Chapter 8

364 4 0
                                    


Caira's POV

Dahil kilala naman ako ng ibang ka trabaho ko dati sa hospital na pinagdalhan ko Kay Alejandro, Ako na mismo ang gumamot sa sugat niya Pati narin pag x-ray sa kanya. Pagkatapos Kong gawin yun ay pinagpahinga na siya,nagpasalamat naman ito sakin na agad ko namang tinanguan pero di muna sinagot dahil kanina ko pa nararamdaman ang pagvibrate ng phone sa bulsa ng pantalon ko.

Napakagat labi nalang ako ng makita kung sino ang tumatawag. Huminga muna ako ng malalim bago napagpasyahang sagutin ang tawag.

'Patay!!! Nakalimutan Kong bumalik agad!!!!'

"H-hello kel—"

[Where the hell are you CAIRA??? And why aren't you picking up your phone?? I've been calling you for the nth time!!!! Bakit di ka man lang nagpaalam na aalis ka??? CAIRA!!!!ANSWER ME!DAMN IT!YOU'RE MAKING ME DAMN WORRY]

napapikit ako sa lakas ng boses niya sa kanilang linya. Para itong dragon na bubuga ng apoy sa galit. Sunod sunod ang tanong nito na parang mapuputol ang linya ng telepono kapag di pa siya makapagsalita.

Lihim akong napangiti ng marinig ang huli nitong sinabi. He said he's worried of me.
Akala ko pa naman magsusungit na naman siya at di papansinin ang pagkawala ko. Akala ko wala na siyang pakialam sakin dahil sa ugaling pinapakita niya kanina....

"I thought you didn't notice my absence, Mr Kelleon Marvic—"

[What the heck Caira—]

"Bati na tayo Sir??Kakausapin mo na ulit ako??"
Paglalambing ko dito.

[W-what...??]

"Di mo ako pinapansin kanina.."
May pagtatampong tono ko saka kinagat ang dila ko dahilan para unti unting nagsituluan ang luha sa mga mata ko.Suminghot ako na sigurado akong maririnig niya. Sigurado akong mawawala ang galit niya kapag nalaman niyang umiiyak ako kaya pinannindigan ko na ito. Di ko hahayaang pagalitan niya pa ako hanggang sa telepono, sabi ni mama kahinaan daw ng mga lalaki ang mga babaeng umiitak kaya yun ang ginagawa ko ngayon.

[B-baby??? Are you crying??Hey,Bakit ka umiiyak Cai Cai ko??Who made my baby cry??]

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya kaya naman di maiwasang pagtinginan ako ng mga nurse,doktor at pasyente na dumadaan sa hallway. Namula ang mukha ko sa hiya dahil ang iba ay kaibigan ko pa na nakakakilala sakin.

Pero dahil ayaw Kong magalit sakin ang boss ko, hindi ako nagpatibag
"You're not mad at me anymore??", nakanguso Kong tanong na garal garal ang boses dahil sa pag iyak. I can't believed I'm doing this! Papaluin ako ni mama sa pwet kapag nalaman niya ang ginawa ng anak niya para lang hindi mapagalitan ng amo. I already did this trice before, Kay kuya,Kay lolo at papa Jacob. Hindi siya gumagana Kay mama kasi mas lalo pa akong pimagalitan dahil dun.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kanilang linya bago nagsalita
[ No baby,I'm not mad at you, stop crying okay?? Come on,tell me where are you now. I'll come get you.Mag uusap tayo sa bahay mamaya okay??hmm??Don't cry Okay?? Where exactly are you?]

Pimunasan ko ang luha sa mga mata ko saka ngumiti.
" sa Hospital malapit sa mall ako... Wag ka munang mag isip ng kung ano—May kinuha lang akong gamit at papeles dito."
Pangunguna ko dito dahil baka kung ano ang isipin.

Di ko din pweding sabihin ang tungkol Kay Alejandro dahil ayaw Kong isipin niya na inuna ko pa ang ibang tao kesa sa pasyente ko. Isa pa,alam Kong ayaw niyang may kasama o kausap akong ibang lalaki. Although Wala namang malisya at wala naman kaming ginagawa ng masama, mas mabuti ng magsinungaling kesa mapahaba pa ang sermon sakin mamaya.

Sigurado akong tatanungin at tatanungin niya parin ako mamaya kaya maghahanda na ako ng maaring sagot.

[Okay...wait me there. Papunta na kami diyan,Bye]

Ng binaba niya na ang linya ay patakbo akong pumunta sa kwarto ni Alejandro,naabutan ko pa itong nakatingin sa sahig bago ng angat ng tingin ng maramdaman ang pagpasok ko.Agad na sumilay ang malaking ngiti nito sa labi saka umayos ng upo.

Ngumiti naman ako pabalik saka lumapit. Tumikhim muna ako bago nagsalita
"Ahmm..aalis na kasi ako,gusto ko lang nagpaalam sayo kaya nandito ako."

Bigla ay sumilay ang lungkot sa mga mata nito matapos marinig ang sinabi ko saka humaba ang nguso..

Para siyang batang inagawan ng laruan sa hitsura niya.

"You'll leave me here??Alone?"
Bumuga ako ng hangin

"Gusto mo bang tawagan ko ang pamilya mo—"

"I don't have a family anymore, my father and brother died just yesterday. My mother doesn't even love me,sumama na siya sa lalaki niya pagkatapos niyang malaman and nangyari kila papa. I'm alone now, I don't know what to do.
Can you please stay here a little longer Caira?? I need someone's comfort"
Malungkot nitong turan na ikinatigil ko. Akmang sasagot na ako ng muli na namang magvibrate ang phone ko,nakitang Kong nagtext na si Kelleon na nasa baba na daw siya naghihintay.
Napakagat labi akong lumingon sa kanya saka alanganing ngumiti.

"Ahmm..Sorry talaga pero kailangan ko na talagang umalis,naghihintay na ang sundo ko eh.."
Malungkot siyang ngumiti
"B-boyfriend mo ba yung sudundo sayo??"
Ilang segundo akong hindi nakaimik sa tanong niya

"B-boss ko lang.."
Nagliwanag ang mukha nito na parang nabuhayan sa sinabi ko.

"Ibig sabihin wala kang boyfriend?? Single ka PA?"
Ngumiti lang ako at hindi sinagot ang tanong niya.
Nang makitang tumatawag na ang magaling Kong boss sa phone ko ay di na ako nagdalawang isip na tumakbo palabas ng hospital para salubungin si Kelleon.

Nadatnan ko siyang tahimik na nakatingin sa fourth floor ng hospital na siyang floor din kung nasaan nakastay si Alejandro habang nakakuyum ang kamao.

Ngumiti ako ng makalapit saka ako na mismo ang tumulaj sa wheelchair niya papunta sa sasakyan.

"You should've waited me in the car,mainit dito sa labas"
Nang tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan ay nagulat ako ng bigla nalang niya akong yinakap ng mahigpit na parang anumang oras ay may aagaw sakin mula sa kanya.

"Kelleon!? Are you alright??"
Hindi siya sumagot bagkus ay mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Hinaplos ko nalang ang buhok niya saka inangat ang mukha nito. May naaaninag akong takot at galit sa mga mata nito.
"You're not gonna leave me, right??baby?"

Tumango nalang ako saka ngumiti kahit di maintindihan kung bakit niya sinasabi ito.

Alejandro POV

Napangiti ako habang iniisip ang mukha ng babaeng tumulong sakin. Naalala ko naman kung paano mag alala ang mga magaganda niyang mata.Ang pag galaw ng mapupula nitong labi at ang matangos nitong ilong na parang may ibang lahi.

Ngayon ko lang naapriciate ang ganda ng isang babae dahil sa kanya,noon ay wala naman akong pakialam sa ibang babae dahil iiwan din nila ako sa huli kapag nalaman nilang hindi ako isang prince in shining armor na magtatangol sa kanila. Lahat ng babaeng kilala ko gusto lang ang lalaking matapang,malakas at marunong makipaglaban pero hindi ako ganun.

Wala pang ibang nagtatanggol sakin bukod Kay caira, Nakatikim na ako ng iba ibang parusa galing Kay papa dahil hinahayaan ko lang ang ibang bugbogin ako.Wala naman akonh mapapala kung gaganti ako pero dahil sa ginawa ni caira kanina. Feeling ko kailangan Kong maging malakas pa para sa susunod ako naman ang magtatanggol sa kanya. Nagkaroon ako ng dahilan para magpalakas at maging matapang.Gusto kong maging isang tunay na lalaki para Kay Caira. Ayaw Kong maging kahihiyan.

A/N:
The next chapter contain scene that not suitable for the age below 18..In short —R+18 po!
Next chapter pa Naman so May babala na ko ha!Kung ayaw niyo pwede namang sa wattpad ko nalang I post, skipped ko to next chap.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon