Chapter 37

243 3 0
                                    

"Himala at nandito ka?? Anong kailangan ng maganda Kong pinsan hmm?? Akala ko may dinner kayo sabi ni ken. Bat nandito ka??"

"Do you know General Luigi Marvic??" Tumaas ang kilay niya sa tanong ko at may mapaglarong ngisi sa labi na animoy nanunudyo.

"Yung gwapong kanang kamay ni Tanda?? Oo naman, nakakasama ko yun palagi kapag may misyon eh. Bakit? Interesado ka?? Masungit yun" inirapan ko siya saka iginala ang paningin sa paligid. May ibang napapatingin samin at bumabati kapag nadadaanan ako,alam kasi nilang ako ang apo ng EOM kaya ganyan nalang ang respeto pero kung hindi malamang ay kanina pa ako tinaasan ng kilay mga ito.

"Grandpa  wants me to marry him and I won't let that to happen. Heck! I don't even know that man...So,What do you know about him??"

"Okay,okay..General Luigi Marvic  was Grandpa's trusted man. He's great when it comes to battlefield, war and dangerous mission and so as playing mind games against enemy. Kung baga sa basketball siya yung Ace namin sa EOM. Nag aral siya sa military Academy sa Russia tapos lumipat sa US military kung saan nakilala siya ni grandpa. Mula ng mapunta siya sa EOM maraming government politician ang nakulong,natapos din ang mga pending na mission dahil sa kanya kaya mas lalong nakilala ang organization. At...yun lang ang alam ko. Masyadong pribado kasi ang taong yun eh"

So, he study in Russia huh?? Doon din kasi nag aral sila Victor eh. Hindi pweding wala siyang kinalaman sa kanila. Maaring magkamag anak sila,mag pinsan O magkaptid?? Gosh di ko akalaing lumaganap ang lahi ni Lucio Marvic sa Russia.

"How about his family background?? May kapatid ba siya?? Tatay na military din? Uhm, saan sila nakatira??—"
Tinignan niya ako ng may pagdududa

"Kasasabi ko lang na hindi ko alam nagtatanong ka pa. Hacker ka naman, kaya mo na yan. O kung gusto mo gamitin mo yung computer sa lab. Nandoon lahat ng data at information sa mga myembro ng EOM"
Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya at sumunod sa kanya papunta ng computer Lab. Buti nalang naisip niya agad yan.

"Bakit kasi hindi ka nalang magpakasal sa kanya?? Gwapo naman yun,mayaman at maganda ang lahi kung sakaling magkaanak kayo. Walang tapon, pinsan. Jackpot ka na dun"
Napangiwi ako saka binatukan siya

"May boyfriend ako gago ka. Bakit ako magpapakasal sa kanya?? At isa pa,mas gwapo si Kelleon ko sa kanya.."
Nanlaki ang butas ng ilong niya

"Teka—Diba Yun yung pasyente mong pinatignan mo sakin ang record sa hospital?? Bakit...paanong naging boyfriend mo siya ng ganun kabilis?? Naglalandi ka habang nagtatrabaho noh??"
Sinamaan ko siya ng tingin

"Wala kang pakialam sa lovelife KO, bilisan mo maglakad..may gagawin pa ako"

"Tsk, sungit"
Napatingin samin ang lahat ng tao sa computer lab ng sandaling pumasok kami. Agad akong nakilala ng ilan sa kanila saka lumapit

"Miss... Ano pong kailangan niyo?" Lumapit ako sa harap ng isang computer at umupo

"Makikigamit lang.."

"Pero miss—"
Tinaasan ko siya ng kilay at sunenyasang iwan kami kaya wala itong nagawa kundi umalis. Napailing nakang si Zion bago umupo sa tabi ko.

"Ang harsh.." Di ko pinansin ang komento niya saka sinimulang ihack ang data system ng EOM. Dahil dito ko naman ginamit, connected ang computer sa bawat isa kaya hindi ma ti-trigger ang alarm.

Pagkalipas ng Ilang minuto ay unti unti ng nagsasalubong ang kilay ko sa inis,hindi ko parin makita kita ang pangalan ni Luigi sa Data ng EOM. Kahit anong browse ko ay wala siya, kung saan saan na ako nakarating, Pati Database ng Russia at US ay walang kahit ni isang impormasyon bukod sa sinabi na ni Zion kanina. Napabuga ako ng hangin at inis na binitawan ang mouse ng computer.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon