Chapter 34

229 3 0
                                    

Caira POV

Uminom ako ng tubig at muntik na namang mabulunan ng biglang sumulpot sa harapan ko si Kelleon. Sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako. Muling sumeryuso ang mukha nito ng lumingon sa kakambal na ngayon ay sing puti ng papel ang kulang ng balat.
"Kelleon.."

Ibinaba ko ang baso ng tubig saka lumingon sa kanila. Ang apat na kalalakihan naman ang kumain habang nanonood sa dalawa at parang walang pakialam sa paligid.

Tumayo si Victor ng tutukan ito ni Kelleon ng baril,masama ang tinging pinupukol sa kapatid. Nangalumbaba ako sa mesa at walang emosyong pinagmamasdan ang reaksyon ni Victor. Kung hindi ko lang alam na may kakambal siya ay talagang malilinlang ako sa hitsura niya. Walang tapon ,gwapo siya gaya ng kapatid nito. Sayang kung masisira ang mukha niya, ang kinis pa naman.

"How're you twin brother?? Did you enjoyed your stay here?? Being with my girlfriend?? Being someone you're not??" Dumilim ang anyo nito at walang salitang binaril ang karahap dahilan para bumakat ang kulay pulang dugo sa puting T-shirt nito pero daplis lang naman sa balikat. Victor wince in pain holding his bleeding shoulder. Kelleon showed no emotion while staring at his twin brother without an ounce of pity.

"Mahina..dapat sa dibdib agad ang tama kapatid. Gusto mo ako nalang ang bumaril?? Naduduwag ka pa ata eh" Troy interject that earned a glares from the three.

"Shut up..kapatid mo rin yan gago" — blaze.

"Tsk, di ko yan kapatid. Isa lang ang kapatid ko at si Kelleon lang yun noh"

Napakagat labi ako ng makita ko mismo sa mga mata ni Victor kung paano dumaan ang sakit at lungkot sa mga mata nito dahil sa narinig. Hindi ko siya masisisi kung ganun ang nararamdaman niya dahil kahit ako ang makarinig niyan sa sarili Kong kadugo,masasaktan din ako. Troy being troy,tsh! His mouth has no filter at all. He's so numb on others feeling around him,not knowing that he's already hurting them.

Napatayo ako ng makita kung paano malakas na sinuntok ni Kelleon ang kakambal dahilan para bumagsak ito sa sahig. Kinuwelyuhan niya ang lalaki ng may panggigigil at muli na naman itong sumuntok sa mukha ng paulit ulit na ikinangiwi ko.

Naiisip ko nang ganyan ang magiging hitsura ni Kelleon kapag nabugbog siya,eh sa magkamukha sila e. Tulad ko ay nakatayo narin ang apat habang may seryusong ekspresyong nakatingin sa dalawa. Napailing ang ng hindi man lang gumalaw si Victor para gumanti. Hinayaan niya lang ang kakambal na bugbugin siya kahit pa dumura na siya ng dugo.

"Why did you do this to me huh?? Bakit niyo ginagawa sakin ng ama mo toh??? Answer me honesty or I will f*cking kill you!! Wala akong pakialam kung kapatid kita! Papatayin talaga kita kapag hindi mo sinagot ang tanong ko!"
Dumagundong ang galit na galit na boses ni Kelleon sa buong bahay.

"S-sorry.." Malungkot na paghingi nito ng tawad dahilan para mas lalong magalit ang huli. Muli ay nakatanggap na naman ito ng malabakal na suntok galing sa kapatid.

"Freaking stop apologizing!! I don't need your sorry, all I need is your explanation." Madiin at puno ng galit nitong saad.
Lumamlam ang mga mata ni Victor

"I...I just follow our father's order........h-he wants to be promote in governmental department. I-I... I need to get the evidence for him to finally bring down all mafia lords in underground world. He wants to be known,to be proverbial and to be fear by taking all of illegal businessman down. S-sorry if we entangled you into this mess brother"

"Don't call me that!! I don't have a traitor brother like you. I don't know that you're his obedient dog,totally a subservient son. Pathetic son of a b*tch" akmang susuntukin niya na naman ang lalaki ng sumigaw ako.

"KELLEON, ENOUGH!"
Malamig na saad ko, pumagitna ako sa kanila. Tinignan ko si Victor ng walang emosyon ang mukha. Nakayuko na ito at hindi nakatingin sa mga mata ko. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao niya,di ko sigurado kung dahil ba sa galit o pagpipigil sa sarili. Pero isa lang ang sigurado ako, nasaktan siya sa mga sinabi ng kapatid niya—ng kakambal niya.
"Did you gathered enough evidence??" I ask in a cold voice. He then shook his head.

"N-no.."  I smirked

"Of course,silly. You can't outsmart  Caira Lauren-Lionheart..." Nilingon ko sila drake "Bring him to the underground basement." Kumunot ang noo ni Kelleon

"Why?? Hindi pa ako tapos sa kanya—"

"Bakit?? Papatayin mo siya?? He's just following your father's order—"

"I don't give a f*ck! I will kill him no matter what so let me be!!"

"Kung gusto mo siyang patayin sana kanina pa diba?? But what did you do?? You only shoot him on his shoulder kahit pa pwede mo namang iderekta sa tiyan,tagiliran,puso o dibdib. Sa lahat ng pweding patamaan doon pa sa uncritical point. I saw the hesitation pass through in your eyes before you pulled the trigger—"

"NO! I did not—"

".....you only shoot him once and then punch him with rage several times, though it's weak. You don't give your all force and that's not called way of slow killing. That's pity...."

"C-caira,STOP it!!" Kelleon shouted, almost begging.
Ngayon ay tulalang nakatingin na sakin si Victor.
Bumuga ako ng hangin at senenyasan sila Drake na kunin na si Victor na agad namang tumalima. Pero bago pa tuluyang makaalis ang Apat,pasimple Kong dinukot mula sa bulsa ng jogger ni Victor ang phone nito. Naiwan kaming tatlo,ako,si Kelleon at si troy na ngayon ay may kaseryusuhan na sa mukha.

"What are you planning??"
Walang emosyon nitong tanong dahilan para sumilay ang ngisi sa labi ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kelleon pagkatapos ay muling ngumisi ng makahulugan. Ang kaninang muntik ng sumabog sa galit at frustration na si Kelleon ay bumalik na sa dating anyo nito.

"I want to punch him to death but after what I've find out, My anger subside–just a little but as for our dear father, I won't forgive him til my last breathe."
Kumunot ang noo ni Troy bago lumapit sa amin.

"What the freaking hell is happening?? Is that all a show?? Akala ko pa naman papatayin mo na talaga.." –troy
Tinaasan ko siya ng kilay

"As if naman. Alam Kong ayaw mo ring mawalan ng kapatid kahit pa anong tanggi mo. Admit it troy, you still love your brother" I teased him making him grimace in annoyance

"Oh please, I don't like to have a brother like him,kontento na ako sa isang yan...anyway ano ba talagang nangyayari?? Akala ko gaganti ka na sa kanya dahil sa ginawa niya Kay caira at sayo..sayang. Iisa pa naman sana ako ng suntok."

"Let's not talk it here..sa living room tayo" sumunod naman kami Kay Kelleon dahil napansin ko rin ang pagsilip silip ng kasambahay na parang gustong lumabas pero dahil sa baril na kasalukuyan paring hawak ng amo ay hindi magawa. Malamang ay natatakot.

"So...??"–troy

" wait..kunin ko lang yung laptop ko" senyas ko, hindi ko na hinintay pang magsalita ang dalawa at nagmamadaling kuhanin ang laptop sa loob ng kwarto. Pagbalik ko sa sala ay umupo agad ako sa tabi ni Kelleon bago kalikutin ang laptop at iharap sa naguguluhang si Troy.

"What's that?"

"See it yourself.." Tumango siya at saka itinuon ang atensyon sa harapan.
Noong una ay kumunot lang ang noo niya tapos hindi nagtagal ay nagsalubong na ang kilay nito at tumiim bagang. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao niya habang nasa laptop parin ang paningin. Tulad ni kelleon noong unang ipinakita ko sa kanya ang laman noon ay ganun din ang reaksyon niya. Pumikit ang mata niya at padabog na sinarado ang laptop para ilayo sa harapan nito na parang hindi na nito kaya pang tagalan ang nalaman.

Tinignan niya ako ng parang naghihingi ng paliwanag.
"I-Is this true??" Mahinang tanong nito. Namumula na ang mga mata,senyales na nagpipigil siyang umiyak

"Yeah.. Kean Victor Marvic was already dead nine years ago during navy seal training in Russia. Ng sapilitan siyang pinasok ni Lucio, hindi niya nakayanan dahil nabigla ang katawan niya. Kahit nasa training palang,ipinasok agad siya sa isang delekadong misyon ng ama niyo. Nabuhay siya sa misyon pero namatay siya during their training. He didn't make it, nalagutan siya ng hininga sa kalagitnaan ng dagat dahil sa natamo niyang tama sa magkabilang balikat at tiyan dahil sa misyon."

Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata nito at tulalang Liningon ang kapatid.
"Then who the hell is 'this victor we're with ,right now?? Another impostor?? Hindi lang ikaw ang ginaya niya kundi Pati si Victor na matagal ng patay??Ano na naman ba toh???"
Nahihirapang sigaw niya na parang hindi na kaya ang impormasyon na nalaman.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon