Summer's POV
"So, what were you doing in my house?" iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Super titig kasi sya sakin tapos nakasmirk pa.
"Wala kasi akong kasama sa bahay.." sagot ko habang nakatitig sa view mula sa taas ng Ferris Wheel. Lalong nagpaganda ang christmas decor ng mga building at bahay.
"Don't you have friends?" tanong ulit nya na may nakakalokong ngiti. May pilyong side din pala itong si Cloud, akala ko beastmode lang sya lagi.
"Friends naman tayo diba?" napansin kong napalitan ng inis ang ngiti nya.
"No we're not." tipid na sagot nya tapos tumingin sa baba.
"Ayaw mo ba kong maging..kaibigan?" nahihiyang tanong ko.
"Naah." sagot nya. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Cloud kaya hinayaan ko nalang sya. Kahit sabihin nyang hindi kami magkaibigan alam kong nagiging mas close na kami, lalo na at kinwento nya ang nakaraan nya sakin.
"Cloud, nagkagirlfriend kana ba?" gusto kong sampalin ang sarili ko sa sinabi ko. Anong bang iniisip ko at tinanong ko yun sa kanya! Napansin kong medyo nagulat din sya pero nakabawi din agad.
"Who knows?" nakangising sabi nya. Pakiramdam ko pinagtitripan ako nitong si Cloud eh. Inirapan ko sya pero natawa lang sya dahil malayo sa personality ko ang pagtataray.
"What do you think?" tanong nya.
"Huh? Kung nagkagirlfriend kana?" paniniguro ko. Tumango naman sya kaya sumagot ako agad.
"Hindi." tinaasan nya ko ng kilay dahil parang hindi man lang ako nag-isip. "I mean, hindi ko maimagine na may girlfriend ka..Para kasing..ano.." hindi ko mahanap ang tamang salita kaya sya na ang nagtuloy.
"Because of my atittude." sagot nya. Tumpak! Buti nalang hindi sakin nanggaling yun. "But yeah, I haven't been in a relationship but.." narinig ko syang tumawa ng bahagya bago tinuloy ang sinasabi. "nevermind.. I haven't date anyone and I have no plans to." bored na sagot nya.
What's wrong with him?! I mean, sinong hindi nangarap ng isang magandabg relationship? Yung tanong mamahalin ka kahit alam nyang may toyo ka. Yung taong tatanggapin ka maging sino ka man. OK. Ako na hopeless romantic.
"Anong mali sa atittude mo? I mean meron nga, well, konti lang. Pero hindi yun dahilan para wala ng magmahal sayo." medyo natawa sya sa sinabi ko pero sumeryoso din sya at tinignan ako sa mata.
"You really wanna have a heart to heart talk with me, Teriz?" natatawa at amazed na sabi nya. Parang tumalon ang puso ko nang tawagin nya kong Teris. Nahiya naman ako, oo nga hindi si Cloud ang tipong makikipagdramahan sakin.
"How bout you? Have you been in a relationship?" tanong nya sakin.
"Hindi rin, sana pero hindi eh." sabi ko saka tumayo na. Inalalayan nya ko pababa, ang lambot ng kamay nya.
"Yeah,sounds like you Summer." natatawang sabi nya.
"Gutom na ko." sabi ko habang naglalakad kami.
"I hope I brought that lasagna with me." nakasmirk na sabi nya kaya hinampas ko sya. Nasanay lang ako kay Alex kaya hindi ko napigilan. Alam ko kasing inaasar nya lang ako. Sya kaya ang first time gumawa ng lasagna. Hmp!
Kumain kami ni Cloud sa Jollibee, hehe namiss ko kasi ang chicken at spaghetti, lalo na yung peach mango pie. Habang kumakain ako walang ginawa si Cloud kundi tumingin sakin. Di ko nalang sya pinansin kasi sobrang gutom ko na, kanina ko pa gustong lumamon.
Pagkatapos kumain namasyal muna kami sa mga park na may iba't-ibang Christmas decor. Ayoko muna kasing umuwi dahil wala naman akong aabutan sa bahay, buti nalang pumayag si Cloud. 2AM na nang maisipan naming umuwi, grabe hindi ko namalayan ang oras.
BINABASA MO ANG
Caution: Dracula is Inlove
RomanceMeet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo...