Chapter 20

305 7 0
                                    

Chapter 20

Pagkarinig ko ng pangalan na sinabi niya ay agad nagbago ang emosyon ng mukha ko.
Anong kailangan ni alejandro sakin?? Sino naman kaya ang ipapapatay niya?? May hula na ako pero gusto ko paring kumpirmahin. Sa mundo ng Mafia, lahat imposibling mangyari. Walang itinuturing na kakampi dahil bawat grupo ay mga tuso,puro kapangyarihan lang ang gusto. Papatay ng kahit sino dahil nababayaran nila ang batas. Ewan ko lang kung kanino si Alejandro. He's a Salazar and I'm not that dumb to trow of his innocent act. He's a mafia, a dangerous and a cunning one. Kung hindi ko lang agad naresearch ang impormasyon tungkol sa kanya noon ay siguro napaniwala niya na ako. If he's a good actor then I'm better than him. He can't outsmart Caira Lauren-Lionheart. The restaurant thing where he got beaten up by the senator's son, it's obviously a show. I just go with the flow dahil feel ko lang umarte sa harap ng maraming tao. The next day after that incident, nalaman ko sa dark Web ang pagkamatay ng anak ng senador na bumogbog sa kanya. See?? Looks can be deceiving.

Sandali pa akong natahimik bago makahanap ng salita

"Did you tell him my true name??"

[.. Of course not. I used your codename-X]

Buti naman at hindi niya sinabi kung sino ako,lahat ng myembro ng Phoenix ay may kanya kanyang code name dahil ayaw ni lolo na mapahamak kami sa labas. Pili lang ang mga nakakapasok sa Phoenix at lahat kami ay galing sa military service kaya walang mahina ni isa sa amin.

"Good, where is he now??"

[Oh..he's talking to General. Are you going??]

"I will think about it-"

[Caira...]
Huminga ako ng malalim bago umirap sa kawalan.

"Fine. reschedule it tomorrow. I'm still busy as of now,okay?"

[Yeah,sure. By the way, how's your mission??Is Everything alright?]

Bago pa ako makasagot naramdaman ko na ang pagyanig ng lupa na siguradong galing sa isang pagsabog sa labas ng underground Head Quarter. Agad Kong kinapkap ang baril ko pero napamura ng maalalang kinuha nga pala ni blaze sakin kanina.

'Bwusit kang blaze ka!!! Sasapakin kita pag nagkita tayo mamaya!'

Nagmamadaling akong naghalungkat sa mga kabinet sa buong kwarto,umaasang may makikitang kahit isang baril. Ganun nalang ang inis ko ng walang makita ni isa. Napasabunot ako sa sariling buhok saka naglakad papunta sa pintuan para puntahan si Kelleon ng bigla itong bumukas hindi pa man ako nakakalapit.
Pagsungaw na pagsungaw ng mukha ng lalaki ay agad ko na itong sinipa sa mukha dahilan para mapasandal ito sa dingding sabay sapo sa mukha. Bumwelo ako para sana suntukin ito ng makilala ko ang lalaki.
Nanlaki ang mga mata KO saka siya nilapitan...

"Nagmamagandang loob lang naman ako huhuhuhu...shakit"

"OmyGoD..TROY!!"
Ngumiwi ito habang hinahaplos ang ilong na ngayon ay nagdurugo dahil sa sipa ko and take note-bakal po yung takong ng Sapatos ko kaya maglalata talaga siya niyan mamaya.

"Ang brutal mo talagang babae ka!! Akala ko pa naman hindi ka makabasag pinggan kaya ka nagustuhan ng kapatid ko! Babasagin mo pala ang mukha ko?? Aray kooo.. Para akong sinampal ng sampung bakal na kamao sa sakit. Tingin ko pumanget ako dahil sa sipa mo."
Mangiyak ngiyak nitong saad habang pinipigilan ang pag agos ng dugo mula sa ilong nito.
Paulit ulit naman akong huminga ng paumanhin dahil hindi ko talaga sinasadya

"Oo nalang,kahit masakit. Tang*na lang. Para akong magkakasakit-BTW pinapasundo ka sakin ni Kelleon. Sinusugod na tayo ng mga kalaban,kailangan na nating umalis"

Umiling ako "No.. I will fight them. Alam Kong hindi kayo aalis dahil ito ang main quarters niyo. I'm not weak so just let me do my work. Just give me a gun and I will kill them all"
Napamura pa ito bago ako iginaya palabas ng kwarto. Pumasok kami sa pinakasulok ng lugar at doon bumungad sakin ang naglalakihan at ibat ibang kalidad na klase ng baril.
Ngumisi ako saka kinuha ang dalawang handgun saka Apat na magazine na may laman ng bala bago ito ibinulsa.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon