KABANATA 29

2 0 0
                                    

chapter 29

Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa malakas na pagsabog na narinig ko mula sa kisame ng kinaroroonan ko.

Hindi ko maimulat ng maigi ang mga mata ko dahil magang maga na din ito sa kakaiyak ko dahil sa sakit na pinaranas nila sa'kin. Kahit masakit ang katawan ay pinilit ko bumangon para maki-usyoso sa mga kawal na nagkakagulo.

May isang kawal pa na sugatan ang bumaba para maghatid ng impormasyon.

“Nahanap nila ang hideout!” kapos na kapos ito sa hangin habang nagsasalita at hindi kalauna'y natumba. Meron siyang tama ng bala sa likod.

“Magpadala kayo ng iba pa'ng mga tauhan!” utos ng lider na nagbabantay sa akin. Parang mataas kase ang ranggo niya kumpara sa mga kasamahan niya at sinusunod siya ng lahat.

“Ikaw! Maiwan ka dito! Bantayan mo ang babaeng yan at wag na wag mo'ng iaalis ang tingin sa babaeng yan kung gusto mo pa makita ang mga anak mo!”

Tumango ito sa lider nila at isinara ang pintuang bakal sa pagitan ng hagdan pataas.

Nasa ground floor ba ako?

“May tatlong lalake ang nakapasok dito!” sigaw pa ng isa sa mga tauhan habang tumatakbo.

Muling sumilay ang saya sa'kin ng marinig ko ang magandang balita. Hinding hindi nila ako hahayaan na magdusa.

“Anong nangyayari?” tanong ko sa isang kawal. Hindi ito umimik nguni't kitang kita ko ang takot sa mga mata niya. Naka tayo man ng tuwid ay alam ko'ng natatakot siya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa mahabang baril na hawak niya. May takip man ang bibig ay kita ko parin sa mata niya na takot na takot siya.

“Gusto ko pa mabuhay alang alang sa mga anak ko.” Wala sa sariling bulalas niya. Tuluyang bumitaw ang isang butil ng luha sa mga mata niya. Tinitigan niya ako at parang nagmamakaawa.

“Hindi mo kailangang gawin to! Kung labag sa loob mo umalis ka na!” Pati ako ay hindi ko mapigilang mapaluha sa mga sinasabi niya.

Kuya wala na sana akong time para mag emote kase nasa kalagitnaan yata tayo ng giyera.

“Paano? Paano ako makakatakas?” Sandaling tinitigan niya ako na parang nagmamakaawa na tulungan siya. Nakahawak ang isang kamay niya sa susing iniwan sa kanya ng mga kasamahan niya. Tumingin siya sa mga kamay niyang punong puno ng kalyo at bakas ng patalim.

“Kapag umalis ako, maaaring mamamatay ako o ang pamilya ko.” tumikhim siya para maisaayos ang garalgal niyang tinig. “Kapag nakalabas naman na ako pwede di na patayin ako ng mga liligtas sayo.” Napatingin siya ulit sa akin at bakas na bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at walang pag-asa.

“Kahit alin sa dalawa ang pipiliin ko, mamamatay parin ako.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa rehas na kinaroroonan ko at napasandal ang kanyang noo.

Walang alinlangan na nilapitan ko siya at hinawakan sa ulo. Kahit mahapdi at ramdam ko ang sakit ng sugat sa kamay ko dulot ng ginawa ko'ng paghawak ay hindi ako nagpatinag.

“Lakasan mo ang loob mo. Piliin mo ang tama kase kahit ano man ang resulta ng iyong gagawin ay tiyak mapapatawad ka dahil tama ang ginawa mo.” Tanging sinabi ko at nag-angat siya ng tingin sa'kin.

“Ang panganay ko'ng anak ay isang sundalo na maaaring kasama ngayon sa paglusob sa lugar na ito. Tingin mo mapapatawad niya pa ako kung malaman niyang ang ipinangsustento ko sa kanya upang makatapos siya ay galing sa isang sindikato?” matalim ang pagkatitig niya sa akin pero kitang kita ko parin ang pagsisisi sa mga mata niya.

Alam ko'ng hindi niya gusto ang ginagawa niya pero wala lang siya'ng choice kundi ang sumunod kay Victoria.

Malakas na pagsabog at kalabog ang naggambala sa pag-uusap namin. May sigawan at putukan. Maririnig din ang iyakan ng mga inosenteng mga katulong ni Victoria. Alam ko'ng wala di'ng kaalam alam ang mga kasambahay na iyon sa mga nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon