VUVB 5: VISITOR

351 60 94
                                    

5: Visitor

[ PROFESSOR MANEUVER ]

Nasa kawalan ang aking kaisipan habang pababa ng hagdan dahil saaking nalaman na result sa dugo ni Morrison. Hindi ako makapaniwala na isang Victorious vampire ang kumagat sa kanya pero paano naman nangyari 'yon iisang bampira nalang ang nangangalaga sa Victorious clan at iyon si Maori. Imposible naman na may iba pang victorious vampire...

Nanlalaking mata akong napatingin sa pintuan nang mapagtanto ko 'yon.

"Naku...huwag naman sana," binuksan ko ang pintuan at bumungad saakin ang tagapaghatid ng sulat mula sa Hari naming mga bampira. Yumuko ako bilang paggalang sa sulat na hawak hawak nitong si Protacio. Tumayo ako at kinuha na ang sulat staka nagpasalamat sa kanya bago ko isinara ang pintuan.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang itim na liham...

"Princess Maori Lyn Victoria of Victorious clan is dead" basa ko sa sulat. Napahawak ako sa sintido ko at nayupos ko ang liham dahil sa pagkabigla at pag-iisip.

It can't be...

"Siya ang kumagat kay Hany?" bulong ko. "Anong gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng ibalita sa kanila na ang dugo ni Maori ay nalipat sa isang dating tao... tiyak akong manganganib ang buhay niya lalo na't sa mga lobo. At nasisigurado 'kong hahanapin nila ang bagong nagmamay-ari ng dugo ng mga Victoria, para mabuhay ang kanilang hari" I gulped at nag isip-isip "Anong gagawin ko?"

Napabalikwas ako ng tayo nang maalala ko naiwan ko pala sa lab ang blood results. Agaran akong tumakbo patungo saaking office. At hindi na ako nagulat, naabutan ko siyang binabasa ang papel namay hindi maitsurang mukha dahil sa katanungan at kalituhan.

"Miss Morrison" tawag ko sa kanya, dahilan para magulat ito at mabitawan ang papel na ngayon ay nahulog na sa maduming itim na carpet.

"P-professor!" Nauutal niyang wika. "Sorry po na curious lang ako kaya't bina-" I cut her off.

"It's ok!"

Hinatak ko siya sa patungo sa upuan at pina-upo.

At maya-maya pa pabalik-balik na akong nagpalakad-lakad habang nakahawak ang aking isang kamay sa bewang at ang isa naman ay saaking sintido.

"Professor, ano po bang problema?" Tanong niya saakin na litong-lito.

Napahilamos ako sa aking mukha paano ko ba ito ipapaliwanag?

"Miss Morrison... sabihin mo nga saakin babae ba ang kumagat sa'yo?" Natahimik ito saglit at tila ba binabalikan ang ala-ala. Kailangan ko munang masigurado na si Maori nga ba talaga ang kumagat sa kanya, but impossible...

"O-po" tango niya.

"I knew it!" I snapped my finger. "Miss Morrison. Listen. Hindi isang ordinaryong bampira ang kumagat sayo ang bampirang iyon ay napaka espesyal" lalo na sa Prince. "Pero sa tingin ko may dahilan naman kaya ikaw ang napili niya-"

"Prof pwede niyo po ba sabihin kung sino yung kumagat sa 'kin? At isa pa ano po yung Victorious?" Mahahalata sa mukha niya ang pagkalito at pagkanais na malaman.

Tumikhim ako "ang bampirang 'yon ay ang huling nagmamana sa dugo ng Victorious at siya si Maori ang prinsesa ng mga Victorious clan"

"Victorious clan?"

I nodded "Victorious ang pinaka iniingatan at especial na dugo sa lahat ng bampira dahil kaya nitong mabuhay ang mga namatay o kaya naman ibalik ang mga ala-ala ng mga bampira o taong nawalan ng ala-ala."

Halata sa mukha niya ang pagkalito...

"Kung nasaakin na ang dugo niya, ibig sabihin-"

"Yes Miss Morrison, you are the new Victorious!" Madidiin kong bigkas sa 'new'.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon