Chapter 11

386 5 0
                                    

Hanggang ngayon nababahala parin ako sa huling sinabi ng lalaki kanina, ang mga matang yun. Alam Kong hindi siya titigil hanggang sa mapatunayan niya ang hinala niya. Hindi iyun ang huling pagkikita namin dahil kaibigan niya si Kelleon.

Isa lang ang sigurado ako, He knows something about me.
I need to be extra careful, That man's dangerous. I can't be caught on his traps. If things go wrong then I'm doomed.

"MOMYYYYYY!!! Nandito na ang pinakamaganda mong anakkkkk!!"

Natatawa Kong sigaw saka patakbong nagtungo sa living room, nanlaki ang mga mata ni mama ng makita ako saka parang batang nagtatakbo sakin at mahigpit akong niyakap. Nasa likod niya ang dady na nakangiti at pababa naman ng hagdan ang magaling Kong kuya na abot tenga ang ngiti. Nakasuot pa ito ng pantulog at cute na senilas ng makalapit sakin.
Nang pakawalan ako ni mama ay si kuya naman ang yumakap sakin ng sobrang higpit na parang ngayon lang ulit kami nagkita matapos ang mahabang panahon.Tinapik lang ng dady ang likuran ko at hinalikan ako sa noo.

Hindi parin umalis sa pagkakayakap si kuya ken ng tumikhim si mama.
"Mamaya ka na mother, miss na miss ko na tong prinsesa ko eh,,Wag ka nang uuwi sa amo mo ah??Ikukulong kita dito sa bahay para di ka makalabas..hmp! Ang cute cute ng baby Kong malaki!!"

Natawa kami sa pinagsasabi ni kuya at pinanggigilan pa ako.
Tinulak ko siya palayo ng hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya.
"Hmp..Amoy laway pa ang kuya. Di ka na nahiya, may muta ka pa sa mata at may laway tapos humawak ka sakin?? Ewwwww,may bacteria na ako!"

Di niya pinansin ang sinabi ko at muling dumikit sakin.Ako naman ay umiiwas .
"Caira, how's work??? Di ka ba nahihirapan sa trabaho mo??Ang sabi ng kapatid mo ay bukod sa pagnunurse ay nagthetherapist ka din daw?? Why is that??Hindi ba sila pweding kumuha ng ibang gagawa nun??"

Hinawakan ko ang kamay ni mama at inayang maupo sa mahabang sofa, Sumunod naman ang dalawa.
"Ayaw ng boss ko eh, at sabi ni ma'am lian ay mas mabuti narin na ako ang gagawa dahil palaging tinatanggihan ng anak niya ang ibang therapist bukod sakin.."

Tinignan niya ako sa mata
"Baka naman kasi....May gusto sayo" nagdududang turan niya na ikinangisi ko,

"Mama ko, hindi na tinatanong yan. Marami talagang humahanga sa anak niyong kasing ganda ng mama niya, ang dami dami kayang nag aayang manligaw sakin..."

Biglang sumeryuso ang mukha ng tatlo kaya natahimik ako.
"Speaking of mankiligaw nga pala anak... Si Doctor Tan.."
May pag aalangang wika ni dady na ikinatahimik ko. I haven't received any phone calls and text from him,dati naman ay araw araw niya akong pinapadalhan ng minsahe para ayaing makipagdate ng walang palya. Kaya Nagtataka talaga ako ng maging tahimik ang buong araw ko ng walang doctor Tan ba mangugulo. Nagsimula lang naman ang hindi niya pagparamdam ng gabing masira ang cellphone ko na alam Kong kagagawan ng baril—sniper. Di ko lang alam kung bakit may sniper sa labas ng bahay ni Kelleon. Well, hindi ko na iniisip pa yun dahil ayaw ko nang paasahin yung tao pero dahil sa sinabi ni dady,naintriga ako.

"Natagpuan siyang patay sa loob mismo ng unit niya, walang ebedensiyang nakuha kung sino ang may gawa pero sarado na agad  ang kaso ayun Kay inspector Martinez"

Napipilan ako sa sinabi niya at Ilang sandali pa bago makahulma ng salita.
"Anong ikinamatay...??"

"Tama ng baril sa dibdib at ulo" si kuya ang sumagot.

"Kailan daw nangyari??"

"Noong nakaraang dalawang linggo lang."
Tumango tango ako,natulala sa narinig.Di ko alam ang sasabihin dahil hindi pa maproseso ng utak ko ang mga sinabi nila. I know Doctor Tan,wala siyang kaaway sa hospital man o sa labas, Isa siya sa pinakamagagaling na doctor sa hospital na pinagtatrabahuan ko at wala akong makitang butas o dahilan kung bakit siya pinatay ng kung sino mang halang ang kaluluwa. At noong nakaraang linggo pa pala nangyari,bakit wala man lang nag inform sakin ni isa sa kanila?? Sana nakapunta ako sa burol niya at nakidalamhati sa mga kamag anak niya. Nagsisisi akong di ako nakibalita Kay Doctor Tan, naawa ako sa sinapit niya dahil kahit makulit siyang manliligaw, mabuti naman siyang tao at hindi niya deserve ang mamatay sa ganoong paraan. Tama ng bala sa dibdib at ulo.

Ilang sandali pang namayani ang katahimikan bago kami makarinig ng busina ng sasakyan sa labas,dahilan para napatayo kaming Apat.
Iwinaglit ko muna sa isip ko ang mga nalaman ng marinig ang mga pamilyar na boses.

"Nandito na ang pinakagwapo sa lahat ng lalaki sa mundo!!!!"—boses ni Zion ang unang bumungad samin sa labas ng pinto. Sa likuran nito ang tatlo pang lalaki na pinsan namin. Nakangiwi ang mga ito sa narinig sa sariling pinsan.

" Tang*na mo! Ulol ka!"—mura ng mag gintong buhok  na lalaki na pinakyuhan lang ng huli.si kuya Alex yan

"Umiral na naman ang kahanginan ng Tang*na..tsk"si kuya jerson na hawak ang anak nitong three years old na lalaki.Puro lalaki ang lahat sa pamilya bukod sakin,mama panghihinayang nga at wala akong pinsan na babae. Noong bata tuloy ako ay basketball ang nilalaro namin saka billiards. Buti nalang daw sabi ni mama na hindi ako naging tumboy sa kakasama ko sa mga lalaki.

Naglakad ang mga ito papalapit samin kaya ngumiti ako, humalik muna sila isa isa sa pisngi ni mama bago nakangiting lumapit sakin at pakarga akong niyakap ng tatlo. Tawa ako ng tawa sa ginawa nila kaya sinuway ito ni papa.
" Ang prinsesa namin,Himala at nasa bahay nila.."—kuya Alex said grinning.

Nginisian ko siya saka kinarga si xyro,anak ni kuya jerson.Agad naman itong pumulupot sakin at sinubsob ang mukha sa leeg ko.
"Syempre naman...Bahay ko rin to eh, isa pa nag aalala ako dahil baka mamiss niyo ako ng sobra"

Nanggigigil na pinisil ni kuya Alex ang pisngi ko saka kinalubit ang bata na karga ko.
"Hoyy xyro...nag eenjoy ka diyan?? Sanaol kinakarga"
Aniya na ikinatawa ko.
Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa malaking sala na pinagawa talaga ni dad para sa buong pamilya. Sa sobrang hahaba ng sofa dito,pwede na kaming mahiga tig iisa.

"Nasaan sina lolo at Lola kuya Zion??" Tanong ko ng makaupo katabi ni kuya ken. Sina mama at papa ay nasa kusina na at naghahanda ng meryenda.

"Nasa palasyo pa ang mga gurang, susunod nalang daw sila mamayang hapon sa dinner"
Tumango tango ako at hinalik halikan ang pamangkin Kong walang imik na nakasobsob sa leeg ko. Parang yun ang paborito niyang pwesto tuwing makikita kami at kakargahin ko siya.

Magkatabi kami ni kuya Zion habang nagkukwentuhan ang tatlo sa harapan namin.
"May boyfriend ka na ba Caira?? May irereto sana ako sayong kaibigan ko,single at mayaman eh, ano? Game ka?"

Nginisian ko siya
"Wala pa akong boyfriend pero may magagalit kapag nakapagdate ako sa iba"
Kumunot ang noo niya at lumapit pa sakin kahit magkatabi na kami.

"Sino yan ah?? Kilala ko ba??"
Umiling ako.
"Tingin ko hindi, pero mayaman toh kuya,gwapo pa"

Ngumiwi siya "Baka namam may sabit na yan,di mo lang alam"
Inirapan ko siya

"Mukha mo sabit,Wag kang epal,love life ko toh" sabi ko dahilan para pitikin niya ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi ko lang hawak ngayon ang pamangkin ko ay kanina pa kami nagrambulan dito. Sa kanilang lahat, si kuya Zion ang palaging kaasaran ko at palagi kaming nagsasagutan dalawa tuwing nagkikita.

"Nga pala,yung laptop mo nasa kotse ko na. Bakit kasi ako pa ang pinakuha mo?? May kamay ka naman" reklamo nito

"Wag ka ng magreklamo,Bayad mo yan sa pagkain mo ng chocolate cake ko.."

Ngumiwi siya sa huling sinabi ko
"Bayad bayad eh,isang kutsara nga lang ang kinain ko—teka nga. Saan mo ba gagamitin yung laptop na yun at Kay uncle Leo mo pa talaga pinagawa??Isa pa may dalawa ka nang laptop sa room mo. Grabe namang kaadikan yan."

"Collection ko yun,kuya. Magkakaiba naman ang gamit ng tatlo Kong laptop—Gusto mo bang pakitaan kita kung Anong gamit ng nasa kwarto ko??"
Nakangisi Kong tanong habang hinahaplos ang ulo ng pamangkin na sa tingin ko ay nakatulog na dahil malalim na ang paghinga nito.

Tumaas ang kilay niya.
"Bakit?? Anong gagawin mo?"

Lalong lumawak ang ngisi ko
"Kaya Kong i-hack ang bank account mo sa loob ng limang minuto.Diba nakafreez ang bank account mo dahil Kay lolo?? I can work on it..hmm??"

Lumaki ang mga mata niya saka unti unting sumilay ang tagumpay na ngiti sa labi. Pinafreez ni lolo ang lahat ng bank account niya bilang parusa dahil sinira nito ang pinakamamahal ni lolo na kotse na regalo pa ng namayapang kapatid ng ikawalumpong kaarawan niya. Sa lahat ba naman ng ireregalo kotse pa? Sa lahat ba naman ng pweding sirain Yung Kay lolo pa??

"Okay!!! GAME!!"

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon