KABANATA 25

24 4 0
                                    

Selena's POV

Ilang araw din akong hindi nakakatulog ng maayos dahil lang sa bangungot na iyon. Palagi na lang tulala at sa tuwing nag iisa ako sa bahay ay naaalala ko ulit ang mga yon.

Parang totoong totoo ang mga panaginip ko.

*********

Isang may ka-edaran ngunit gwapong lalake na hawak si Raven sa buhok at tinapon sa kung saan. Dinig na dinig ko ang malakas na pagkalabog nito at kitang kita ko din ang pamimilipit ni Raven sa sakit. Napa sigaw pa si Raven sa sobrang sakit ng pagkakasalpak niya. Hindi pa nakakahugot ng lakas ay agad niyang kinuwelyuhan si Raven.

Bata pa kami sa bangungot ko na iyon. Hindi ko alam kung anong exact age pero sa tingin ko 5 years old lang ako nito. Sariwa ng pagkakaalala ko sa bangungot na iyon na parang totoo siyang nangyari.

Sariwa pa sa lessons sa school.

Hindi na ako makamulat ng maayos sa mga panahong iyon.

Flashback

"T-tito I'm begging you. Have mercy on us t-tito." si Raven habang namimilipit sa sakit. Marami siyang pasa at dugyot dugyot na din ang mukha ko. Maraming pasa at sugat sa binti at kamay. Meron ding posas na naka kabit sa paa niya. Utal utal ito kung makapagsalita. Halos hindi na din makita ang mata dahil sa mga buhat ng kamay na nagmarka. Namumutla siya at hinang hina.

Minsan na nga lang si Raven magmakaawa sa ganitong paraan pa. Sa bingit ng kamatayan pa.

"Why!?Why do I need to have mercy on you!? The two of you is a part of mistakes! Hindi na awa ang mga nanay niyo habang ginagago ako! Wala kayong karapatan na mabuhay dahil puro kayo buhat ng pagkakamali!" he said at may inilabas siya na baril. Mahigpit parin ang pagkakasakal niya kay Raven. Kinalabit niya ang gantsilyo habang hawak niya si Raven sa panga. Gustuhin ko mang tulungan siya ay di ko magawa dahil sa bigat na nararamdaman ko. hirap na hirap na din ako na imulat ang mga mata ko.

Tinapon siya sa malayo na parang nilukot na papel at tinutukan ng baril. Bahagyang nakamulat pa ako... Pinipilit na bumangon.

Raven.....

"You'll die!" dagdag pa ng lalake. Sinusubukan kong tumayo at idilat ang mga mata ko kahit mahirap. Buong lakas kong nilapitan si Raven ng biglang...

Bang!

Isang putok ng baril ang nagpagising sakin sa katotohanan.

Saktong sinalo ko ang bala at nagising ako. Sa  amin tumama ang bala pero bangungot lang pala.

Ginising kase ako ni mommy kaya nagising ako sa masamang panaginip na iyon. Salamat at buhay parin ako. Akala ko talaga namatay na ko. Sayang lahi namin.

~~~

Ilang araw ko ding napapanaginipan iyon kaya hindi na ko nakakatulog ng maayos. Mukha na kong walking dead sa lalim ng mga mata ko. Sobrang pagod yung itsura ko sa totoo lang. Hindi din ako maka kain ng maayos. Parang walking dead talaga. 

Pero ako lang ang walking dead na maganda BWHAHAHHAHHA.

Kung hindi ko lang kilala ang sarili ko iisipin ko ng nababaliw ako. Sa lagay kong to naiisipan ko pang tumawa kahit patong patong na ang problema. Kahit nasa bingit na ko ng kamatayan.

Wala parin akong idea kay Daddy but then madami ng hint. Question parin para sakin si Radley at Victory. Hanggang ngayon under investigation parin. Wala pa din akong idea kung paano sila naging konektado. Isa lang masisiguro ko...

Maganda parin ako.

Biglang natapos ang halusinasyon ko ng mag vibrate ang cellphone ko. 

Unknown number na naman!? Dumadami na talaga taga hanga ko.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon