Chapter 36

224 0 0
                                    

Luigi Marvic' another Marvic that will always make my head ache. Bakit ba palaging involved ang lahi nila sa araw araw na buhay ko?? Hindi na nila ako tinantanan! Okay lang kung si Kelleon pero iyung mga kadugo niya hindi! May problema pa nga kaming kinakaharap tapos eto na naman ako! MAGPAPAKASAL?? Hindi pa ako baliw para gawin yum unless kung si Kelleon baby ang groom ko!

Nilingon ko sila mama para alamin kung alam ba nila ang tungkol sa sinabi ni lolo pero umiwas lang ito ng tingin sakin,si kuya naman at papa ay may matang parang humihingi na ng tawad ngayon palang.

"Grandpa naman! Pwede niyo namang ibigay sa kanya ang EOM ng hindi kami nagpapakasal eh! Walang problema dun!"
Reklamo ko sabay usog ng pinggan dahil nawalan na ako ng gana sa takbo ng usapan. Salubong ang kilay ko habang nilalabanan ang talim ng tingin sakin ni grandpa.

"Hindi pwede! You two need to get married para mapasa sa kanya ng legal ang EOM! You'll do it whether you like it or not!"

"Ayuko nga! Magrerebelde ako pag pinilit niyo pa akong magpakasal sa lalaking yan!"
Nguso ko sa katabi nitong kanina pa walang imik, para siyang bato na kasing lamig ng yelo. Hindi kp pa ito nakikitang ngumiti mula ng dumating ako kaya malamang robot toh. Buti nalang hindi ako nag trabaho sa EOM,ayaw kong magaya sa kanya.

"Caira..." May pagbabanta sa tono ng boses ni mama,ayaw na akong pasagutin pero di ko siya tinapunan ng tingin. Sa lahat ba naman ng tao,di ko akalaing magagawa niya sakin toh.

"Bakit ba reklamo ka ng reklamo?? May boyfriend ka na ba kaya ayaw mong matali ha? Caira Lauren??"

Siniko ako ni kuya ng akmang kakalampagin ko na ang mesa.

"May fiancée na ho ako! At malapit na kaming ikasal kaya wag niyo na akong pilitin sa gusto niyo. Ayaw kong mag away kaming dalawa ng fiancée ko"
Mahinahon Kong sagot dahilan para tumaas ang kilay nito sakin habang binibigyan naman ako nila mama ng hindi makapaniwalang tingin. Parang ayaw nilang maniwala sa mga sinasabi ko.. Well,hindi ko naman sila masisisi dahil mula ng maging kami ni Kelleon. Hindi ko pa siya naihaharap sa pamilya ko dahil masyado kaming ukupado sa mga nangyayari sa paligid namin. At hindi ko pa siya fiancée pero kailangan Kong nagsinungaling dahil kukulitin lang ako nila grandpa.

"At nasaan naman yang magaling mong lalaki kung ganun? Bakit di mo maiharap samin ng magkaalaman na?? Wag mo akong pagsisinungalingan  Caira Lauren — talagang malalagot ka sakin!" Ngumiwi ako sa sinabi ni lolo.

"Bakit di ko naman Alam na may fiancée ka na pala prinsesa ko??"Bulong naman ng magaling Kong kuya na nanlalaki ang mga mata.

" Busy pa po siya kaya di ko pa naipapakilala sa inyo. Next time nalang " kamot ulong sagot ko..

"Baka naman niloloko mo lang kami para hindi matuloy ang kasal...."

Ayaw ko talagang matuloy.

".... Anong pangalan niya?? Anong trabaho? May business ba? Kilala ko? Sinong mga magulang niya? Sabihin mo at ng mapapatay ko na habang maaga pa" lalo akong napangiwi sa sinabi niya.

"Kelleon ho.."
Kumunot ang noo nito,ganun din ang iba

"Kelleon....Ano?? "
Salubong ang kilay na tanong ni grandpa.

Sumulyap ako saglit Kay Luigi bago seryusong nagsalita.
"Kelleon Marvic po" mahinanahong sagot ko dahilan para matigilan Silang lahat. Base sa reaksyon ni lolo at mama ay nasisiguro Kong kilala nila kung sino ang tinutukoy ko. Dahil lahat ng matataas ng ranggo sa EOM,alam kung sino ang mga bigating criminal lalo na sa mundo ng Mafia. Doon pa naman ako natutong maghack ng computer. Binura ko lang naman lahat ng records at pweding ipanlaban kat Kelleon bago pa nila nagawang makakilos laban sa kanya.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon