Chapter 39

260 4 0
                                    


"Nagpadala si papa ng backup, maya maya lang ay narito na sila. Let's go look for drake,nasa west side sila ng gubat."
Tumango lang ako sa tinuran ni Kelleon at sumunod sa kanya papunta sa pinangagalingan ng putukan, kung nasaan ang maingay naroon din malamang ang kalaban. Napanganga ako ng makita ang walang malay na si warren na nakasandal sa isang lilim ng puno,kitang kita ang pulang dugo na bumabakat sa kulay puti nitong damit sa tagiliran. Agad akong lumapit sa kanya at tinapik tapik ang pisngi niya. Pero ayaw nitong magising kaya bumundol ang kaba sa dibdib ko.

"Good that you're already here,we're outnumbered. Wala pa sa kalahati ang napapatay namin. Hindi kami makalapit sa loob dahil nagkalat ang sandamakmak na sniper sa paligid. Kami lang naman ni blaze ang nakikipagbarilan sa kanila kaya balewala kung susugod kami sa loob" —drake

"Mauubusan si warren ng dugo kung magtatagal pa siya rito. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital ngayon na,delikado ang lagay niya,Kelleon" nag aalalang aniya ko habang patuloy na nilalagyan ng pressure ang sugat niya para pigilan ang pagdurugo. Tinawag ni Kelleon ang dalawa sa tauhang kasama namin

"Isakay niyo na siya sa helicopter at dalhin niyo agad sa hospital." Tumango ang dalawa at agad na tumalima, inakay nito ang walang malay na lalaki pabalik sa helicopter. Ilang minuto pa ng marinig namin ang tunog nito papalayo.

Nagkatinginan kaming apat at Sabay sabay na tumango.
"May baril pa ba kayo diyan?? Ubos na ang bala ko eh" mabilis ko namang hinagis Kay blaze ang armalite na agad nitong nasalo

Maingat kaming umusad pasulong at inisa isa Kong pinatamaan ang mga sniper sa matataas na lugar. Mayroong sa rooftop, sa puno na hindi nakaligtas sa paningin ko. Natigilan ako ng mapansin ang titig na ibinibigay sakin ng tatlo. Tinaasan ko sila ng kilay

"What?" Kunot noong tanong ko sabay palit ng bala ng magazine ko

"Ngayon lang ako nakakilala ng taong kayang bumaril ng snipers mula sa ibaba. Hindi ka ba nahirapan?" Ngumisi ako sa tanong ni blaze saka binugahan ng hininga ang dulo ng sniper riffle ko.

"Magaling ako eh"
Napailing iling ang tatlo at nagsimula ng magpaulan ng bala sa kalaban.

Dahil wala ng sniper sa paligid ay walang takot kaming sabay sabay na umusad papalapit sa gusali. Nangunguna si Kelleon at nasa likuran kaming tatlo. Nakapasok kami sa loob ng tahimik pero di nagtagal ay nagsilabasan na ang mga kalaban at puro putok lang ng baril ang naririnig ko. Naghiwahiwalay kami ng daan para hanapin si troy pero bago yun,may sinabi muna sakin si Kelleon

"Take care of yourself, Caira. Papakasalan pa kita". Ngumiti ako at kunindat sa kanya bago tinahak ang kaliwang daan saka umakyat sa hagdan. Binaril ko ang mga CCTV camera na nakalagay sa dinaraanan ko habang alerto sa anumang posibling mangyari. Natapat ako sa pintong nakabukas at akmang  papasok ng may maramdaman akong nguso ng baril na nakatutok ngayon sa likod ng ulo ko dahilan para matigilan ako.

"Akin na ang baril mo.." Aniya ng pamilyar na boses, napatiim bagang ako ng makilalang si Victor pala ito.

"Traydor ka.." Mariing anas ko na ikinatawa niya ng mahina.

"No...hindi ako nag traydor kasi kahit Kailan, hindi naman ako pumanig sa inyo...."
Akmang haharap na ako para labanan siya ng mas lalo niyang idiin ang baril sakin.

"Come on, wag mo ng subukang lumaban,kahit mahal kita hindi ako magdadalawang isip na saktan ka" napatiim bagang ako ng hablutin niya sakin ang baril ko sabay tulak sakin papasok sa loob. Tahimik na sumunod ako sa kanya dahil malamang ay patungo kami kung nasaan si Troy. Iisa lang naman ang patutunguhan nito eh,mapapatay ko sila at maililigtas ko si brother in-law. Wala na akong pakialam kung kapatid man nila si Victor, gagawin ko ang gusto Kong gawin.

The Obsession Of Kelleon MarvicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon