KABANATA 6 - Second Denial

45 12 0
                                    

Liar

Sa harap kami ngayon ng bahay nina Raven. Hindi parin kami pumapasok at kabado parin ako. Hindi pa nga kami naka labas ng kotse eh.

"Are you sure?this isn't the right time, Reigmar, let them discover." Kita ko rin ang pag aalangan ni Reigmar.

" I'll drive you to your house." at agad niyang pinaandar ang sasakyan niya. Tinted ang sasakyan ni Reigmar kaya alam kong hindi ako nakita ni Raven ng namataan ko siya sa harap ng kanilang pintu an. Ngunot pa ang noo ng babaeng yun nagdududa siguro.

Hindi kalayu an ang bahay namin kaya parang 5minutes lang ang byahe namin. Pero kahit ganon lang ka lapit feeling ko sobrang layo ng bahay namin sa sobrang bagal ng takbo ng kotse at dahil sa katahimikang nagdudulot ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Ang 5minutes na kalkulasyon ko ay parang isang oras dahil sa katahimikan.

Bababa na sana ako ng pinigilan ni Reigmar ang kamay ko sa pag alis ng seatbelt. Isinandal niya ang kamay niya sa bintana na nasa likod ko. Bahagyang tumitig sa aking mata at bumaba sa aking labi kaya napamura ako sa utak ko at napalunok ng bahagya. Ramdam ko ang malamig kong pawis kahit nasa loob kami ng kotse niyang may air conditioner. Inilapit niya ang mukha niya sakin. Dahan dahan ito at ramdam ko ang kanyang hininga. Kinikilabutan ako. Pipikit na sana ito ng umiwas ako. Alam kong hahalikan niya ko pero hindi. Hindi ko kaya.

"Why?" tanong niya at kitang kita ko ang pagka badtrip niya sakin. Ikinalas niya na lamang ang seatbelt at lumabas. "We'll met again this Sunday. Aira's dance competition. Manunuod tayo." Kinabahan na naman ako sa mga sinabi niya. As in agad agad? Ganun na ba siya ka desperado na saktan si Aira?

Bumaba na ako ng sasakyan at lumingon ulit sa kanya bago pumasok ng pinto. " I'm sorry about what happened a while ago." Kita ko ang iritable niyang mukha na paunti unting nagbabago. Napalitan ito ng mapaklang ngiti. "I understand, I'm sorry if I rush you." tinanguan ko lamang ang kanyang sinabi at pumasok. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko pero pansin kong umiilag na talaga ako kay Reigmar. Hindi gaya ng mga pagpapapansin ko dati sakanya.

Pagpasok at pagsara ko ng pinto, nagulat ako dahil kay Shello. May galit sa mukha na humarap sakin. Naka tayo lang ito habang naka pameywang. "Where have you been?" bungad niya sakin.

"Sa company niyo nagpahatid na din ako kay Reigmar." simpleng salita na nagpaliyab ng galit sa kanyang mukha.

"Fuck that person. Kung hindi girlfriend ko pinsan ko naman." pagmamaktol niya at nag ambang umalis sa harap ko,papaakyat sa kanyang kwarti kaso may nasabi ako na hindi ko alam kung nakakatuwa ba o hindi at alam kong hindi ko dapat sinabi.

"Shesshh galit na galit kay Reigmar. Hindi na problema si Aira sa boyfriend ko." akala ko sa utak ko lang iyon nasabi yun pala lumabas mismo sa aking bibig.

"Your what!?" nanlalaki ang kulay kayumanggi niyang mata habang gulong gulo ang buong sistema. Napatakip lamang ako sa aking bibig ng ma realize ko ang mga sinabi ko. Napakagat ako ng aking labi. Labi kong hindi nag iisip though hindi naman talaga.

"Repeat it again, Selena." bumaba ulit ito at hinila ako paupo sa dining area.

"Boyfriend, boyfriend ko na po si Reigmar." ang tanging nasabi ko at ipinikit ang aking mga mata habang yumuyuko. "Please, don't tell mom." mangiyak ngiyak kong pakiusap kay Kuya Shello baka kase mapagalitan ako ni mommy pag nalaman niya ito. Worst thing baka palayasin ako.

"That's great! Don't worry I won't tell this to tita just keep an eye on him." utos niya na pinapat pa ang ulo ko habang ngiting aso na nakaharap sakin.

"At bakit Kuya?" nagtataka ako sa reaksyon na ipinakita niya. It's really strange. Alam kong tungkol ito kay Aira pero hindi ko alam kung bakit ganun ang reaksyon niya ng malamang may relasyon kami ni Reigmar.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon