VUVB 22: NEW LOCATION

250 36 17
                                    

22: New location

[ HANY POV'S ]

Nakarating na kami sa bahay ni professor Maneuver at ako ang nangungunang pumasok ng gate, at dahil nga tumira na din ako dito ng ilang linggo alam ko ang passcode ng bahay niya. But sometimes gumagamit siya ng susi.

Nang mailagay ko na ang password isang tunog ang tumunog at bumukas ito. Tulad ng dati madilim parin at walang pagbabago sa bahay ni professor.

Feeling ko nakabalik na ako...

"Not bad. Ang ganda ng bahay!" Ani ni Rose habang nakayapos sa braso ni Louis.

Nauna na akong pumasok na ikinasunod naman nila, at staka pare-pareho namin ibinaba ang bag namin at naupo sofa. Si Khalid lang ang naiiba, sa single couch siya na upo.

Sinadya ko talaga lumayo sa kanya dahil sa nangyari kanina sa kotse ayaw ko nang maalala yun pero kapag nakikita ko siyang nakatingin saakin bumabalik ang mga sinabi niya.

Tinuon ko nalang sa iba ang mata ko, at staka ko nilinis ang aking lalamunan.

Samantala, kapansin-pansin 'tong katabi ko na walang imik at halata sa itsura na wala sa mood— ang tinutukoy ko ay si Darren. Nakakapanibago.

"Hey. Are you ok?" I asked.

Simple lang siyang ngumiti at tumango

Ano Yun?

"Sa 2nd floor ba ang mga rooms?" Tanong ni Darie na hindi nakatingin saakin. Sa second floor siya nakatingin.

"Yeah." Sagot ko.

"Then maauna na ako, gusto kong umidlip saglit gisingin niyo nalang ako kapag mag uumpisa na tayo." Tumayo siya at hinatak ang maletang dala.

Lahat sila maleta ang dala ako lang talaga ang nakabackpack. May mga damit din kasi akong naiwan dito eh kaya kahit papaano may maisusuot ako.

"Sama ako" patakbong sunod naman ni Rose. Hanggang sa nakarating na sila sa second floor.

Samantala. AWKWARD. 'yan ang nararamdaman ko. Sobrang tahimik kasi at lahat sila parang may sari-sariling mundo. Si Khalid, nakapikit at mukhang natutulog. Si Darren naman ay parang may iniisip. Habang si Louis, ay pinagmamasdan ang mga gamit sa paligid.

"Nood nga tayo ng TV!" Basag ko sa katahimakan.

"No!" Sabay-sabay nilang sabi.

Anong problema nila? Manonood lang naman ah.

"Yan na nga. Hindi na." Tampo ko.

Grabe ang boring, anong gagawin namin dito. Magpakiramdaman?

Hindi ko na natiis pa ang katahimikan kaya't tumayo na ako at kinuha ang gamit ko. "Haysss.. ang KJ niyo matutulog na nga lang ako!" Sabay alis ko sa harap nila.

Nakakailang hakbang palang ako paakyat sa hagdan ng mabilis na makatabi sa akin si Darren na ikinamuntikan ko nang ikatili. Lumilitaw ba naman bigla, sino ang hindi magugulat doon?

"Sasabay ako!" Aniya na may ngiti sa labi.

Ang bilis naman niya bumalik sa dati. Kanina mukha siyang problemado ngayon nakangiti na. Hays.

" 'kaw bahala," sabi ko nalang.

At sabay na nga kaming umakyat. Pero literal na napahiyaw ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Khalid.

"Huwag ka ngang bigla biglaang sumusulpot!" Naisigaw ko habang salubong ang kilay ko.

Hindi siya nagsasalita bagkus nakatingin lang siya sa akin, ngunit hindi 'yon nagtagal kasi agad niya iyon inilipat kay Darren. Biglang sumeryoso muli ang mukha ni Darren, at ngayon silang dalawa na ang nagtitigan.

VAMPIRE UNIVERSITY: victorious Blood Book 1 [UNDER REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon