KABANATA 22

31 8 0
                                    

DEDICATED TO: Yaughney 🧡🧡
Goodeve sayo Agathians baby!

Selena's POV

Akala ko handa na akong kalimutan siya. Akala ko magbabago na ko para makalimutan siya. Akala ko hinding hindi na ako babalik para sa kanya pero ito ako ngayon. Nasa ospital at nagbabantay sa walang malay na si Reigmor. Apat na araw na rin ng mabaril at may saksak siya. Si Shalani naman nasa kabilang kwarto.

Buti na lang may cctv na nakuha kaya ngayon hinahanap na ng mga otoridad ang may kagagawan ng lahat. Haharap din sa isang kaso si Shalani pagka gising niya dahil sa attempting murder, pagsaksak kay Reigmor dahilan para mawalan siya ng maraming dugo. Buti na lang at dito si Rohan ang ka match niya ng blood.

Almost 4am pa lang kaya natulog ulit ako. May mga kasama din akong guard sakaling bumalik ang nanakit sa kanya para tuluyan siya. Kawawa naman siya sa kalagayan niya. Mukha siyang baldado ngayon.

Hinawakan ko siya sa pisnge at hinaplos ito.

“Saan ka kase galing?Tingnan mo napahamak ka pa.” sarap pala pagmasdan ni Reigmor kung tulog. Maamo yung mukha tapos pinkish yung labi. Sobrang kapal ng kilay parang angry bird pero gwapo siya. Yung kulay brown niyang mata hindi ko pa natitigan ng pangmatagalan. Nahihiya kase ako.

“Baka mahimatay lalo yan sa kakatitig mo.” biglang pumasok si Raven na may dalang pagkain. Saktong gutom na ko. Ako na nagprisenta na magbabantay sa kanya ngayon. Pagod na kase ang iba kakabantay sa isang to.

“Papasok ka mamaya?” tanong ni Raven. Hindi pa kase ako pinapasok ni mommy. Home schooled ako ngayon. Delikado daw ako sa labas.

“Hmm wag na muna sabay na lang tayo or kapag gumising na si Reigmor tsaka na lang ako papasok.”

Nami-miss ko na siya. Tapos lately itong mga nararamdaman ko parang abnormal na. Sa tuwing kasama ko si Rohan aminadong kinikilig ako pero hindi ko siya gusto. Tapos si Reigmar naman sa isip ko gusto ko siya pero ayaw makisama ng kilos ko. Itong kaharap ko naman sinasabi kong hindi ko siya gusto pero hanap parin ng sistema ko.

“Alam mo ba Selena, plano pa ni kuya na ayusin ang buhay niya at officially manligaw sayo.” Si Raven habang tinititigan din ang kuya niya.

“Pero dahil sa ginawa ni Shalani naglaho lahat. Hindi ko akalaing magagawa niya yun. Knowing her owing brother so much. At the end walang hiya talaga siya.” parang bata na nag eexplain ng side ni Reigmor.

“Don't explain, siya ang tatanungin ko kung okay na. By the way kamusta si Shalani?” Naaawa din ako kay Shalani. Andaming ari-ari an nila ang binenta ng adik niyang nanay.

“Sadly kase mag 18 na si Shalani next month. Sesentensyahan siya ng attempted murder dahil sa pagkakasaksak niya kaya kuya. Nag match kase sa investigation at cctv picture lahat ng ibidensya at siya ang tinuturong may kagagawan kasama ang mga unknown personas.”

Sobrang lalim ng iniisip ni Raven alam kong may hindi siya nasasabi sa'kin.

“Alam kong may sasabihin ka Raven, Tell me.” hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

“Your dad is a Mafia boss.” unang bungad niya which is alam ko naman matagal na. Nalaman ko yun nung nag away kami ni Margaux bata pa lang kami.

“Yeah, I know at wala na akong magagawa dun kase patay na siya.” kahit mafia boss si dad namimiss ko parin siya. It doesn't mean na mafia siya ay bad guy na.

“I have one and only favor. Alam ko against si tita dito kase perwisyo sayo to pero try to remember anything please Selena! Gusto ko na matapos ang lahat at ikaw ang susi.” medyo naparami ang sinabi ni Raven na nagpataka sa'kin. Ako ang susi? Sa alin.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon