Chapter 32

227 3 0
                                    

Third Person POV

Hindi maipinta ang expression ng mukha ni Warren habang nakatingin sa katabing babae. Ang kanang kamay nito ay abala sa kaharap na laptop para  i-guide sila Drake sa dereksyon kung nasaan si Kelleon, kasalukuyang hinahack ang security system para hindi mag alarm at para masigurong ligtas na makakarating ang mga kasama. Nasa laptop ang mga mata ni caira habang pinanonood ang nangyayari sa baba habang ang kaliwang kamay nito ay may hawak na baril na siyang walang habas na nagpapaputok sa ibaba kung nasaan ang kalaban kahit pa hindi nakikita ang patatamaan. Basta lang itong kinakalabit ang gatilyo at tumitigil lang kapag naubusan na ng bala. Malayo ang distansya nila mula sa ibaba pero nakakatakot na napapatay parin ng babaeng nakatutok sa laptop niya ang kalaban. Hindi alam ni warren kung hahanga siya sa pagmumulti—tasking ng babae O kakabahan dahil dito. Napalunok siya ng sunod sunod ng tumutok sa kanya ang hawak nitong baril,sinulyapan siya nito

"Lagyan mo ng bala.." Walang buhay na utos nito kaya mabilis ang kilos niyang kinuha ang baril at pinalitan ng magazine pagkatapos ay binigay sa babae. Kinasa ni caira ang baril pagkatapos ay inulit nanaman ang ginawa,nangangalahati palang ang balang nauubos ng tumigil na ito sa pagpapaputok at sandaling sumilip sa ibaba. Ginaya ni Warren ang ginawa niya at napamura nalang sa isip bg makitang nakatumba na ang lahat ng kalaban sa ibaba, parepareho ang tama ng mga ito—sa dibdib at puso.

Nagkibit balikat si caira saka itinapon ang baril niya Kay warren na agad naman nitong nasalo. Bumalik ang mga mata at buong atensyon niya sa laptop at makikitang kasalukuyan paring nakikipagbarilan sila blaze sa loob ng building sa natitirang kalaban.

"How can you do that??" Di makapaniwalang usal ng lalaki sa babaeng katabi,

"Do what??"maang maangan nito

" kill them without even looking?? You accurately shot them in the same point, that's so unbelievable! "
hindi ito lumingon sa kanya pero nakita niya parin ang nakakatakot nitong ngisi sa labi na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya.

"Oh.. That??....Maybe, lucky favored on my side."
Warren look at her flatly, not buying her answer.

"Really?? Ang galing naman. Sana ako rin"
Sarkastikong sagot nito na ikinatawa ng babae.

"Kidding, remembered that I'm Caira Lauren-Lionheart?? That's enough reason for me to do that"
Mayabang nitong turan na ikinangiwi ng huli

"Anong kinalaman ng pangalan mo sa ginawa mo??" Aniya pero nagkibit balikat lang ang katabi

"My name itself say it all. No thing in this world I can't do"
Hindi na nagsalita ang huli at pinanonood nalang ang babaeng maniobrahin ang laptop nito.  Siya ang kumukontrol sa mga pasukang daraanan ng tatlo kaya madali lang makapasok ang mga lalaki ng walang abirya bukod sa kakaunting armadong kalalakihang nakaabang at nagbabantay sa loob.

"Kanan sa kaliwang kwarto, I already opened the door for you. Then push the wall that has a symbol of a sword. Nasa unahan pa ang silid na pinaglagyan nila Kay Kelleon"
Aniya sa kausap nito. Agad namang tumalima ang lalaki at tinahak ang kaliwang kwarto. Hinanap ng mga ito ang Sina sabing simbolo ni caira bago itulak. Hindi na sila nagulat ng makita ang sekretong daanan pababa dahil inaasahan na nila iyon. Katulad nila ay may secret passage din ang HQ na siyang pinaglalagyan nila ng mga importanting alaga— kulungan ng may mga pakinabang sa organization.

Muntik ng mahulog si warren mula sa helicopter dahil sa pintong nakabukas ng sandaling gumewang ang sinasakyan. Buti nalang at mabilis ang mga kamay ni caira na humuli sa braso niya at hindi siya napasama sa mga kalalakihang nakahiga sa lupa sa ibaba. Isinuot niyang muli ang seatbelt pagkatapos ay sinamaan ng tingin ang piloto na agad namang humingi ng paumanhin. Tauhan rin nila iyon sa organization.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon