Yuri's POV
"Hey, bakit gising pa kayo?" gusto kong batukan si Cham dahil sa sinabi nya. Nagstretch pa sya tapos nagkusot ng mata.
"Bakit nga ba mga tol?" isa pa tong gagong Craig na to. Kanina pa kami mulat tapos ngayon lang sya nagtanong.
"Pfft. I'm lovin' it." si Rain yan. Kanina pa nya sinasabi yun para na syang tanga. Feeling CEO ng McDo ampotek.
"Haha. Napag-utusan lang kami ni master Cloud." kalmadong sagot ni Kier.
Kaninang kanina pa kami nagtititigan dito. Namumula na ang tantalizing eyes ko.
1am na at gising parin ang lahat. Gusto nyo bang malaman kung bakit? Ganito kasi yun...
Flashback
"Hoy Yuri patext nga! Potek nakikipagbreak na naman si Bambam." hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa mukha ni Craig. Para syang natatae na ewan pfft.
"Wala akong load. Pfft." pang-aasar ko. Pati ang yaman nya di sya magpaload, baka mabasa pa nya ang texts ng mga fans ko.
"Wala kang silbi, tsk!" sabi nya sabay padyak sa upuan. "Aray! Syet." Pfft parang tanga lang, di sya tumulad sakin, gwapo na, gwapo pa.
Nandito pala kami ngayon sa hideout. Ewan ko ba kay Four kung bakit hide out ang tawag dito eh hindi naman naka hide. Pansinin pa nga kasi sobrang laki.
Nakaupo ako habang nagyoyosi ng hindi nakasindi. Kanina ko pa gustong sindihan pero baka maamoy ni Cloud, ayaw na ayaw nyang nakakaamoy ng yosi. Tsk bakla yata yun eh.
Sina Four, Rain at Kier naman nakaupo habang nanonood ng movie. Si Cham ayun naliligo.Si Craig? Ayun binubuhos sa upuan ang sama ng loob, ayaw kasi syang pahiramin ng phone ng mga loko haha.
Sabay sabay kaming napatingin nang bumukas ang napakalaking pinto. Halos mapatayo kami sa sama ng aura nya, gwaaabeee nakakatakot.
Pero ang nakapagtataka, buhat nya ang isang babae. Hindi ko makita ang mukha kasi nasa likod nya. Ang sweet talaga nitong si Cloud, parang nagbuhat lang ng baboy.
"Wooah, sino yan?" Kier
"Chix pare." Craig. Gagong to parang kanina lang nagluluksa dahil nakipagbreak ang bambam nya.
"Is that Summer?" Rain.
Huh? Si Summer nga ba? Saka lang namin makita nang ilapag nya sa sofa ang babae.
"Pfft. Anong nangyari?" tanong ni Rain.
"Her arm is broken." matipid na sagot ni Cloud saka dumiretso sa tapat ng ref at kumuha ng tubig.
"Nasundan sya?" tanong ko.
"Yeah." sagot nya saka naglakad palapit kay Summer. "Don't leave her until she wakes up." dagdag nya sabay tingin ng masama samin.
Tingin palang nakamamatay na.
End of Flashback
Kaya heto kami ngayon, nakabantay kay Summer na ang sarap ng tulog. Ginamot muna ni Rain ang pilay nya tapos linipat namin sya sa isang guest room.
Pa'no pag umaga na nagising si Summer? Ibig sabihin hanggang umaga kaming mulat. Ayos din to, magtutusukan nalang kami ng mata at magkukurutan ng nail cutter.
"Aaah yun lang pala."
"Yun lang Cham?!! Yun lang? Wag mo yung i-LANG! Limang oras na kaming walang tulog dito. Tapos galit parin sakin si bambam! Di ko man lang sya mapuntahan!" pagdadrama ni Craig.
BINABASA MO ANG
Caution: Dracula is Inlove
RomanceMeet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo...