Chapter 13

309 4 0
                                    

Parang gusto Kong magtago sa ilalim ng lamesa ng biglang magsilingunan sa gawi ko ang buong pamilya na may pagtataka at kuryusong mga mata. Si kuya ken ay salubong ang kilay habang ang iba Kong pinsan ay nakataas ang mga kilay.

Ngumiti ako ng pilit ng makalapit sila sa pwesto namin,hindi parin umaalis ang masayang mukha ng bagong dating na agad na umupo sa tabi ko sa kanang bahagi. Lalong tumaas ang mga kilay nila,pero sila mama,papa,lolo at Lola ay hindi nakaimik at hinihintay akong magsalita.

"Kaibigan daw ni prensesa mama.." Saad ni kuya ken bago umupo sa dating pwesto sa kaliwa ko saka muling lumingon sa gawi ng lalaki.

'Ayaw na ayaw ko talaga kapag nasa hot set, this is uncomfortable!'

"Caira...??" Si mama,pinapahiwatig na magsalita ako. Ngumiti ako saka inilahad ang kamay Kay Alejandro.

"S-si...Alejandro Salazar po, kaibigan ko" maikli Kong pagpapakilala sa ngayon ay parang tinablan na ng niyang lalaki habang namumula ang magkabilang pisngi. Hindi ko alam kung sa init ba o talagang nahihiya lang siya.

"Good evening po sa inyo, Sorry po kung naistorbo ko ang family dinner ninyo, gusto ko lang po kasing magpasalamat Kay Miss caira dahil sa ginawa niya..Ahm,,Thank you nga pala Caira sa pagligtas sakin last week at pasensiya na kung inistorbo ko pa kayo...."

Ngumiti lang ako." It's okay..you don't need to say sorry and well, about what happened, are you okay now?? Magaling na ba ang katawan mo??"

"Y-yes...Salamat sa pag aalala"
Nahihiya nitong saad saka yumuko. Tinanguan ko lang siya saka inayang kumain. Hindi pa siya nakakasubo ng biglang tumikhim ang magaling na si Zion.

"Ano yang ganap ganap na yan last week ha? Caira?? At saka Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan na lalaki?? Siya ba yung sinasabi mo kaninang special —"

Bago pa siya makatapos ng sasabihin ay inunahan ko na siya
"Hindi... Tinulungan ko lang siya noong nakaraang linggo ng mapaaway  sa anak ng senador,kawawa naman,isa pa walang nagtatangkang makialam dahil mataas na tao yung kalaban" paliwanag ko na ikinakunot noo ng mga pinsan ko,kinuha ko ang pamangkin ko na nakakandong Kay kuya jerson saka nangigigil itong yinakap. Nakakatakot kasi yung mga tanong nila,pinagpapawisan ako

"In short, lampa siya"
Sinamaan ko si kuya Zion ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Napayuko naman si Alejandro at kumamot sa ulo na parang nahihiya sa katotohanang iyun.

"Yang bibig mo Zion ah, ang sarap sapakin" Awat ni kuya Alex sa nagbabantang tono

"Alejandro Salazar,your surname seems familiar to me, are you somehow related to Don Fernando Salazar  of LA ROste??"
Tanong ni lolo na ikinaangat niya ng tingin, parang nag aalangan pa nga kung sasagutin o hindi pero dahil lolo ko na ang nagtanong,wala siyang nagawa

"L-lolo ko po siya,Sir"

"Oh...I heard the news ijo,condolence nga pala sa pagkamatay ng ama at kapatid mo."
Biglang lumungkot ang mukha nito saka tumango. Pansin ko ang pananahimik ni mama magmula ng dumating si Alejandro. Hindi manlang ito makialam sa usapan namin.

"S-salamat po sir.."

"Are you okay now?? Alam Kong ikaw na ang susunod na tagapagmana ng mga Salazar dahil sa pagkawala ng kapatid mo, how are you doing??"
Si dad naman ngayon na seryuso na ang anyo.
Hinayaan ko lang si pamangkin ng muli itong sumubsob sa leeg ko at mahigpit na yumakap sakin.

"I'm fine po Sir, sa ngayon ay kasalukuyan akong nagtitraining para maging CEO ng company ni papa, Tinuturuan din ako ni tito sa pamamalakad dahil wala pa akong masyadong alam"

"Ano bang matapos mong kurso??" Kuya Alex ask

"Engineering po...."
Hindi ko na nasundan ang pinag uusapan nila ng maramdaman ang sunod sunod na pagvibrate ng phone ko sa bulsa ko,kinapa ko ito saka tinignan kung sino ang tumatawag.

Nagulat ako ng makitang si Kelleon ang caller. Sabi lo naman sa kanya na bukas pa ako uuwi pero makulit parin,hindi daw siya kakain hanggat wala ako.
Nag angat ako ng tingin ng mapansin ang mga titig na binibigay sakin ni mama.

"What??"
Kinuha nito sakin ang pamangkin ko na agad ko namang ibinigay.
"Who's that??"

Napakagat ako ng labi sa tanong niya. "Pasyente ko po"

Tumaas ang kilay nito
"Pasyente mong tumatawag ng ganitong oras??Diba day off mo??"
Bumusangot ako at tumayo ng muli nanaman itong nag ingay.
Napatingin sakin lahat kaya iniangat ko ang cellphone ko pero di kp pinakita kung sino ang caller.

"Sasagutin ko lang po,excuse me"
Umalis na ako doon saka pumunta sa itaas kung saan ang kwarto ko.

Dumapa ako sa kama saka sinagot ang tawag niya.."hello"

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya bago nagsalita
"Baby....I'm bored,and hungry too. My stomach is screaming for food"
Umirap ako sa sinabi niya.
"Edi kumain ka,problema ba yun?May pagkain ka naman diyan,"bagot Kong pahayag

"Feed me..I'm hungry"
Ngumiwi ako

"Feed yourself Kelleon, You have a hands. May iniwan akong lutong lasagna diyan sa fridge kaninang umaga bago ako umalis, kung gusto mo yun nalang ang kainin mo"

"Really??Hmm .Okay I will eat it. My baby is worried about my health.. Yeah?By the way,how's your day?? Everything's good??"

Humilig ako sa headrest ng kama saka pinag isipan ang isasagot. I know na magagalit siya kapag nalaman nitong may lalaking pumunta sa bahay namin na hindi ko kamag anak—Alejandro. Seloso pa naman yun,ayaw Kong mapauwi ngayong gabi dahil lang doon.

"Okay lang naman..we ate dinner together and Zion the one leading the fun"

"Who's Zion?"

"My couzin"

"Oh...can I video call you?? I wanna see my caira's beautiful face" napangiti ako sa sinabi niya.

"Sure thing...wait"
Binaba ko ang linya at saka in open ang video call. Agad na bumungad sakin ang magkaibang pares ng kulay ng mata ni Kelleon at at gwapo nitong mukha.
Ngumiti ako at kumaway

"Hey...okay na ba??" Tanong lo habang inaayos ang pwesto ng cellphone.
Tumango siya at ngumiti. Just when I was about to talk,the door of my room opened, revealing the look so innocent Alejandro Salazar. Eyes directly looking at me and smile.

"Pinapababa ka na ni tita,magmomivie marathon daw"

Namutla ako at di agad makapagsalita bago dahan dahang hinarap ang cellphone Kong kasalukuyan paring kavideo call si Kelleon na ngayon ay salubong na ang kilay at madilim ang mukha.

"Caira??? Who the F*ck is that man in your damn room????"

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon