Her Family
NAGISING si Kenzie dahil sa ingay na ng gagaling sa pinto niya hudyat na may tao sa labas noon. Tinignan niya ang alarm clock sa gilid niya at napagtantong alas sais palang ng umaga. Agad na kumunot ang noo niya.
Sinong hudas naman kaya ang may lakas ng loob na pindutin ang buzzer ng pinto niya at gumising sakanya ng ganon kaaga? Sa pag kakaalam niya, ang ate lang niya ang kasama niya sa bahay pero hindi ito nag la-lakas ng loob na pindutin ang buzzer niya dahil alam nito kung paano siya magalit.
Tinanggal niya ang kumot na naka takip sa katawan niya pagkatapos ay dire-diretsong naglakad papunta sa pinto kahit na nakapikit. Wala siyang pake kung anong itsura niya dahil alam niya sa sarili niyang maayos naman siya.
Binuksan niya ang pinto ng nakapikit parin.
"Anong kailangan mo? Wala kang karapatang pindutin ang buzzer ko! Inaant-"
"Good morning baby." Napamulagat siya at nanlaki ang Mata niya ng makita ang nasa harap niya.
"Mama?" Tanong niya saka bahagyang kinurot ang sarili niya ngunit nasaktan siya.
"Uh-huh! I thought you were sleep talk-" Hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko na siya ng mahigpit. Ohmy! I miss her! Wala sila ni dad—step dad—nasa Canada. Doon sila nakatira. Umuuwi sila dito sa Philippines every year kaya okay lang naman samin ni ate. Ang akala ko nga e wala na silang balak umuwi dahil nalate sila ng 1month. Kaya hindi ko talaga expect na darating sila ngayon.
Natawa naman ang kanyang Ina sa kanyang inasal. Namiss niya ito ng sobra. Wala kasi silang komunikasyon sa loob ng isang buwan. Kumawala siya sa yakap at hinarap ang kanyang Ina.
"Where's dad?" I ask her. I miss my dad too. Kahit na hindi siya ang tunay kong ama minahal ko siya higit pa sa binigay kong pagmamahal sa tunay kong ama. Mabait siya. Madaling pakisamahan at mapag aruga. Spoiled ako kay papa. Nung una ayaw ko talaga sakanya pero kinalaunan nagustuhan ko na rin siya para kay mama. Kasi nakita ko kung gaano kasaya si mama. Nakita ko ulit yung ngiting hinahanap ko ng ilang taon. Kaya ngayon, masaya ako para kay mama. Nabigo man siya nung Una, naniniwala akong hindi na siya mabibigo pang muli.
"He's downstairs. Cooking." Sabi niya saka hinalikan ako sa noo.
"I missed you." Sabi niya saka ngumiti. Nginitian ko rin siya saka sinagot.
"I missed you too."
Natigil ang tinginan namin ni mama ng bumukas ang pinto ng tabi ng kwarto ko. Sabay naming nilingon ang bumukas na pinto at niluwal si ate na humihikab habang nag uunat ng braso. Napalingon siya samin at biglang nanlaki ang Mata niya.
"Oh my ghad! Mom!" Sigaw niya saka yumakap kay mama at umiyak. Umirap nalang ako sa ka-OA-yan niya. Tss. Ano pa expect ko e gusto naman yan ni mama.
Yes. Alam kong may favoritism pag dating samin. Mas close ako kay daddy at si ate naman kay mama. Pero okay lang, fair parin naman para sakin. Akin si daddy sakanya si mommy. Haha. Pero hindi namin to pinag aawayan ni ate. Wala lang samin to. Mas matimbang kasi ang pagiging magkapatid namin kesa sa lahat ng bagay pati na kay mommy at daddy. Yes. Kung papapiliin ako mas pipiliin ko ang ate ko kesa kay mama at daddy kasi siya narin ang naging magulang ko ng wala sila mama at daddy.
"Hey, hon! Breakfast is ready! Ang tagal mo na-" Narinig kong sigaw ni daddy na ngayon ay paakyat ng stairs. Hindi na niya natapos ang pagsasalita ng tumakbo ako at niyakap ko siya.
"I missed you dad!" Sabi ko habang nakayakap sa kanya at nakasubsob ang mukha sa matipunong dibdib niya. Narinig ko namang tumawa siya at niyakap ako pabalik.