KABANATA 27

9 1 0
                                    

Sinubukan kong buksan ang mata ko ng tanggalin ang itim na telang itinakip sakin. Hindi parin nakaka recover ang mga mata ko. Naninilim parin. Kinusot ko siya at sinubukang imulan ulit baka sakaling maka kita na ko.

Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang mga mata ko ng may biglang nagsalita na nagpagising sa diwa ko.

"There you go princess. You're awake." boses ng isang babae at kung hindi ako nagkakamali, boses ni Victoria iyon.

Nakaramdam ako ng kaba at takot habang papalapit ang boses niya sa kinaroroonan ko.

"A-anong kailangan mo?" garalgal man ay sinusubukan kong maging matapang at hindi mahalatang takot na takot ako sa babaeng ito. Nanginginig ang buong sistema pero pinipilit na wag ipahalata.

"What do you think I want? Is it your father? Life for life or revenge?" sarcastikang magkakasabi niya.

Si tita Victoria ay may personalidad na makuha ka sa tingin. Titigan mo pa lang matatakot ka na at mas lalo na pag nagsalita siya. Nakakatakot ang mga mata niyang punong puno ng galit. Kahit may katandaan na at dalawang beses ng inoperahan dahil sa breast cancer eh nakakatakot parin siya.

Unti unti ko siyang naaninagan pati ang lipstick niyang red. Naka suot siya ng mahabang black fitted dress. Kahit may katandaan makikita mo talaga ang ganda niya at ang taray ng dating niya. Kitang kita din sa kanya ang mala mestisa niyang appearance.

Habang papalapit siya at naririnig ko ang kalabog ng kanyang heels ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Alam ko kung gaano ka bigat ang galit na dinadala niya sakin ngayon.

"Tita Victoria, please parang awa niyo na pakawalan niya na ho ako." mangiyak-iyak ko na pagmamakaawa sa kanya. "Wala po akong alam sa kung ano man ang problema niyo nina mommy at daddy. Labas na ho ako ru'on" pilit ko'ng pinapatibay ang loob ko at patuloy na binubuhay ang pag asang maaawa siya sa'kin.

Napatawa siya ng malakas at pumapalakpak pa ito habang naglalakad sa karap ko. "What a nice acting, Selena! You can be an award winning actress someday- kung aabot pa ng someday."

Mas lumakas ang kabog ng puso ko sa sinabi ni tita Victoria at nagpatuloy sa pag-agos at ragasa ang mga luha ko. Pilit ko'ng pinipigilan ang pag agos pero hindi ko mapigilan. Sa tuwing na b-blink ko ang mata ko lumalabas siya lalo.

"Kanino ka pa ba magmamana diba? Syempre sa magaling mo'ng nanay." Habang tumatagal parang nagiging emosyonal din si tita at makikita sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. Ano ba'ng ginawa nila para magalit siya ng husto? Ano ba ang parte ng nakaraan na tinatago nila sa'kin.

"Kung di lang nabuntis ng tatay mo ang mommy mong malandi, wala ka sana sa mundo! Kung hindi ka lang pinanganak the same day na ipapanganak ko na siya edi sana buhay parin ang anak ko!”Pumatak ang mga luha ko na nag-uunahan sa paglabas sa mga mata ko. Napatingin ako sa mga palad ko at parang di makapaniwala sa mga nangyayari.

Kabet lang si mommy?

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagtatanong ang mga mata kung totoo nga ba ang mga sinasabi niya pero hindi mapagkakailang totoo talaga.

“After all these years—” pabulong ko'ng pagkakasabi na alam ko'ng naririnig niya. “All these years pinaniwala ako ni mommy na may babae si daddy at napatay maliit pa lang ako.” Umangat ako ng tingin sa kanya at nagpakita ng simpatya. Hindi ko inaasahang kumunot ang nuo niya na parang may hindi siya maintindihan.

“What do you mean na patay ang daddy mo? Anong pinagsasabi mo! Hindi mo pa nakilala ang daddy mo? Huh? Matapos niya'ng land*in at akitin tapos di niya ipapakilala sayo? Empanktang nanay!”

Naiintindihan ko na ang galit ni tita sa'kin, sa'min. Ang di ko maintindihan is kung bakit pati kina Raven ay galit din siya.

“Alam ko'ng kapatid mo ang mommy ni Raven pero bakit galit na galit ka sa kanila? Wala naman silang atraso sayo.” Natatakot man ay nilakasan ko ang loob ko na tanungin siya at para maliwanagan na din sa mga pangyayari. May something talaga eh. May mga tinatago sila na di namin nalalaman.

“Mga kawawang bata, HAHAHA walang ka alam alam sa mga kahayupan ng mga magulang niyo!” pasigaw niyang pagkakasabi habang naglabas ng mga dart. Inihagis niya ito sa mga dart board at sapul puro gitna. Napalunok ako ng bahagya sa takot na baka sa'kin niya itutok ang mga iyon.

“Alam mo ba'ng bago ikasal ang mommy at daddy ni Raven ay nahuli pa silang nagkikita? Yan din ang dahilan ng lamat ng relasyon namin. Ang pakikipagkita niya kay Rina.” kumuha siya ng alak sa mesa at tinungga ito. Nakatingin sa kawalan na parang nagbabalik siya sa mga masasakit na kaganapan ng buhay niya. “Pinalampas ko iyon, dahil he promised me na nagpapatulong lang siya sa kapatid ko about sa proposal niya. HAHAHA nakakatawa b'coz I was drained by his words. Napaniwala niya ako.”

Tuloy tuloy lang siya sa pag-inom habang sunod sunod ang pagtungga niya. Sana nga malasing na siya at makatulog para makapag-isip pa ako ng paraan kung paano makatakas sa lugar na ito.

“Not until lumipas ang three years. The day na sasabihin ko na sana na buntis ako six months na. But—” tumigil siya sandali sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha niya. “There was you! Yun din ang araw na pinagtapat niya na nakabuntis siya ng iba and he's madly in love with your s*ut mother!” kitang kita ang galit niya. Nanginginig ito habang kinukwento sa'kin at tiim na tiim ang kanyang mga kamay na handang handa makapatay.

Naiintindihan ko siya kahit ilang taon pa ang nagdaan ang mga lumipas. Mananatili ang sakit kahit pilit na itago at gamutin may markang matitira talaga.

“Actually, I don't care kung sumama siya sa mommy mo kase alam kong makaka-move on ako but that day, exactly that day I called him to ask some help kase manganganak na ko. You know what he do?— He said na he can't kase nag-celebrate sila ng kapanganakan mo!”

That story finally clear up my mind kung bakit galit na galit siya kase ako naman talaga ang pasimuno ng lahat.

“Naabutan pa ako ni Rina na walang malay. Kinabukasan I was asking for my daughter and ang sabi niya she's all good.” Patuloy parin ang pagkukwento niya na parang nasa teleserye siya. Halos mangalahati na ang laman ng bote ng iniinom niya and I guess lasing na siya.

“Two weeks had passed araw araw ko'ng hinihiling sa kanila na gusto ko'ng makita ang anak ko but hindi nila ako pinagbigyan dahil may tama daw ako sa utak, ha! HAHAHA talaga lang ha!”

Naawa na din ako sa kanya, sa mga dinanas niya dahil isa lang siya sa biktima pero ngayon parang siya pa ang nambibiktima dahil sa mga paratang nila.

“That two weeks was hell! Yun lang sana ang pagkakataon na makasama ko ang anak ko pero di ko nagawa! Namatay siya—makikita ko na sana siya pero bakit sa burol niya pa!” tuluyang bumagsak siya sa sahig at nabitawan ang hawak niyang wine glass.

Durog na durog siya at makikita ang paghihinagpis niya.

“Now I understand why matindi ang galit mo sa'min. Ako na ang humihingi ng dispensa sa mga kasalanan nila tita. We'll make these things right. ” Tanging naisagot ko kahit takot ako.

Mas natakot ako ng ngumisi siya ng nakakatakot.

“Dispensa? No—” nanlambot ang mga tuhod ko ng kumuha siya ng kutsilyo at unti-unting iginuhit sa mga palad ko.

“shi**ttttt t—tita masakit!” mangiyak iyak ako habang iniinda ang dahan dahang pagguhit nito.

“Masakit ha? Kulang pa yan! Buhay ng anak ko ang kinuha nila, dalawang buhay ang kukunin ko. But—” inihinto niya ang pagguhit ng kutsilyo sa palad ko. Lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

“I'ma hit 2 birds in one bullet. You and that stup*d br*t.” Nahihilo ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at unti-unting napapikit ako ng aking mga mata.

Baka ito na nga ang katapusan ko...

Tanging nasabi ko sa utak ko.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon