KABANATA 1- First Interaction

111 14 2
                                    

Raven Valerie Villagarcia

Hindi ko alam kung mamamangha parin ako sa bahay nina Raven pero angganda talaga hanggang ngayon amaze na amaze parin ako. Grade 2 nung nag transfer ako dito sa Pilipinas from Spain at naging kaibigan ko nung grade 3 si Raven. From section B kase siya nung Grade 2 tapos ako nasa star section kaya hindi kami madalas magkita pero nung naging section A din Siya,siya na ang naging bestfriend ko.

"amm nga pala Raven ilan kayo magkapatid?" Hindi ko mapigilan maki usyuso e kase naman nakita ko yung family picture nila na nasa frame. Nag iisang babae lang pala Siya?

"Lima kaming magkapatid pero wala dito si Kuya Ren at kuya Rohan nasa Spain kase nag aaral pero sa susunod na buwan uuwi din ang mga yun." Minsan hindi ko maintindihan ang mabilis niyang pagtatagalog kase hindi ako masyado magaling sa tagalog pero my mom wants me to learn to speak the Tagalog language at okay lang naman ako dun.

Ang gwapo naman ng kuya ni Raven na katabi niya. Nasa kaliwa yung magiliw at malokong ngiti siguro yan si Reigmor bagay kase sa pangalan niya parang mahilig mambangas at sa kanan naman si Reigmar kase medyo misteryoso pero gwapo,maaliwalas din siya tignan na hindi naka ngiti pareho ang kulay ng balat nila. Ang tangkad kahit ang damit maikukumpara mo lang sila sa ngiti. Aakalain mong kambal ang dalawang to. Unang kita ko palang sa larawan ni Reigmar sobrang gwapo niya pero hindi ko parin sure kung siya si Reigmar.

"Hala Raven ang gwapo ng kuya mo yung nasa kanan feeling ko crush ko na siya." natigilan ako sa sinabi ko ng natunugan ko ang malakas na ubo ng lalakeng pababa ng hagdan. Siya ba si Reigmar?feeling ko kase siya dahil sa misteryosong titig niya na parang hangin lang kami na nilagpasan. Dalawa lang naman ang kuya niyang lalake ngayon na dito sa Pilipinas pero sino kaya si Reigmar sa kanila?interesting kase pangalan niya.

Tinitigan niya ako at sinundot sundot naman ni Raven ang tagiliran ko. Pansin kong medyo namula ang kuya niya at nag iwas ng tingin sakin.

"Don't look at me like that kid it annoys me" mahinahong sabi ng kuya ni Raven pero patuloy parin sa paglalakad hanggang sala. Kumuha siya ng Math book at ruler. Hala!siguro matalino rin to.

Titig na titig ako sa ginagawa niya at anggaling sobrang talino niya nga kase alam ko na to major ko math e. Naka advance ako sa math lahat ng major subject nag advance study ako.

"hmm Raven..." agad ko hinila papuntang kusina si Raven "Gutom ako gusto ko kumain ng sweets meron ba dito?" kunwaring gutom ko habang tinitingnan kuya niya. Nagnanakaw ako ng tingin habang abala si Raven at minsan nahuhuli ko kuya niya na naka titig sakin. Hala!

Pag dito Banda sa refrigerator natatanaw ko kuya niya at pwedeng matanaw din ako ng kuya niya pero nahihiya lang talaga ako na nakikita ni Reigmar na nagnanakaw tingin ako.

"Baka Hindi mo naitanong Selena Grade 6 yang kuya ko na yan HAHAHA three years gap Kami. Akala nga nila noon hindi na masusundan ng prinsesa e" Napa bungisngis si Raven habang umikot ikot gaya ng mga princess na naka balloon gown. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa parang hindi Naman siya prinsesa parang bagay sakanya yung kawal hindi Naman kase siya mahilig sa dress. Ammpp

"alam mo Selena kanina pa kita nahuhuling nagnanakaw tingin sa kuya ko siguro crush mo kuya ko no!ayyiiiee" pangiti ngiti habang sinusundot tagiliran ko ang ginawa niya natawa ako hindi lang sa kilig kundi nakikiliti talaga ako. Nagtawanan kami hanggang sa nauwi na lang sa kilitian ang lahat huminto lang kami sa ginagawa namin ng napansin kong papunta siya sa kinaroroonan namin kaya nataranta ako.

Binuksan niya lang ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Tinungga niya at inubos ang laman ng mineral bottle. Hala!ako nga Di ko maubos ang sa isang baso e grabe Naman Yun.

Namamangha ako ng titigan niya ulit ako at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakahiya Naman.

"Cute" bahagyang pinisil niya ang pisngi ko kaya nagulat ako "ang ingay mo liit" Sabi sakin at tinalikuran kami. Papaakyat ulit siya sa kwarto niya habang ako tulala na hinihimas ang pisngi ko. Hala!wala na nagka crush na ko! Hala sobrang bata ko pa ah.

Patalon talon si Raven habang masayang tinutukso ako tapos ako parang gustong gusto ko pa huhuhu nakakahiya naman. "Sinabihan niya ako na Cute daw ako" wala sa sariling sambit ko habang himas parin ang pisngi ko.

"Tanga ibig sabihin nun maliit ka daw" tawang tawa si Raven kaya hinayaan ko na lang siya. Hindi niya talaga na notice kung bakit wala siyang kaibigan sa school?e ansakit niya maka pagsalita nakaka offend siya minsan pero I used to it naman na.

"hala!Raven hanggang 3pm lang ako ipapasundo ako ni mommy kay Shello magagalit yun pagdilim na ko umuwi pwede ba ko makitawag sa telepono niyo?" Si Shello Jimenez ay ang pinsan ko. Wala akong mga kapatid kunbaga nag iisang anak lang ako.

"oum wait dun tayo sa taas sira kase telepono dito sa kusina ipapaayos pa lang" habang papuntang sa sulok kung saan naka lagay ang telepono nila nadaanan namin ang kwartong pinasukan kanina ni Reigmar. Kahit bata pa lang si Reigmar matangkad na siya. Kuya din ba dapat kong itawag sakanya?

Nagdial ako sa telepono namin sa bahay pero walang sumasagot naka ilang ring din. Patay na! Paano ako makakauwi niyan. "Ako na nga bakit ayaw?" at inagaw sakin ni Raven ang telepono at nag dial.

"Selena lalake yung sumagot." bulong niya habang nilalayo ang telepono at ibinigay sakin.

"Hello? Kuya Shello?pwede mo ba akong sunduin baka magalit si Mommy pag umuwi siya na wala pa ako." pagpapatuloy ko. Mabait naman si kuya Shello pero kadalasan sabi ng mga babae suplado daw pero para sakin parang hindi naman.

Shello; I'll be there in a few minutes wag kang lalabas ng wala ako,okay?"

"Opo kuya." tumango pa ako kahit alam ko namang hindi niya iyon nakita.

Naka upo lang ako sa sala at naglalaro naman ng paborito niyang manika si Raven. Hindi halatang mahilig si Raven sa manika at ni isang beses Hindi ko pa nakikitang nagsuot ng dress si Raven kaya minsan nagdududa ako Kung babae ba siya o hindi.

May nag doorbell sa labas at panigurado kong si Kuya Shello yun pero bago ko pa man buksan ang pinto ay may pumasok na lalake kamukhang kamukha ni Reigmar! Ito yata si Reigmor.

Tinitigan niya muna ako at tinaasan ng kilay. Ay grabe attitude yarn?

"You're blocking my way kid" saad niya na hindi ko napansin. Nagulat ako ng hawakan ni Reigmar ang kamay ko at pinatabi sa kanya para maka daad yung suplado.

"Mag ingat ka dun suplado yun hahaha." pang aaway ni Reigmar kay Reigmor na ngayon ay kinunutan kami ng noo.

"Mukha ngang suplado si..."hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil maglakad na palayo si Reigmar. "Sinong suplado Selena?" tanong ni Raven na ngayon tulalang tulala kay Shello. Ammp isa pa to pakitang gilas masyado.

"Si Reigmor suplado." Sabi ko na agad nilingon ni Raven. Tingin na impossibleng suplado si Reigmor e totoo naman. " e Baka si Reigmar tinutukoy mo S-Selena anjan na sundo mong gwapo yieee" kinikilig kilig pa sa supladong si Shello. Hindi Naka tingin sa amin. Si Shello naman ay 16 years old na masyadong malayo ang gap namin kase 9 years old lang ako.

"Stop starring and move Selena, let's go." hinila agad ako ni Shello. Sobrang suplado no wala lang talaga akong choice kase siya na lang yung pinsan kong nagbabantay sakin. "Sa susunod ulit Raven!" sigaw ko habang kumakaway at dumapo ang mata ko sa papabukas na bintana ni Reigmar! Ang gwapo niya! Kyaaaa at sa kabila naman ay ang naka simangot na si Reigmor. Ay hala Hindi ko pa na confirm kung si Reigmor or Reigmar ba talaga ang mga yun basta kutob ko lang. Na sa tingin ko naman ay tama.

Sa tingin ko lang.





++VOTE++COMMENT++SHARE++
THANK YOU FOR READING!ENJOY!🧡🍊_L4vbe2winus

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon