VUVB 12: CONTROL THE MIND

331 48 13
                                    

12: control the mind

[ HANY POV'S ]

ISANG LINGGO na ang lumilipas matapos ang pangyayaring tungkol sa tatlong lobo na aking nasagupa, nalaman ko rin na ang prinsepe pala ang tumulong saakin dahil ibinalita sa lahat na natagpuan na ang mga lobo at ang prinsepe nakahanap. Gusto ko magpasalamat sa kanya pero nahihiya ako, at staka hindi naman kami close para gawin ko 'yon. Wala naman siyang paki-alam sa akin.

Matapos nun naging maayos na muli ang takbo sa loob ng university, maliban nalang sa masungit at cold prince ng Cachtice Slovakia'. Nga pala, isang bansa ang Cachtice Slovakia, akala ko noong una pamagat 'yon sa libro pero hindi pala.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano basta't magfocus kalang!" Rinig kong turo saakin ni Ms. Serena, habang nanatili akong nakapikit at pi-lit na nagcoconcentrate. Naalala ko nung first day ko dito, nangako siya sa akin na tuturuan niya 'ko na kontrolin ang pag-iisip ko. At 'yon nga, narito siya para turuan ako.

"Inhale. Exhale. Inhale and exhale..." Paulit ulit niyang turo saakin na paulit ulit ko rin naman ginagawa. Ramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin dito sa sapa sa dulo ng kagubatan ng paaralan. Mas marerelax daw kasi ang brain ko kung dito kami mag sasanay.

"Ngayon subukan mo magisip na hindi naibabahagi saakin." Utos niya.

Nagisip ako na pwede kong isipin na hindi ko maibabahagi, na ako lang ang dapat makaalam.

Pasimple akong napakagat sa'king ibabang labi ng sumabay saaking pagcoconcetrate ang pagkulo ng tiyan ko.

Nagugutom na ako! Hindi ko na iwasang naitala.

"Pffffttt!" Rinig kong pigil na tawa ni ma'am  na ikinadilat ko.

"Narinig niyo po?" Inosente kong tanong.

"Oo, ang lakas nga eh!" Natatawa niyang sabi na ikinahalak-hak niya. Napangiwi nalang ako.

"S-sorry... Hindi ko napigilan," sorry niya pero halatang natatawa parin siya.

Napakamot ako sa batok ko, "ok lang po... Ah, Ms. Serena pwede po ba kumain muna tayo?"

"Hm... Sige  na nga, but after your lunch gusto ko magawa mo na ang pag control" turo niya saakin gamit ang hintuturo. Tango lang ang aking naisagot, staka ako bumaba sa malaking bato na aking pinag-upuan.

Tahimik kaming naglakad na magkasabay.

"Ms. Serena!" Putol ko sa katahimakan

"Mmm?"

" Pwede po bang magtanong?"

"Sure, ano ba 'yon?"

"Ahmm...ito pong tanong ko masyadong sagrado, kung ayaw niyo po sagutin ok lang" panimula ko

"Ganun ba, ok lang sasagutin ko Hanggang saaking makakakaya."

"Ahhh...Yung tungkol po kay Maori" bulong ko, ngunit Wala man lang gulat na reaksyon sa kanya.

"Sabi ko na nga ba hindi mo maiiwasan na itanong 'yan. sasagutin ko ang tanong mo, panahon na siguro para malaman mo ang katotohanan."

I gulped hard.

"Anong gusto mong malaman?" Nakabaling ulo niyang tanong.

"Sino po ba si Maori?" Walang pagdadalawang isip kong tanong.

Sana naman yung tinutukoy nilang Maori ay hindi yung babaeng kumagat sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan.

Huminto siya sa paglalakad na ikinahinto ko rin. She look at me seriously.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon