Kabanata 5

19 1 0
                                    

What you see is what you get

"Hi guys." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang mga matatanda na nakatingin sa kamay ko at ni Jarred. Hinila ko ang kamay ko pero ngumiti lang siya at mas lalo lang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Get off me!" Pag pupumiglas ko. Damn! Masakit na ang paghawakniya sakin. Para bang wala siyang balak tanggalin ang kamay ko sa paghahawak niya.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko. Naramdaman ko nalang na may pumatong pang isang kamay sa kamay naming dalawa. Tinignan ko ang lalaking yun at nakita ko si Kent.

"Bibitawan mo, papatayin kita?" Narinig ko ang pag singhap nila. Galit si Kent. Galit na galit. Pati ako natatakot nadin sakanya. Masyado siyang seryoso. Lahat natakot lalo na kaibigan ko dahil alam naming kaya niyang gawin yun. Ang tatay niya ay kasama sa fraternity kaya kayang kaya niyangpatayin si Jarred.

Nakita ko nalang ang mga matatandang pinaghihiwalay kami. Hinila ko si Kent papuntang Gym at sinara ang pinto.

"K-kent.." Hindi ko mapigilan ang pag stammer dahil sa kabang nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang mukha ko at pinahid ang luha ko. Di ko naramdamang umiiyak na pala ako.

"Shhh.. Baby, sorry." Pag alo niya sakin habang hinihimas ang likod ko. Umiling ako at niyakap siya. Ayoko magsalita. Ayoko na maalala ang lahat pero ng pumikit ako bumalik lahat. Isang maliit na pagkakamali kapalit ng dalawang taong paghihirap ko. Dalawang taong pagkamanhid ko. Dalawang taong pagkasira ng buhay ko.

----

3rd year high school

Pagkalabas ng teacher namin agad na nagsilapitan sila Reane sa upuan ko.

"Guys. Random Calls na tayo!" Pangungulit ni Paul.

"Diko dala phone ko. Grounded ako e. Bagsak ako sa last test natin sa math, di ako nakapagreview." Sabi ni Darlene. Tss. If I know nagdate lang kayo ni Paul.

"Hindi pinapadala ni mommy phone ko. Alam niyo yan." Sabi naman ni Reane.

"Ako din." Second emotion naman ni Kent.

Tinignan kaming dalawa ni Perry ng barkada. Tss.

"May porn sa phone ko." Agad na sabi ni Perry.

Umirap nalang ako at nilabas ang phone ko.

"Number." Sabi ko at ayun nagsuggest naman sila. Nakalima na kaming natawagan. Yung iba binababaan agad namin yung isa foreigner. Nose bleed kaya binabaan namin. May isang ngongo naman. May isa pa kaming natawagan na bisaya kaya walakaming naintindihan. Tawa kami ng tawa na para kaming baliw. Pinagtitinginan na nga kami kaso wala talaga kaming pake. May ibang natatawa din kahit di nila kami maintindihan meron din naiirita kaso wala silang magagawa dahil mga crush nila 'tong mga ugok nato. Nagdial ulit kami at as usual ako ang sasagot.

"Hello." Sabi ko in a flirt tone kaya naman tawa ng tawa tong mga sira.

"Hello. Who's this?" Nanlaki ang Mata ko sa lamig ng Boses niya. Tinakpan ko ang phone ko at pabulong na tumili.

"Ang gwapo ng boses shet!" Pabulong na tili ko. Inaagaw naman nila pero nilalayo ko. Tinapat ko ang kamay ko sakanila na para bang sinasabing wait.

"Did we-i mean.. Ahm.. I disturb you?" I ask. Pero agad din nanlaki ang Mata ko ng dumating ang teacher namin at nakatingin sakin. Pakshet!

"Excuse me kenzie? Cellphone or any gadgets is not allowed in the school premises." Sabi ng teacher kong masungit habang nakataas ang kilay.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon