Summer's POV
"la la la la la...lalala.. la la-"
"Ang hirap naman ng lyrics nyan. ∩__∩"
"Ay bakla!" muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Buti nalang nakahawak ako.
Nandito ako sa McDo ngayon at kumakanta habang pinapaikot ang upuan hehe yung bilog na upuan hihi.
"Haha, hindi ako bakla try mo pa.∩__∩" nakangiting sabi nya.
"Hehe wag na, ayokong maging lalaki." sagot ko na syang lalong nagpalaki ng ngiti nya.
Nginitian ko rin sya para naman hindi sya magmukhang sira hehe.
"Anong ginagawa mo dito Rain?" tanong ko sa kanya.
Pero parang mali ang tanong ko. Bakit, ano bang ginagawa sa mall? Pwede bang maglaba dito? Ang engot ko talaga.
"May tinitignan lang."nakangiting sagot nya. Smiling face din ang isang to, hobby ba nya ang ngumiti.
"Ano naman?" tanong ko. Hehe medyo may pagkatsismosa din ako minsan.
"Ikaw?" patanong na sagot nya.
"Pilosopo! hehe." yan nalang sabi ko. Di pala matino kausap ang isang to.
"Haha, ikaw anong ginagawa mo dito Summer?" tanong nya sabay kuha sa fries ko.
"May binili lang, hehe." sabay pinakita ko ang paper bag na binili ko. Syempre hindi lang paper bag ang binili ko may laman to na damit hehe para sa date namin bukas ni Xyrus hihi.
"Pauwi kana ba?" tanong nya sakin. Tumango ako bago uminom ng coke float. Hindi naman din ako magtatagal dito. Gabi na rin.
Pagkatapos kasi ng klase dumiretso nako sa mall, hindi nako nasamahan ni Alex kasi may date daw sya hehe.
"Hatid na kita?" offer nya. At sino ba naman ako para tanggihan ang gwapong to hehe.
"Sige, ok lang ba? Baka may pupuntahan kapa." baka naman kasi naaawa lang sya sakin. Wala kasi akong kasama, loner kung baga.
"I insist. Let's go?" yun naman pala!
"Tara! hehe."masayang sabi ko saka tumayo na. Kinuha nya ang paper bag na dala ko at sabay kami naglakad papuntang parking. Ang gentleman naman nya.
"Ah Rain, kamusta na pala si Cloud?" tanong ko habang naglalakad kami.Baka kasi nagtatampo yun sakin kasi tinanggihan ko ang offer nya na date hehe.
"Huh, ok lang. Why?" takhang tanong nya. Haay buti naman, akala ko kasi hehe.
"Ahh. hehe." yan lang ang nasabi ko. Tumigil kami sa tapat ng isang black BMW at woow rich boy hehe.
"Thank you." sabi ko bago pumasok sa sasakyan. Ang gentleman talaga pinagbuksan pa ko ng pinto hehe.
Ngumiti sya bago isara ang pinto sa tabi ko at pumasok sa kabila.
"Gusto mo ng music?" tanong nya bagi pinaandar ang sasakyan.
Umiling lang ako. Bakit parang napakamisteryoso ng lalaking to. Oh baka weird lang talaga sya hehe.
"Did he ask you out?" out of the blue na tanong nya. Paano nya nalaman? Hhm sabagay friends sila ni Cloud hehe.
"Oo, hehe pero hindi ako pumayag eh." sagot ko. Hindi ko na sasabihin ang dahilan baka magsumbong pa tong si Rain tamaan na naman ako ng flying kutsilyo huhu.
"Why not? It's for your own good." sabi nya na hindi tumitingin sakin. For my own good? Bakit, pag nakipagdate ako sa kanya lulusog ako?
"Alam mo kasi Rain.." seryosong sabi ko kaya napatingin sya sakin saglit.
BINABASA MO ANG
Caution: Dracula is Inlove
RomanceMeet Summer. Childish, clumsy, pretty and sweet. Mayaman? Oo. Mabait? Oo. Matalino? Next question. May boyfriend? NBSB ang lola! Meet Cloud. Hot & spicy, parang pancit canton, masarap. Perfectionist, sadist. Mayaman? Check. Matalino? Check. Gwapo...