VUVB 24: MIRACLE UNIVERSITY

219 31 15
                                    

24: Miracle University

[HANY POV'S]

"Louis!" Tawag ni Khalid dito na nagpalingon kaagad sa kanya.

"What?" Kunot nuo nitong lingon.

"Give me the key, I drive." lalong kumunot ang nuo ni Louis.

"Why?"

"Don't ask, ibigay mo na!" He said in authority.

"O-okay!" May pilit sa kanyang tono sabay hagis ng susi patungo kay Khalid.

Hindi na nagsalita pa si Louis at nauna na silang pumasok ni Darie sa loob ng kotse.

"Good morning!" Bati saakin ni Darren at ningitian ako.

"Good morning, Darren. " Balik ko at ngumiti din.

Akmang hahakbang na ako papasok sa back seat ng may isang malaking kamay ang humawak saaking kamay at inilayo ako sa pintuan. Kita ko sa mata ni Darren ang gulat lalo na't nung nakita niya ang magkahawak na kamay namin Khalid.

"Huy!" Tawag ko sa baliw na prinsepe. Hinahatak ko din ang kamay ko pero mas lalo niyang riniriinan ang paghawak sa akin dahilan para hindi ito kumalas.

"Saakin ka tatabi." Aniya sabay hatak sa akin, at sapilitan akong pinaupo nito sa passenger seat.

Ano bayan, ayaw ko nga siya makatabi eh...iniiwasan ko siya dahil sa nangyari kagabi... Nahihiya ako.

Siniksik ko ang aking sarili at nayuko. I bite my lips when I feel his presence beside me.
I know that he looks at me, pero di ko siya lilingunin. Bahala siya.

Sinimulan niyang painitin ang makina bago mag maneho.

"Do you know which way khalid?" Louis asked.

"Yeah." Maikli niyang tugon.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe at ni isa saamin ay walang nagsasalita nang mamataan ko ang daan patungo sa bahay ni tita Elma, at naswertahan huminto ito sa tapat ng bahay namin dahil sa traffic. Gilid kasi ng kalsada ang bahay namin.

Pinagmasdan ko lang ang bahay na pinaglakihan at tinirhan ko noong ako pa ay tao. Namimiss ko na si tita, sana lumabas si siya. Gustong-gusto ko na siyang makita uli.

Bumahid ang ngiti sa mga labi ko nang ilang segundo palang ang nakakalipas nang makita ko ang pagbukas ng pintuan. Ngunit biglang nawala ang ngiti ko ng mapagtanto na isang babae na kasing edad ko ang lumabas. Tila bigla naman akong tinusok ng karayom sa dibdib nang marealize ko at maalala ko yung sinabi si Sir Maneuver na may magpapanggap bilang ako. Siya na kaya 'yon?

Pinagmasdan ko lang siya habang nagdidilig nang mga halamanan sa aming bakuran na ako dati ang gumagawa. Lumingon ako sa harapan ng kalsada nang hindi ko na napigil na lumuha. Mahina akong humikbi at agad na pinunasan ang basa sa pisngi ko. Muli akong lumingon sa bahay namin at agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Tita Elma na masayang nakikipagbiruan sa pekeng ako.

Tita..

"Nakakaasar naman ang traffic, kaya ayoko sa outside world eh!" Rinig kong angal ni Louis.

Hindi ko namalayan na may butil na naman ng luha ang kumawala mga mata ko. Mabilis akong bumalik sa maayos na pagkakaupo at agarang yumuko nang umandar na ang sasakyan, pero bago pa makalayo ito ay saglit kong sinulyapan si tita na nakangiti parin.

Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Khalid na nagpatama saaming mga mata. Sumalubong ang kanyang mga kilay nang mapansin niya akong umiiyak.

"Why are you crying?" Nag-aalalang tanong niya na ikinahinto niya rin sa pagdridrive.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon