Chapter 1

172 3 0
                                    

"Huy bakla, lalim ng iniisip mo. Parang meron ka nun ah."

"Nang alin?"

"Isip-- ouuchhie! Ang hairdo ko. huhuhu!" mangiyak-ngiyak na sabi nya habang inaayos ang blond nyang buhok. Bigla tuloy nagtinginan ang buong klase samin kaya hiyang hiya ako.

"A-ahh hehe sorry." sabi ko nalang saka umupo ulit.

"Ano ba kasing iniisip mo ha bakla?" maarteng sabi nya. Bwisit to hindi talaga titigil sa pagtawag sakin ng bakla eh sya naman ang tunay na bading!

Humarap ako sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa. Ang gwapo ng bading na to, sayang. Kung hindi lang sya naging bading edi sana may boyfriend na ko hehe.

"Hoy Summer, wag mong pagnasahan ang katawan ko!" arte nya sabay pinagkrus ang dalawang kamay sa katawan na parang irerape. Kapal.

"Wag kang mangarap Alexis, alam kong di tayo talo." nakangising sabi ko dahil alam kong maiinis sya. Ayaw nya kasi ng tinatawag na Alexis hehe.

"OmyG! It's Alexa, not that kadiring name. Lakas makabakla!" sabi nya sabay flip ng hair, feeling talaga nito hehe.

"Ewan ko sayo, tara na nga maglunch na tayo." sabay tayo ko at naglakad na palabas ng classroom.

Kanina pa ko nagugutom pero wala akong kasabay kumain. Ito kasing bayot na to namboboys pa hehe.

Habang kinakalkal ko ang bag ko para hanapin ang wallet, hindi sinasadyang may nabangga ako at naramdaman ko bigla ang init sa dibdib ko.

"What the--OMG my dress!!" matining na sigaw ng isang babae. Hindi ako pwedeng magkamali, sya yun eh huhu. Ang tanga mo Summer, sa lahat ng pwedeng bungguin bakit sya pa huhu.

Mabilis pa sa alas kwatro na kinuha ko ang panyo at dali-daling pinunas sa mamahalin nyang damit. Kahit ang hapdi na ng dibdib ko dahil sa hot choco na natapon sakin hindi ko nalang pinansin.

"Naku, sorry talaga Charlotte, di ko sinasadya." sabi ko habang punas-punas parin ang damit nya. Nakakahiya, ramdam kong lahat ng tao nakatingin na samin huhu. Ayoko pa naman ng ganito.

"Stop that, you freak!" sigaw nya sabay tulak sakin kaya napaupo ako sa sahig. Agad naman akong inalalayan ni Alex para makatayo.

"You stupid--Ahhr!" namumula na sa inis si Charlotte. Mukha pa naman mamahalin ang damit nya.

"A-ah sorry, babayaran ko--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nagsalita na sya.

"Do you know how much is this?!" huhu nakakatakot sana pala di nalang ako nagsalita. Naiiyak na tuloy ako.

"Tama na yan Charlotte!" si Alex yan. Ang aking knight in shining pink armor hehe.

Buti nalang tumigil na si Charlotte, nakikinig naman pala sya sa pinsan nya huhu.

"Tss, we're not done yet!" pagbabanta nya at tuluyan ng umalis kasunod ang mga friends nya.

Grabe ang tangangers ko talaga!

"Ok ka lang te?" tanong ni Alex.

Tumango ako. Tapos umiling.

"Naglolokohan ba tayo Summer?" nakataas kilay na sabi ni Alex.

"O-okay lang ako kasi wala na si Charlotte pero hindi pa pala kasi..huhu ang hapdi ng dibdib ko bes!" sabi ko na halos maiyak na. Lalo kong naramdaman ang sakit kaya dinala agad ako ni Alex sa clinic.

Naglakad ako papunta sa clinic ng hindi tumitingin sa daan. Ramdam ko kasing bawat makakita sakin tinitignan ako na parang may pinatay ako huhu.

"Pagpasensyahan mo na yung pinsan ko te. Ganun lang talaga yun pero mabait yon, baka meron lang sya ngayon." paliwanag ni Alex.

Caution: Dracula is InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon