Chapter 5

49 2 0
                                    

Summer's POV

"Aaah! Ang shunga mo talaga bes. Bakit mo naman pinahiya ng ganun si fafa Cloud?!!"

Inirapan ko lang sya sabay lakad papuntang canteen.

"Wag mo kong kausapin Alexis!"

Ang kulit naman ni bes eh, sabi nang hindi ko sinasadya yun. Sadyang masama lang talaga ang pakiramdam ko. San ka nakakita ng broken hearted na masaya?

"Bessie wait!"

Di ko sya pinapansin, kukulitin lang kasi nya akong magsorry kay Cloud. Haay nakokonsensya tuloy ako.

Flashback

"Wag mo kong hawakan."

Pagkasabi ko nyan biglang tumahimik ang lahat, tapos nagtinginan sila. Ako naman umayos ng upo ko.

Parang sobra naman ata ang ginawa ko, pero kasi.. ang sama na nga ng araw na to, ganun pa ang ginawa ni Cloud.

Mahigpit ang pagkahawak nya sa kamay ko at hindi maganda ang tono ng salita nya. O baka galit lang ako kaya pati ang iba nadadamay.

"K-kung may sasabihin ka sabihin mo na. Gusto ko ng magpahinga." sabi ko habang nakatungo. Hindi ako makatingin sa kanila, nahihiya ako sa ginawa ko.

"It's nothing. Go and take a rest." walang emosyong sabi ni Cloud.

Hindi na ko nagsalita at tumayo na ko para umuwi.

End of Flashback

"Bessie sabi ko wait lang hallerrr!!" lalo ko pang binilisan ang lakad ko, maasar lang si Alex, mahina kasi resistensya nito kahit ang laking tao hehe.

"Ewan ko sa---aray! huhu." napaatras ako dahil sa may nabunggo nanaman ako. Di kasi nakatingin sa daan eh, huhu.

"Four?" gulat na sabi ko pagtingin ko sa lalaking hawak ang mga balikat ko para alalayan.

"Okay ka lang ba Summer? Bakit kasi di ka tumitingin sa daan?" nakangiting sabi nya.

"Hooooy, hinayupak kang babae ka...kagutom.Q_Q" halos lumuwa ang mata ni Alex nang makita nya si Four. Natawa tuloy ako, ang obvious kasi nya.

"Hi. I believe you're Alex." sabay abot ng kamay ni Four para makipagshake hands.

"Alexa." maarteng sabi ni Alex sabay hablot ng kamay ni Four. Oo, hablot talaga tapos inamoy amoy nya pa. Nakakahiya talaga ang bayot na to.

Bago pa matunaw si Four sa tingin ni bessie sumingit nako sa kanila.

"Ano nga palang ginagawa mo sa school namin Four?" tanong ko.

"Ahh kailangan ka namin makausap Summer, pwede ka ba ngayon?" tanong nya.

"May pasok pa--"

"Oo pwede KAMI. Pwedeng pwede KAMI." pinagdiinan nya pa yung KAMI, e ako naman ang kausap. Haay Alexis nga naman.

"Haha, let's go?" natatawang sabi ni Four.

"Pero--"

"Tara!!" At wala na nga akong nagawa kundi ang sumunod. Ano pa nga ba.

***

"Hide out ba tawag dito? Parang di naman naka hide. hihi."

Natawa nalang kami ni Four sa sinabi ni Alex. Pareho lang kami ng iniisip hehe.

"Yow."

"Welcome back."

"Hi Summer, and.."

"Alexa. *^O^*"

Caution: Dracula is InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon