Chapter 5

174 14 11
                                    

Chapter 5: "But there's just something about him that made me like him ever since I met him. There's something about him that made me absolutely crazy."



He knows me.. I hugged my pillow and stared into the ceiling of my room, smiling like a fool. I mean, how could I not be crazy happy knowing that the only guy I've been crushing on for a long time actually knew I exist even before we were formally introduced to each other! 

Said he had seen me several times in the law building and cafeteria of our university. Masyado ba akong OA para maging masaya at kiligin dahil sa dinami-dami ng mga estudyante na nakakasalubong niya sa school ay naalala niya ako?

OA nga siguro ako. But who cares? I'm over the moon with the mere fact that he knows I exist. Okay na ako sa ganon. Kontento na ako sa kaalaman na makikilala niya ako at pwede ko siyang ngitian at baka mangitian niya rin ako pabalik kapag nagkasalubong kami sa daan. Mababaw nga siguro pero masaya ako.

I put the pillow over my face and shrieked. Para akong tanga na pinadyak-padyak pa ang mga paa sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

The next morning I was still in a state of euphoria. I didn't get much sleep but I still woke up early. Magaan ang mga kilos ko. Simpleng t-shirt at jeans lagi ang suot ko dahil dito ako kumportable. 

But today, I just wanted to look different. So, I wore the black dress that mama bought for me a month ago and I matched it with a denim jacket. Then, I decided to wear a pair of white sneakers and a black cap. I put on some accessories, as well. 

"Oh my God! Ang ganda ng anak ko!" bulalas ni mama pagkababa ko. 

I chuckled and greeted, "Hi, ma!"

"Akala ko wala ka ng balak na isuot ang mga dress mo." Lumapit siya sa akin para matingnan ako ng malapitan. She smiled and fixed my long hair which I curled a little. "May pinapagandahan na ba ang dalaga ko?"

My face heat up. "Mama naman. Nag-dress lang ako may pinapagandahan na agad?"

She raised her brow. "Ako pa talaga ang sasabihan mo ng ganyan? Been there done that. Kaya alam ko iyang mga ganyan." She gave me a teasing smile and asked, "Pogi naman ba?"

I bit my lower lip and nodded. "Sobra, ma."

She chuckled and touched my cheek. "Dalaga ka na nga talaga." She sighed. "Pupuntahan mo si Maya?"

I nodded. "Magtatampo si Maya kapag hindi ko siya binisita."

Tumango-tango siya. "Bibisitahin ko rin siya mamaya bago ako umuwi."

"O, akala ko ba hindi ka papasok sa opisina today, ma?"

"May biglaan lang na kailangan gawin. Magdi-dinner kami ng papa mo mamaya. Will you be able to join us?"

"Sure, ma! Anyway, I gotta go. See you later!" I gave her a peck and left.



Before going to the hospital, I dropped by the mall to buy 4 dozens of Krispy Kreme doughnuts. Pagdating ko sa hospital ay dumiretso ako sa nurse station. Nurse Tamara and Miggy were there. 

"Hi!" 

"OMG! Very chic, Cassi! Ang ganda mo! Tinalbugan mo ako today!" 

Natawa ako sa biro ni Miggy. "Walang makakatalbog sa'yo, girl." 

He laughed and flipped his imaginary long hair. "Ikaw naman. Masyado kang honest, girl!"

"Mapagpaniwala ito, Cassi. Huwag mo masyadong binibiro," hirit ni nurse Tamara. "Pero ang ganda mo talaga today! May pinapagandahan?" she asked, giving me a teasing look.

Between Forever and NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon