Summer's POV
"Then stay with me."
Hinalikan nya ang dulo ng ilong ko bago tuluyang umalis. Naiwan akong nakatayo at pinipilit intindihin ang mga nangyari, ang mga sinabi nya. Naiinis ako sa sarili ko. Sana man lang nakapagsalita ako, sana naitanong ko kung anong ibig nyang sabihin. Sana nasabi ko.
"W-Wait lang Cloud!" utal na sabi ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin nang humarap na sya. Nakatingin sya sakin at nakangiti.
"Yes Summer?" ang lalim ng boses nya. Lalo akong kinabahan nung lapitan nya ako.
"A-anong ibig sabihin.." hindi ko natapos ang sasabihin dahil niyakap nya ako. Sobrang higpit halos hindi ako makahinga.
"I.. I love you." mahinang sabi nya.
Tuluyan ng kumawala ng emosyong kanina pa nagtatago sa dibdib ko. Naiyak na ako, alam ko sa sarili ko na yun ang mga salitang hinihintay ko. Niyakap ko sya pabalik.
Ramdam ko sa likod ko ang malamig na baso ng alak dahil sa pagkayakap nya sakin.
Pero bakit ganun, habang tumatagal nasasaktan ako. Sa sobrang higpit ba ng yakap nya? Pero hindi, dahil naramdaman ko ang matalim na bagay sa likod ko. Sinasaksak ako ni Cloud.
"C-Cloud..anong ginagawa.. mo.." sobrang sakit, halos hindi na ako makahinga..
"I'm sorry Summer.." bulong nya at lalo pang hinigpitan ang yakap sakin dahilan para lalong mabaon ang patalim sa likod ko.
"Bakit..Cloud..bakit.."
"Cloud..bakit.."
"Summer! Bes, bes! Gising!!"
"CLOUD!!"
Habol ko ang hininga ko at pinagpapawisan ako ng malamig. Mabilis ko inabot ang likod ko para tignan kung may dugo. Nang makumpirma ko ba panaginip lang pala, saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"Ok ka lang bes?!" nag-aalalang tanong ni Alex. Ni hindi ko napansin na nandito pala sya. Hawak ko ang dibdib ko at halos maiyak ako. Anong ibig sabihin ng panaginip na yun? Bakit ang sikip ng dibdib ko? Hindi naman totoo yun, hindi gagawin sakin ni Cloud yun.
"O-ok lang. Samalat." sabi ko pagka-abot nya sakin ng isang baso ng tubig. Buti nalang ginising ako ni Alex.
"Ano bang nangyari? Bakit mo sinisigaw ang pangalan ni fafa Clou---OH MY GAWD! Don't tell me.." hindi ko na sya pinatapos dahil siguradong kalokohan lang ang sasabihin nya.
"Tumigil ka Alexis! Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?!" 8AM palang sa wall clock ko. Wala pa namang pasok!
"Masama bang bisitahin ang bff ko? You so mean, huhu." maarteng sabi nya. Sus alam ko may kailangan lang sya. Mamaya ko na iisipin si Cloud. Yung nangyari kagabi at yung panaginip ko.
"Anong kailangan mo?" pagtatanong ko. Hindi na uubra sakin ang kaartehan nya hehe.
"Grabe ka naman, di mo man lang ako hinayaang makapag-emote." sabi nya bago nagde-kwatro. "Nagkasakit kasi yung isang crew namin sa coffee shop, since holiday madaming customers so ang lagay..kulang kami." paliwanag nya.
"So ako ang papalit sa kanya?"
"Ay ang talino mo talaga bessie! Akalain mo naisip mo yun! Hihi, yun ay kung ok lang naman..hindi naman kita pipilitin kung.."
"Oo na pumapayag na ko, labas ka muna maliligo ako." mangongonsensya pa eh. Wala din naman akong gagawin sa bahay at mas mabuti na may pagkaabalahan ako para hindi ko maisip si Cloud.
BINABASA MO ANG
Caution: Dracula is Inlove
RomanceMeet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo...