Kier's POV
Oh! Gulat kayo no? Akala nyo si Alden? Sus mas gwapo ako dun!
"Hoy Kier, ano yang binabasa mo? Porn nanaman?" siraulong Yuri to ah, pa'no nya nalaman? Haha joke lang.
"Gago, pinadala sakin to ni mama. Pinapapili nya ko ng babaeng pakakasalan." bored na sabi ko habang hawak ang magazine na may pictures ng babae at profile nila.
"Wooah! Tulungan na kita dyan pre!" sabi ni Yuri sabay hablot ng magazine.
Tss, basta babae talaga.
"Kahit sino sa kanila. Wala din naman akong pakakasalan dyan."
Ilang beses narin nangyari 'to, iseset-up ako ni mama sa kung sinong babae para pakasalan pero sa huli, babae ang umaayaw sakin.
"Di kapa kasi magtino!" aba, kala mo sinong matino ah.
"Anong magagawa ko walang makatagal sa kagwapuhan ko." mayabang na sabi ko sabay nag twerk it like Miley. Pero joke lang, kadiri.
"Hhm, may napili nako tol. Ipapadala ko na to sa mama mo para maipadala narin ang babae,pfft."
Gagong to, parang umorder lang sa online shop. Sino naman kayang pinili nya, tss kahit sino naman yan siguradong hindi aabot ng isang buwan.
"Oh magdinner daw kayo mamaya sa Oxford Hotel, pfft. Good luck pre!" sabi ni Yuri bago lumabas ng kwarto.
Ano naman kayang kalokohan ang iniisip nun? Tss bakit ba hindi pa tumigil si mama, bata pa ko at wala pa sa isip ko yang kasal na yan. Madami pa kong paliligayahing babae. ╮(╯▽╰)╭
***
Nandito na ko ngayon sa harap ng hotel. 7:15PM na. Sinadya kong magpalate ng 15mins para unang impression palang bagsak na. Ayaw ng mga babae ang pinaghihintay diba?
Naglakad ako papunta sa reserved seat. Oo nga pala, hindi ko alam ang itsura ng kadate ko ngayon, pero isa lang ang sigurado ko, suot nya ang best dress nya at kuntodo make up at pabango. The usual.
"Dito po Sir Kier."
"Thank you." sabi ko sa babae na nag assist sakin papunta sa table. Bored na naglakad ako. As usual, sasabihin ko ang lahat ng compliments na gusto nyang marinig para makuha ang loob nya.
Expert nako dito kahit na hindi pa ko nagkaka official girlfriend. Well, puro flirt lang.
"Dito po sir." kinompose ko ang sarili ko at tumingin sa reserved table.
*bolero mode activated*
H-Huh? Teka, ano to?
Bago makaalis ang staff ay tinawag ko muna sya. Parang may mali eh.
"Ah excuse me, baka naman nagkamali ka lang miss. Mukhang hindi yung babae ang kameet ko ngayon,baka sa ibang table ako." sabi ko.
"Ahh hindi po sir, dyan po talaga. Excuse me po have a great dinner." sabi ng babae bago umalis.
Seriously?
Nakatalikod ang babaeng kadate ko. Date ba talaga ang pinuntahan nya o burol? baka naman galing sya sa taping, artista? Naka all black sya na sando, leggings ang boots. Para syang gangster.
Well hindi ko malalaman kung hindi ko aalamin. Anu daw?
Lumapit ako sa tabi nya at nag clear throat muna bago magsalita.
"Good evening, I'm Kier, you look beauti---awww shit!!" Napatingin ang mga tao sakin habang hawak ko ang binti ko.
Brutal. Sadista.
BINABASA MO ANG
Caution: Dracula is Inlove
RomantizmMeet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo...