KABANATA 13

46 11 1
                                    

Ren's home part 2

SELENA's POV

Patakbo akong umalis sa lugar na iyon. Sinigurado kong hindi ako masusundan ng kahit na sino. Hindi ko alam ang nararamdaman kong bigat. Hindi ako makahinga. Sobrang sikip ng nararamdaman ko. Hindi ko inaakalang magiging ganito ang takbo ng lahat.

Patuloy lang ang paglalakad ko sa madilim na kalsada. Namamaga na rin ang mga paa ko. Hinubad ko na ang sapatos ko at sinuot ulit ang damit kong may numero ni Reigmor.

“Ang manhid,manhid mo Reigmor.” tumatawid ako papuntang kabilang side ng kalsada ng biglang may sasakyan na sobrang bilis ang pagkakatakbo sa harapan ko.

Napaupo ako sa malamig na semento ng kalsada habang pinoprotektahan ang sarili. Hindi ko alam ang ginagawa ko imbis na tumawid ay nagpakatanga ako sa gitna ng daan.

Sa hindi ko inaasahan ay biglang itinigil ng driver ang sasakyan. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Akala ko mamamatay na ko.

Hindi ko maaninagan ang mukha pero sa nakikita ko ay matangkad siya. Humarang siya sa ilaw ng sasakyan na deretsang naka tutok sakin. Men in black jpeg.

“Are you okay?” may bahid ng pag aalala sa tono ng lalake habang naka luhod ang isang tuhod na naka harap sakin.

“h-ha?” nautal pa ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at nanginginig parin ang kamay ko sa sobrang kaba. Hindi ko na ramdam ang sakit na nararamdaman ko kanina.

“I said, are you okay?” siya at tuluyan niya na akong pinatayo ngunit sa hindi inaasahan ay na out balance ako kaya natumba ang sa dibdib niya. Wow firm.

“Ah a-ano,o-okay lang ako.” tanging nasabi ko at inayos ang sarili sa pagkakatayo. Hinawakan ko ang kaliwang kamay ko na pinipigilan ang panginginig.

“You're not okay.” sabi niya at bigla niya na lang ako binuhat. “teka....ibaba mo ko!” pagpipiglas ko.

“No,stay still young lady you're too heavy.” at binuksan niya ang passenger seat ng kanyang sasakyan at isinakay ako.

“Saan mo ko dadalhin?alam mo bang minor ako?” ako habang tinititigan siya baka sakali kasing maalala ko mamaya ang mukha niya. Hindi ko parin makita ng maayos ang mukha niya.

“In the hospital. It's my responsibility to take you there since ako ang muntikang maka bangga sayo.” sa pagkakasabi niya niyon ay nanahimik na lang ako.

Tulalang naka tingin lang ako sa daan ng bigla siyang nagtanong. “Love life problem huh?” May pagka pakealamero pero tama ang hula niya.

“Tsk,manong hindi bagay sakin ang mga ganyan.” patawa tawa lang ako kahit ramdam ko ang pamumugto ng mga mata ko. Bigat na bigat na ang aking mga eye bugs. Kanina pa kase ako umiiyak.

“Walang ibang iiyakan ang isang teenager bukod sa love life or crushes.” may point ulit siya. Ganyan na talaga siguro ang panahon ngayon.

“Hmm medyo siguro kase hindi ko naman yun gusto at hindi niya na rin yata ako gusto.” tamang pagkaharap ko sa lalake ay tumama ito sa ilaw ng streetlight sa labas.

Natulala ako sa kanya kaya itinigil niya ang sasakyan. “What's the matter? Why are you crying?” nagulat ako sa sinabi niya at kinapa ang mata at pisnge kong may luha nga.

“May naalala ako sayo.” Nahihiya akong pinunasan ang aking mata at pisnge.

“Don't tell me that i look like your crush.” Tumawa pa ito bahagya at humarap ulit sakin ng nakangiti.

“Oo kamukhang kamukha.” pagkakasabi ko nun ay bumalik na lang ulit siya sa pagmamaneho.

Ilang minuto pa ay tanaw ko na ang subdivision namin.

“Dito na lang sa subdivision na to.” saad ko sa kanya at agad akmang bubuksan ang sasakyan ng bigla niya na lang din itinigil ang sasakyan.

“What the?you live here?” gulat na gulat siya habang naka tingin sa'kin.

“Oum why? what's wrong about living here?” balik tanong ko sa kanya at inayos niya ang pagkakaupo niya.

“I also live here.” pagkakasabi nun ay namilog ang mga mata ko. Hindi malayong kamag anak ng mokong na yun ang isang to. Kamukhang kamukha eh. Hindi pa ako nakakababa ay pinaandar niya ulit ang sasakyan. “So,hmm just lead me to your home. Ihahatid na kita.” hindi na ako nakapang ayaw dahil pinaandar niya na ang sasakyan.

“ahh dito lang banda sa wooden Spanish designed house.” pagmamayabang ko.

Napatingin siya ng medyo may katagalan sa'kin at tumingin sa bahay.

“Ow I see. So ikaw nga?yung babae? My poor brother balak magpakamatay para sa babaeng muntikan ko ng mapatay.” Bahagyang nagsmirk pa at umiling.

“Huh?” I look at him questioning. Sino tinutukoy niya?bukod sa mga lunatics na yun, may iba pa ba?

“Don't mind it. It's nothing important.” sabi niya. Bumaba ako ng tuluyan sa sasakyan niya. Ngumiti siya sa'kin. Yung ngiting anghel na siguradong sigurado akong nakita ko na to dati. Kinindatan niya pa ko acckkk!!! Pinaandar niya ang sasakyan niya at tuluyin na siyang umalis.

Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay nakasalubong ko na ang mga kilay na nagsasalubong parang mananaksak ni kuya Shello at ni ate Margaux.

“What's wrong with you guys?” I ask tapos 'tong si ate nag rolled eyes lang at tumalikod.

“Andito pala yung mokong na yun?tsk buti ng umuwi at malaman mga pinaggagawa ng kapatid niya.” mas nangunot ako sa pinagsasabi ni kuya. Weirdo mga tao ngayon. Lahat sila weirdo.

“Napano si ate?why she's mad?” huling huli ko ang mga masamang tingin niya sakin. Grabe ano ba ginawa ko?

“Talk to Margaux. Ask her what's your problem.” medj nagalit ako sa sinabi ni kuya?bakit ako na naman?ano ba ginawa ko?

“Huh bakit ako?” i ask kuya Shello na bigla akong tinalikuran. Bago pa man siya maka alis ng tuluyan sa sala ay tumigil muna ito sa paglalakad at humarap ulit sakin.

“Think deep anong mali mo before pa malaman ni tita.” Kinabahan ako sa sinabi ni kuya kaya nanahimik na lang ako at tinungo ang kwarto ni Ate Margaux.

“Ate,can you please open the door?” Malambing na tono na ginamit ko para medyo bumait si ate sa'kin. Mabait naman talaga si ate Margaux kung close kayo.

Pagka bukas niya ng pinto kitang kita ko ang disappointment na may halong galit sa mukha niya. Paniguradong bad news ang hatid ng mga mukhang iyon.

“Magpakabait ka kung gusto mo pa na tumagal ang pananatili natin dito sa pilipinas.” nangunot ako bigla dahil sa sinabi niya'ng iyon.

“What do you mean?” lumayo ng bahagya si Ate sa'kin at isinirado ang kurtina ng kanyang sliding window.

“At your young age,pag nalaman ni tita ang mga ginagawa mong pakikipag relasyon sa lalakeng iyon,okay to be exact yung Villagarcia brothers ibabalik niya tayo sa Spain. Lalo na at dito ang kuya nila sigurado akong marami pang mas malala na pangyayari ang aasahang mangyari so please keep your distance on them,Selena.” at agad na humiga ng nakadapa si ate sa higaan.

“I'm sorry for the trouble ate. Iiwas ako sa kanila.” tuluyan na rin akong naglakad papalabas ng kwarto niya. Pagkasara ko ng pinto ay napabuntong hininga na lang ako.

What a mess I made.

++VOTE++COMMENT++SHARE++
THANK YOU FOR READING!ENJOY!🧡🍊_L4vbe2winus

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon