Chapter 27

236 2 0
                                    

Untin unting sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ko bago tumayo.
"Magbabanyo lang ako"
Paalam ko Kay Kelleon habang kasalukuyan parin nitong kausap sina troy. Mataman niya akong tinignan pero kinindatan ko lang siya

"Make it quick cai cai"
Paalala niya kaya tumango ako at dumeretso na sa banyo. Nasa pinakadulo ito ng hall at walang ibang taong dumaraan dahil abala ang lahat sa gaganaping auction kaya ramdam ko ang mga yapak ng Sapatos sa sahig ng taong kanina pa sinusundan ang galaw ko.

"O-Ow ..Nandiyan na siya....Nasa likod mo lang ang target bebe girl" pakantang turan ni warren na alam Kong pinanonood mula sa monitor ang galaw namin. Hindi naman ako nagsalita hanggang sa makapasok ako sa loob. Hinayaan ko lang na hindi nakalock ang pinto bago dumeretso sa cubicle. Umihi ako saglit at lumabas,di ko pa man naisasara ang pinto ng may mga kamay na humablot sa braso ko at marahas akong pinaharap sa kanya. Umawang ang labi ko sa gulat at akmang magsasalita na ng sakupin nito ang labi ko dahilan para sunod sunod ang naging mura ko sa isipan ko.

'TANG*NA!!! Pangalawang beses na toh!!!

"I know you're coming..." Aniya ng hindi pinuputol ang halik.

Pasimple akong humawak sa batok niya para kabitan siya ng tracking device kung sakaling magtangka man siyang tumakas mamaya. Well, sa ginawa niya ngayon hindi ko na siya hahayaang makalabas ng lugar na ito ng humihinga. Putang*na niya.

Hindi ako gumanti ng halik at hinayaan lang ito pero nagbibilang ako ng oras para tuluyang isagawa ang plano.
Bago tuluyang maghiwalay ang labi namin ay maingat Kong kinuha ang remote mula sa bulsa niya at Pasimple itong isiniksik sa buhok Kong sinadya ko ang pagkakaayos. May mamahaling palamuti ang buhok ko na hugis Rosa's na siyang tumatabing sa remote control

. Kanina lang ay sinabihan ako ni warren na may nagtanim ng bomba sa buong paligid at sa dami nito ay hindi agad namin malalaman ang lokasyon para maidesarma. Kailangan ang remote para pigilan ang pagsabog. Kaya naman pala wala siyang kasamang tauhan kanina dahil ito na ang gumagawa ng plano ni Alejandro. Sa ngayon ay kasalukuyan ng naghahagilap ang ibang tauhan ni Kelleon para masiguradong walang aberya mamaya.

Kung Nahuli lang kami ng ilang oras bago ito malaman ay siguradong patay kaming lahat. What a cunning man..tsk

"CAIRA LAUREN!!!!FREAKING STOP KISSING THAT MOTHERF*CKER AND GET THE HELL OUT OF THERE BEFORE I GET TO KILL THAT F*CKTARD NOW!!!"

Sigaw ni Kelleon sa earpiece na ikinabingi ko na ata. Sigurado akong pinapakita ni warren dito ang live footage na nangyayari dito sa loob. Loko loko talaga yun,Buti nalang walang camera sa loob ng cubicle kundi masisipa ko siya.

Para akong kinilabutan sa boses na galit na galit na si Kelleon at buong lakas na tinulak si Alejandro paalis. Magpoprotesta pa sana ito ng nagmamadi akong tumakbo palabas habang kinakapos ng hangin.

Rinig ko pa ang nakakalokong tawa ni troy sa earpiece KO
"Oh ayan yung two timer. Walang forever, magbebrake din kayo!!"

"At ayan na nga yung halimaw na boyfriend. Sanaol May bebe" pang aasar pa ni warren at sabay na natawa ang dalawang magbestfriend.

"Caira Lauren!!!"
Naranta na ako sa paglalakad sa galit na sigaw ng lalaki. Nakita ko siya sa mesang pinag iwanan ko sa kanya kanina at sobrang dilim ng mukha nito. Nakatiim bagang,nakakuyom ang kamao at nagsilabasan ang mga ugat nito sa kamao at leeg dahil sa galit. Nang dumapo ang mga mata ko sa iPhone niya ay napalunok ako ng makitang sira sira na ito at malamang ay hindi na Kailan man mapapakinabanagan pa.
Inayos ko ang buhok ko saka kinuha ang remote mula dito hanggang aa makalapit ako sa kanya. Ngumiti ako ng pilit saka iniabot ang remote control na hawak sa kanya pero imbes na kunin ito ay nagulat nalang ako ng maramdaman ang panyong marahas nitong pinapahid sa labi kona parang gigil na gigil at gustong alisin ang mikrobyong kumapit.
"O-ouch... Hinay hinay lang naman Kelleon. It hurts"
Reklamo ko pero parang wala itong narinig at patuloy na pinupunasan ang labi Kong hinalikan ni Alejandro kanina. Feeling ko nga hindi lang lipstick ko ang matatanggal kundi Pati labi ko mismo.  Parang sakin niya binubuhos lahat ng galit niya sa mundo.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon