VUVB 11: ANNOYED

310 46 13
                                    

11: Annoyed

[ 3RD PERSON POV'S ]

Isang malakas na sipa ang ibinigay ni Khalid sa isang lobo dahilan para bumali ang katawan nito.

"I found you!" Madiin niyang bigkas habang nakatitig sa dalawang lobo na naglalaway at handang-handa na sakmalin si hany na walang malay sa kanilang pagitan.

Sandaling sinulyapan ni Khalid si Hany, bago niya muli ito tinuon sa dalawang lubo na galit na galit.

And a few moments, his eyes turned red and his fangs protruded. Mas malamig pa sa yelo ang tingin nitong na mas lalong nagpa-angil sa mga lobo.

Napatingala siya nang sabay na tumalon sa magkabilaang pader ang dalawang lobo, nakanganga ang mga ito at handa na nila sunggaban ang nakaandang ulo ng prinsepe, ngunit mas mabilis pa sa kidlat ang naging galaw ng prinsepe dahilan para maiwasan niya ito.

Subalit, mabilis na sumampa sa likod niya ang isang lobo na may kulay itim ang balahibo, na agad na nagpa alarma kay Khalid. Mabilis niyang inikot pakaliwa ang ulo ng lobo dahilan para gumulong ang pugot na ulo nito. Sumugod din ang isa at tulad ng ginawa niya sa una, binanat niya ang ulo nito hanggang sa humiwalay ito sa katawan ng lobo.

Humarap sa siya nakahigang mga walang ulong lobo habang patuloy sa pagpatak ang mga dugo sa kanyang mga kamay. " I will kill you all until there are no more wolves left in this world, mapaghigante kolang ang babaeng mahal ko." Bulong niya.

He took a few steps away from the wolf, but he stop when he smell the blood coming out of Hany's arm. Lumapit siya at tinitigan niya ang pigura nito, ngunit napaatras siya ng biglang uminit ang mga mata niya at na-mula ito.   Lumabas din ang mga pangil niya kaya napatalikod ito.

Mayroong pagtataka sa kanyang mukha kung bakit siya naakit sa dugong meron kay Hany dahil isa rin naman itong bampira, at ang mas ipinagtaka niya ay kung bakit ang amoy nang dugo nito ay kasing amoy nang dugo ni Maori.

He calm him self first, bago siya humarap kay Hany. Lumuhod siya, at akmang bubuhatin na niya ito nang makita niya kung gaano kalapit ang mukha ni Hany sa mukha niya. Napansin niyang maganda rin pala ito.

Nagtagal ang pagtitig niya ng ilang segundo...

Ngunit agad napa-tikhim siya at ibinalik ang sarili sa wisyo. Tuluyan na niya ito binuhat at lumakad.

Tahimik ang buong paligid, tanging ihip lang hangin ang maririnig dahil ang lahat ng estudyante ay nasa cafeteria at sabay-sabay na kumakain.

In a few minutes nakarating na siya sa dorm, bahagya muli siyang tumingin sa naggagandahang mukha ni Hany. She have a perfect face. Fair skin, double eyelid, long eyelashes, straight brow, small nose and red lips, ngunit natatakpan lang ito ng malaki niyang eye glasses.

Napa ismid siya nang makitang gumalaw ang eyeballs nito. Kaya't agad niyang pinihit ang doorknob at pumasok. Ibinaba niya si Hany sa kanyang kama.

Hindi niya inalintana ang magkalapit nilang mukha bagkus binulungan niya pa ito.

"I know your awake!" Mainit na bulong niya na mabilis na nagpabangon sa dalaga. Ngunit bago pa ito bumangon mabilis siyang tumakbo patungong bintana at doon tumalon.

He walked away, na para bang Walang nangyari. He smirked when he heard the voice of Hany.

"The prince is here!"

"He's so handsome!"

Rinig niyang bulungan papasok sa cafeteria ngunit hindi niya pinansin 'yon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Umakyat siya sa second floor kung saan nakapwesto ang mga pure blood or royal blood. Samantala sa unang palapag naman nakapwesto ang mga half bloods.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon