25: EX
HANY POV'S
"Good morning students!" Bati nang adviser ng section 1-A.
"Good morning ma'am!" Bati naman din nila habang mga nakatayo.
Ibang iba talaga ang normal na tao sa mga bampira. Doon kasi sa Vampire University, kapag bumabati ang mga prof iilan lang ang sumasagot. They don't know how to respect. Nirerespeto lang nila ay yung mga bampirang alam nilang mas malakas o nakakataas sa kanila. That's a vampire thing.
Napailing iling nalang ako pero hindi ko sa kanila pinhalata iyon.
"We have transferees and they are from the same school, kaya pakitunguan natin sila ng maayos umaasa ako sa inyo section 1-A." Ngiting sabi ni ma'am, at tumango naman ang mga estudyante.
Nilibot ko ang aking paningin at pinagmasdan sila isa-isa.
Hays. Naitala ko nalang saaking isip, pa'no ba naman kasi kung makatitig sila sa boys namin. Wow boys namin. Akala mo nga mangangain eh. Ang iba pa nga naghaharutan at parang kiti kiti na hindi mapakali kakagalaw.
Tahimik akong humagikgik.
"Why are you laughing?" Boses ni Khalid na nanggaling saaking isipan na nagpalingon saakin. He use a telepathy.
"Nothing" balik kong pasa sa isip niya.
Humarap muli ako sa harapan. Ngunit tila tumigil ang paligid at nawala ang aking ngiti ng magkasalubong ang aming mga mata ng lalaking kinasusuklaman ko matapos ang lahat ng pinag samahan namin. He smiled like a jerk.
Ang walang hiya! Nagpipigil kong galit na gusto nang kumawala.
"Baby, your turn." Bulong ni Khalid na nagpabalik saaking suhestyon.
"Ha?"
"Introduced your self," mahinahon niyang sabi.
Napatingin naman ako kay Ma'am na nakangiting nakatayo sa gilid ng desk. Tumango ako at staka lumunok ng laway at naglakad ng dahan dahan patungong gitna.
Baby? Napalingon ako kay Khalid. Ba't ba tinawag na naman niya akong baby? Lakas talaga ng amats ng lalaking ito.
"Miss please introduce your self." Natuon kong muli kay maam.
Klinaro ko ang aking lalamunan. "Good morning, I am Hany Morrison. " pakilala ko at yumuko ng Panandalian. Muli na namang nagtama ang mga mata namin ng mokong na iyon. Which is, my EX.
Matapos naming magpakilala pinaupo na kami ni ma'am. Magkakahiwalay kami maliban nalang kila Darren at khalid na magkatabi. Ang Sabi kasi ni ma'am tabi nalang daw sila. Natatakot tuloy ako na baka magkaroon ng boxing match dito sa room pero sana huwag nilang gawin iyon.
Ang katabi ko naman babae tas sa likod ko si Darie at salikod naman ni Darie si rose at sa kabilang gilid niya na katapat nila Khalid si Louis.
Nag umpisang mag lesson si ma'am, wala ako maintindihan. Huhuhu. Doon nga sa University wala akong maintindihan sa mga lesson, sure akong babagsak ako nito sa exam malapit panaman na. Mag rereview nalang ako ng mabuti.
"Hi?" Boses ng katabi ko. May itsura siya.
"Hi" simple kong ngiti pabalik sa kanya.
"I'm Carry Devastes. Nice to meet you, Hany!" Ngiti niya at lahad ng kanyang kamay sa aking harapan.
BINABASA MO ANG
VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION]
VampireA vampire university that is hidden, without light and no one knows only pure and half vampires The students here ... But in One night incident A woman deliberately bitten to protect The last race of victorious vampires ... A woman who loves light a...