I won't
NATAPOS ang 'mini scene' na ginawa ni Perry at Kent sa isang fist bump. Tss. Nagtataka pa sila, kala nila may mangyayaring "Perry-Kent fight. Laban para kay Kenzie." Di ko alam kung maiinis o matatawa ako sa mga naiisip nila. Duh! Best friend ko si Perry at Boyfriend ko si Kent. Laki ng difference diba? O para mas madali, mahal ko si Kent si Perry hindi. Yes! He's one of my friends but that doesn't mean I need to love him the way I love kent. Actually, siya pinaka ayaw ko dahil sa pagiging 'playboy' niya.
Tinanggal ko na ang robe ko ng makatapak na ako sa may gitna-kung saan mag sho-shooting. Mukhang naagaw ko naman ang atensyon nila dahil naramdaman ko ang pagtitig nila-most especially boys.
Lumapit sakin si Kent at tinitigan ako. Nasa harap ko lang siya at nakatingin. Ang tahimik na ng buong studio. Nagsalita si Kent na nagpasinghap sa kanilang lahat. Hindi lang dahil sa mga sinabi niya pati narin sa diin at pagkaroon ng awtotidad ng boses niya.
"All of you!" Sigaw niya na nag paagaw ng atensyon ng lahat, pati ng staff at crew. "I want you all to know that this girl is mine. If I saw you looking or touching her make sure you have enough money to pay for all the damages you'll be having. By touching or looking at her your giving me the chance to kill you. I'm not a saint. I can kill you if you'll let me." He said then shrug. He's staring at me intently like a prey. Ako na ang bumasag ng titigan at nilibot ang tingin sa studio. Nakita ko ang paglaglag ng panga at paglaki ng Mata ng mga babae. Makikita naman sa Mata ng mga lalaki ang takot sa sinabi ni Kent. Nakatingin man siya sakin alam kong ang mga tao dun ang sinasabihan niya-na para bang tinuturuan niya ng leksyon ang lahat ng tao dun isa isa. Pati si Kiara hindi makapagsalita. Hindi naman kasi possessive tong si kent, Ewan lang bakit naging ganyan ngayon.
"Wow pre! Saan mo nakuha yang line na yan?" Tanong ni Perry pagkatapos ay inakbayan ako. Umiling nalang ako sa kawalan at umirap. Malamang hindi masasaktan ni Kent si Perry dahil kaibigan niya yan at wala naman malisya samin lahat ng ginagawa namin. Tsaka subukan niya lang saktan si Perry ako makakalaban niya. Alam niya yun, hindi dahil sa may gusto sakanya or what, basta pag dating sa mga kaibigan ko, maingat ako. Ayokong nagkakagulo.
"Shut up!" Sabi niya saka tumabi nadin sakin. Tatlo kaming nasa gitna. Kung ano ano lang pinost namin. Gumawa kami ng sarili naming mga post. Nakakatawa pa kasi ang hot ng dating. Naging sweet lang siya dahil sa damit na suot ko at ibang shot na hindi ganun ka 'hot' ang post. Medyo humupa na ang pagkatakot na bumalot sa studio at medyo umingay na ulit. Pagkatapos ng ilang shots umalis na ako para magbihis.
Pagkalabas ko nakita ko ang ibang mga babae doon na sobrang kapal ng make up. Nakita ko rin yung babaeng nagsabi na 'baguhan' daw ako. Di ko nasa sila papansinin kaso tinawag ako nung babaeng nagsabi na 'baguhan' ako. Napairap ako sa naisip ko.
"Kenzie!" Humarap ako sakanila pero di ako sumagot.
"Uuwi kana ba?" Sabi niya saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"Yes." Ayoko muna pagtarayan to. Wala pa namang ginagawang masama sakin. Tumalikod nako ng mukhang wala na silang sasabihin. Pero napatigil ako ng marinig ko ang mga sinabi niya.
"Anak ako nina Marco Antonio Garcia at Jean Garcia." Biglang pumasok sa isip ko ang mga nakita kong paghahalikan ng lalaking kinamumuhian ko at ang kabit niya. My Biological father and her mistress.
Lumingon ako at ngumiti ng mapait. This bitch! So siya pala ang bunga ng kalandian nila? Wow. May ibubuga naman pala.
"Anong gagawin ko?" Sabi ko habang naka ngiti parin. Ayoko na. Edi magsama sila ng tatay niyang manloloko at sinungaling! Magsama sila sa impyerno! Mga pxtngxna nila! Nakita ko ang pag nganga niya sa inasal ko. Nang hindi siya makapagsalita e nagsalita na ako.