KABANATA 26

8 3 0
                                    

Selena's POV

Na mi-miss ko ang school. Nagpaalam ako kay mommy na bago ako umalis ng bansa ay nais ko pang libutin ang buong bahagi ng school namin. Hindi naman ako nabigo sa pakiusap ko sa kanya pero madami parin ang mga bodyguards ko.

Paano ako makalandi niyan eh bantay sarado ako ng mga gwardiya.

Nagpalit din kami ni kuya ng cellphone. Ang gamit niyang cellphone ay ang selpon ko at yung cp niya naman ang gamit ko. Mas safe daw ang selpon niya kase walang maghihinala. Aside from that  madaming security ang cellphone niya. Madi-detect din agad ako kung ito ang gamit ko. If ever man may makaalam na phone niya gamit ko kayang kaya nilang i-cut lahat ng connections ng phone. So safe nga.

Papalabas pa lang ako ng school covered gym pero ramdam ko talaga na may nakatitig sakin. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang old library ng school. Marami akong alaala sa lugar na to. Dito ako natutong magsipag mag aral dahil kay Reigmar.

Nang banggitin ng utak ko ang pangalan niya ay bigla na lang siyang napunta sa isip ko. Iniisip ko kung di kaya ako nagkagusto kay Reigmor, si Reigmar parin ba ang gugustuhin ko? Diba? Labo no?

Napapailing na lang ako sa mga kalokohang iniisip ko hanggang makaabot ako sa isa pang silid na punong puno ng mga sirang apparatus.

Hindi ko na sana itutuloy yung paglalakad papunta sa bahaging iyon ng may marinig akong dalawang taong nag-uusap. Mas kumalabog ng malakas ang puso ko ng makilala ko ang boses ng nagsasalita.

Wala akong pakealam kung ano man ang ginagawa ng kung sinong mga yan pero dahil kilala ko ang mga boses di na ko nag atubaling puntahan ang direksyong iyon.

Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko parang pinipiga ito. Napahawak na lang ako sa bibig ko para maiwasang makagawa ng nakaaabalang ingay.

Si Reigmor at Shalani.

“You're shooting two birds in one stone, Shalani! Tigilan mo na kami.” boses galit siya pero pinipigilan niyang mapalakas ang boses niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong makimarites.

Nagtatalo ba sila?Parang kailan lang nung pinagselos nila akong dalawa ah.

“What the hell Reigmor! I'm not playing here. I want you! Only you hindi ang kuya mo so listen to me for once.” nanginginig pa at garalgal ang boses habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.  

Sinikap kong silipin ang ginagawa nila pero hindi ko makita. Sinubukan kong itulak ng dahan-dahan ang mga kahong nasa harap ko para makita silang dalawa. Saktong pagtulak ko may nahulog na nakapatong pala sa taas ng box.

Shit!

Sobrang dilim ng parteng kinaroroonan ko kaya nasisiguro kong hindi nila ako nakita.

Naagaw ko ang atensyon nilang dalawa pero panigurado kong hindi nila ako nakikita.

“Who's there!” bakas na ang galit sa boses ni Reigmor. Akmang aalis na sa kinaroroonan upang silipin ang kinaroroonan ko ng bigla na lang siyang hinila ni Shalani.

“It doesn't matter. The important thing for now is us.” Saad niya habang naka hawak ang kamay niya sa dibdib ni Reigmor at paunti unting tinutunton ng kanyang kamay ang batok ni Reigmor. Kunot na kunot pa ang noo ni Reigmor habang binabasa kung ano man ang nasa isip ni Shalani.

Nakakaimbyerna kang higad ka!

Marahas na hinalikan ni Shalani si Reigmor na siyang tinugon nito.

Kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko ang mga ginagawa nila. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit at kirot sa dibdib habang pinapakinggan sila.

“Us? There is no us...” Hindi pa natapos ni Reigmor ang gusto niyang sabihin ng siilin siya ni Shalani ng isang malalim na halik.

Kung mahal niya ko bakit niya tinutugon ang mga halik na iyon?

Sumakit ng sobrang ang nararamdaman ko ng makita ang ginagawa nila. Itinulak ni Reigmor ng malakas si Shalani at tumama siya sa pader. Isinandal niya ito habang mapusok na hinahalikan.

Unti unti niyang kinakalas ang botones ng polo ni Reigmor na siya naman pagpapaubaya niya.

Hindi ko kinaya ang mga pangyayari kaya patakbo akong umalis sa lugar na iyon. May nalaglag pa yata at nabasag dahil sa pagkakasagi ko. Patakbo akong umalis sa lugar na iyon. Tuloy tuloy ang pagpatak ng bawat butil ng luha ko habang tinutunton ang daan palabas ng campus. Patuloy parin ako sa pagtakbo habang umiiyak ako. Nagiging malabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko.

“Mga Peste! Anak ni Lucifer, anak ni Satanas, anak ni Poncio Pilato, anak ni Hudas Eskaryote, anak ni Hades, anak ng kasamaan kayong mga talipandas kayo!” pagdadabog ko habang umiiyak. Wala namang nakaririnig kaya okay na maging baliw panandalian.

Nawala na rin sa isip ko ang mga gwardiya kung kayat mas lumamig pa ang ihip ng hangin dahil sa kaba na may halong sakit na nararamdaman ko. Hindi ligtas para sakin ang sa labas ng campus ng walang guard pero bahala na.

Palinga linga akong hinahanap ang mga gwardiya ni kuya pero di ko sila mahagilap. Malayo na din siguro ang narating nila sa kakahanap sakin.

Hinubad ko ang 3inches heels na suot ko at binitbit ito. Tiniis ko ang init ng kalsada kase wala ng mas sasakit pa sa pagtitiis sa totoo kong nararamdaman.

Patuloy parin ako sa paglalakad at hindi ko napansin ang itim na sasakyang papalapit sakin. Akmang tatakbo ulit sana ako pero mas bumilis pa ang takbo ng makinarya at naabutan Ako. Sinikap kong makatakbo ng mabilis ngunit huli na ng maabutan at takpan niya ang bibig ko ng kung anong nagpawala ng malay ko.

Broken na nga mamamatay pa.

Reigmor's Pov

I was not able to prepare with this! Nasa kalagitnaan kami ng kapusukan ng biglang may nabasag na kung ano kaya napatingin ako sa direksyong iyon.

No! No! No!

This is not supposed to happened!

Hindi ko man nakita ang mukha alam kong si Selena iyon.

“Hey hang on! We're not done yet.” binigyan ko lang siya ng matalim na tingin at lumabas ng old library.

Hindi nga ako nagkakamali. Si Selena talaga ang nakita ko. Hindi gaano ka bilis ang takbo niya at alam kong maabutan ko pa siya papalabas ng campus. Tuloy tuloy lang ang sa takbo habang tinatawag siya pero ini- ignore niya. She's murmuring something that I couldn't hear.

Hindi ko alam pero nagui-guilty ako at gustong gusto ko i-explain lahat ng mga nakita niya kahit hindi na kailangan.

Mali ang nakita mo. Nais kong sabihin sa kanya pero huli na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. The only thing that I wanted to do is to talk to her and apologize kahit wala akong ginawang labag sa kanya.

Laking pasasalamat ko ng konti na lang maabutan ko na siya pero sa kasamaang palad ay may van na dumukot sa kanya.

Nooooo this can't be!

Unti-unting namuo ang luha sa mga niya at hindi namalayang umagos na ito ng kusa at sunod sunod.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon