"Bes, ano ng gagawin ko? huhu." naiiyak na sabi ko kay Alex. Nandito kami ngayon sa canteen at namomroblema parin ako sa singsing na to. Huhu.
"Paputol mo na yang finger mo friend. Maganda ka parin naman! haha." gusto kong batukan ang baklang to. Imbes na tulungan ako eh lalo pa kong tinatakot.
Ginawa ko na lahat pero ayaw talaga matanggal, may sumpa yata to eh huhu. Nagsabon na ko ng kamay kasi daw dudulas sabi ni Manang Rosie pero wala parin. Nilagyan ko narin ng baby oil ang kamay ko wala pa din, huhu. Baka nga pag di ko natanggal to, ipaputol ko na ang daliri ko.
"Ano friend, help na kita sa slaughter house?" pang-aasar nya kaya hinampas ko sya sa balikat. Minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko ang isang to.
"Alexis naman eh, hindi ka nakakatawa." sabi ko na naiiyak na talaga.
"Hindi rin nakakatawa ang pagtawag mo sakin ng Alexis teh!" maarteng sabi nya sabay irap.
Hindi ko nalang sya pinansin. Wala naman syang matutulong eh.
"Hi Summer, Alex." para akong nagfreeze nang marinig ko ang boses nya. Enebeyen.
"X-Xyrus." nauutal na bati ko.
"Hi fafa Xy. Upo ka here oh." bad timing talaga ang bibig nitong si Alex. Kung kelan naman mukha akong stress saka nya niyaya si Xyrus na sumali samin huhu. Sana man lang nakapagsuklay ako.
"May problema ba Summer? Mukhang matamlay ka." tanong ni Xyrus.
lub dub lub dub
"A-ah wala. Ok lang ako. hehe." sagot ko kahit hindi naman talaga ako ok.
Wala ako sa mood magpacute ngayon. Baka pag nakita ni Xy tong singsing isipin nya taken na ko. Baka hindi na nya ko ligawan hehe assuming.
Pero sana naman hindi na balikan nung kuyang pogi ang wallet nya. Pag nakita nya kasi na suot ko ang singsing nya baka ipakulong ako. Sabihan pa kong magnanakaw huhu.
*kriiing*
Bell yan obvious ba? Ayan na magkaklase na naman.
Mamaya ko nalang poproblemahin ang problema ko, ayokong mamroblema eh. Hehe.
"Let's go na dear. Sabay ka na samin Xyrus!" pag-aaya ni Alex na sya namang ikinatuwa ko. Hehe syempre sabay kaming papasok ni Xyrus my love hihi.
Habang naglalakad papunta sa kabilang building, hindi ko mapigilang mapalingon sa paligid ko. Napaparanoid na yata ako pero malakas ang kutob ko na meron talagang nakatingin/nakasunod sakin. Kinakabahan tuloy ako huhu.
"Ahh bes una na kayo ni Xy. Daan lang ako sa restroom." paalam ko sa kanila.
Tumango naman sila kaya mabilis akong naglakad papunta sa lugar na walang masyadong tao. Hindi ako mapaglagay dahil alam kong may mali. At tama ang hinala ko, may sumusunod nga sakin. huhu.
"Nasayo lang pala miss." narinig ko ang nakakatakot na boses ng lalaki mula sa likod ko. Napapikit nalang ako sa sobrang takot. Huhu ang engot ko kasi bat pa ko pumunta dito.
"S-Sino ka-kayo?" paglingon ko kasi hindi lang pala isa ang nakasunod sakin. Tatlo sila huhu at nakakatakot ang pes nila.
"Ibigay mo na samin yan Miss. Ayaw naming manakit ng babae." Sabi nung isang lalaki na sobrang laki ng katawan. Naglalagi yata sa gym itong si kuya. Mommy, daddy huhu.o(╯□╰)o
"A-alin po ba?" tanong ko. Ano nga bang hinihingi nila? Hindi naman nila sinabi pano ko ibibigay. Ang labo nilang kausap ah.
"Wag mo na kaming lokohin miss. Kitang kita namin eh." Sabi ni manong number 3 na nakatingin sa kaliwang kamay ko kaya napatingin narin ako.
BINABASA MO ANG
Caution: Dracula is Inlove
RomanceMeet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo...