KABANATA 23

29 8 0
                                    

Dedicated to: SilentRhann 🍊🧡 this chapter is for you! I hope you like it.

Selena's POV

For the first time may stalker ako. Akala ko masaya kase feel ko lang maging celebrity na may paparazzi pero nakakatakot pala. Matapos kong sabihin kay mommy ang picture na iyon ay hindi na ako naka balik sa hospital at hindi na ako nakakalabas ng bahay ng walang guard kaya dito na lang ako sa bahay nagkukulong.

Nagpakabit din si mommy ng maraming cctv camera mula labas ng bahay hanggang mga hallway para makita kung sino or anong sasakyan ang dumadaan sa bahay namin. But then for sure may drone na gamit ang stalker ko. Pati upper view nakikita niya. Almost lahat ng anggulo ko nakuhaan niya. Even sa eroplano noong bata pa ako.

Dalawa lang duda ko. Si Victory or Si Daddy.

Confirmed ko na rin na buhay pa si daddy. Nasabi na din ni mommy kung ano ang totoong pangalan niya para aware ako anytime na sugurin at magtangka siyang nakawin ako. Hindi niya ako papatayin pero lahat ng tao na nasa paligid ko ay malalagay sa kapahamakan.

This room is so loud at silence. Parang ako lang ang tao though lahat sila nakikita ang mga galaw ko. Lahat ng parte ng room ko may camera except sa banyo syempre. Pati sa mga kwarto ni Margaux at kwarto ni Shello may cctv na din.

Nawala ang concentration ko sa pag iisip ng biglang may kumatok sa pinto ko.

“Sino yan?” kabadong tanong ko at kumuha ng pwedeng pamalo.

Naging paranoid din ako dahil sa mga nangyayari. At the same time pinipilit ko na maka alala ako.

“It's okay, Si ate Margaux mo ito.”

I feel a sudden relief at binuksan ang pinto ng room ko. Medyo malungkot si ate but then she smile sweetly.

“Can we take a seat?” tanong niya.

I just give her a nod at nilock niya agad ang pinto ko.

She sigh deeply.

“Pumayag si tita na bisitahin ka nila dito.”

Hindi din pala ako nakaka online past days kase baka na locate nila ako dahil sa access ko sa online. Na delete ko na din ang facebook at instagram ko. Kahit phone number ko deactivated na at hindi na pwedeng magamit dahil baka masundan ako. Bibili na din si mommy ng bago kong phone. Hindi na rin daw kase safe ang phone ko by now.

“Thanks,G! Kahit may bantay takot parin ako na lumabas buti na lang pumayag si mommy.” kahit ganun ang response ko nakita ko pa'ng malungkot si ate Margaux.

“What's wrong ate?” She's even trying not to cry pero alam kong konting konti na lang babagsak na ang mga luha niya.

“uhmm, I break up with Marvin. My long time boyfriend.”

Siya yung kausap ni ate everyday and every night mula bata pa ako. Nagkita na rin sila but why?

“Tita found out na tauhan siya ng daddy mo and I have to choice but to trash him.”

Nakayuko si ate but I know she's crying kaya I give her a warm hug.

“I'm sorry ate, pati ikaw nadadamay dahil sa'kin.” I feel sorry for her. Lumayo layo siya bahagya sa'kin at ngumiti. Ngiting anghel.

“Don't talk about crap Selena. I'm really okay and it's for our safety anyways.”

I adore her sobrang tapang niya. Kahit alam kong masakit kinakaya niya.

“By the way, OMG Selena! I can't believe what tita tell me early this morning.” biglang napalitan ng magandang ngiti ang kani kanina lang na malungkot niyang mukha.

DENIED(VILLAGARCIA SERIES #1:SELENA AND REIGMOR. ) L4vbe2winusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon