15: Tingin
[ HANY POV'S ]
"Are you ok prince Khalid? Aray!" Tanong at inda ko saaking natamo. Alam ko naman na gagaling kaagad ito pero hindi naman mapapawi ang sakit na dala nito.
"I think you are not well. Kaya mo bang tumayo?" He asked, sabay lahad ng kanyang palad saaking harapan. At dahil sa dilim hindi ko na gaano maaninag ang mukha niya.
Pero siya 'tong tumama sa bato, kaya bakit ako pa ang inaalala niya?
"Wag na, kaya ko naman," tanggi ko at akmang tatayo na ako "ouch!" Napainda ako. Sinilip ko ang paa ko. Mukhang may nabali ata.
Ang sakit!
Gulat na nanlaki ang mga mata ko ng wala siyang pasabing buhatin ako ng pabridal style na ikinakapit ko sa kanyang leeg.
"Ibaba mo nga ako! Ano bang ginagawa mo?" Nanlalaking mata kong utos sa kanya at pilit na bumababa, ngunit mas hinigpitan niya ang pagkapit saakin.
"Don't move. Gusto mong madagdagan niyang sakit na nararamdaman mo?" Banta niya na agad kong ikinatigil.
Napalunok ako at hinayaan ko nalang siya, baka kasi kapag nagpumiglas pa ako mas lalong sumakit itong paa ko.
"Hold tight!" Aniya
"Ha?"
Bago pa ako makakapit ng mahigpit agad siyang tumalon nang napakataas. Pati ang bilugang buwan ay sumilay saaming dalawa, sabayan pa ng hangin na tumatama sa aming mga balat sa tuwing tumatalon siya sa mga nagtataasang sanga ng puno.
Nakatingin lamang ako sa kanyang perpektong mukha. Ang makakapal nitong kilay, mahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang labi, isama pa ang kaputian nito na mas lalong nagbigay dating sa kanya.
I swallowed when our eyes met, I heard him smirk which I avoided.
Hindi ko alam kung saan ako titingin sa harap ba? Sa langit? O sa mukha niya? Lahat kasi ay kaaya-ayang tignan sabayan pa ang nakakainis na pusong ito na ayaw tumigil sa pagtibok.
Damn it.
—
Mabilis kaming nakarating sa tapat ng malapalasyong dorm.
"O-ok na dito pwede mo na ako ibaba." Kaba kong sabi ngunit nag bingi bingian ang nakakainis na prinsepe.
Goshh! Tuloy tuloy siya sa pagpasok lahat tuloy sa amin na ang atensyon. Nakalimutan na nga nila yumuko eh. Tapos yung iba mga nakanganga na at di makapaniwala sa kanilang nakikita. Naisubsob ko nalang ang mukha ko sa dibdib niya para maitago itong hiya ko na agad ko naman pinagsisihan.
Naririnig ko ang bawat pintig ng puso niya. Iba ang tibok nito, napaka kalmado na para bang wala lang sa kanya ang mga nangyayari.
Bakit ako naaapektuhan?
Hindi ko nalang pinansin ang tibok ng puso niya, tahimik nalang akong nakasandal sa dibdib niya babang patuloy siya sa pag-akyat. Ramdam ko rin ang mga matang nagliliyab na nakatingin saakin.
"Oh my gosh! Who's that girl?" Rinig kong boses ni Cat na halatang gulat na gulat.
"Bobo, si Hany 'yan!" Matinding anas naman ni Nissie.
BINABASA MO ANG
VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION]
VampireA vampire university that is hidden, without light and no one knows only pure and half vampires The students here ... But in One night incident A woman deliberately bitten to protect The last race of victorious vampires ... A woman who loves light a...