigan niya pati narin si ate at mga pinsan kong nanunuod ng TV kanina pero mukhang nakuha ko ang atensyon ngayon. Anong ginagawa nila dito? Bakit wala si tita at Tito? Aish. Mamaya ko na sila tatanungin.

Pinaupo ko si Leonard sa isang sofa na kung saan walang nakaupo at pumunta sa kitchen kung saan nandoon sila mama at yung mga matatanda. Natahimik sila ng nakita nila ako. Kinuha ko nalang ang first aid kit at pumunta sa Sofa. Ramdam ko ang titig nilang lahat na para bang may nakita silang demonyo na biglang nag transform sa anyong anghel sa harap nila mismo.

Nakapikit si Leonard ng madatnan ko siya sa sofa. Kitang kita parin ang sakit sa mukha niya. Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ko ang paa niya at nilagay sa lap ko ng may pag iingat. Shit! This guy is turning me into an angel. Nakita ko ang pag mulat ng Mata niya at pag awang ng bibig niya ng nakita akong naka luhod sa harap niya.

Kumuha ako ng bulak at nilagyan ng betadine. Dinampi ko ang bulak na may betadine sa paa niya. Bahagya siyang napakislot dahil sa pagtama nito.

"Does it hurt?" I ask still looking at his wound. Narinig ko ang pag singhap nilang lahat. OA.

"Tss. Malamang." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Diniin ko ang paglagay at sinamaan siya ng tingin.

"Aray tangina kenzie, masakit!" Sigaw niya at balak tanggalin ang paa niya pero pinigilan ko ito. Tumawa ako sa pagmumura niya. Narinig ko nanaman ang pag singhap nila.

"Gago ka kasi! Tinatanong ka ng maayos sasagot ka ng pa-pilosopo? Nyeta ka!" Sabi ko habang natatawa. Nakita ko ang pag ngiti niya.

"Ang ganda mo pag tumatawa." Sabi niya. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Napatingin ako sakaniya pagkatapos kong lagyan ng bandage ang paa niya. Nakita kong naka ngiti siya habang nakatingin sakin.

"Oh. My. Ghad!" Sigaw ng pinsan kong si Joana.

"You make her face turn into crimson." Maarteng sigaw naman ni Ate. Shit.

"I need to go." Sabi ko sakanya ng walang expressiong makikita sa mukha ko. Sumimangot siya pero tumawa din kasunod.

"Haha. You're one of a kind." Sabi niya pero tumayo na ako. Paakyat na ako ng nagigil ako dahil sa sinabi niya.

"You're a hot demon trapped inside the body of a cute angel. Very rare."

Pagkasabi niya nun ay dumiretso na ako sa kwarto at di na lumingon. Ano bang meron sayo Leonardo? Bakit ganyan ka?

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon