PROLOGUE

26 2 0
                                    

HATE TO LOVE YOU

The story that your about to tackle is about two childhood best friends that eventually parted their ways with their families, but an unexpected moment got them back together. Language: Taglish. PS: The writer of this story is not a professional author, just her hobby. Hii! I'm Amisha, the writer of this story. Enjoy reading wattpaders!!

REMINDER: THIS STORY MAY ALSO CONTAIN  GRAMAR CORRECTIONS

Mama: Gianna!! Bangon na, baka mahuli ka sa unang araw ng pasukan niyo!

Sa sigaw lang na ito ni Mama ako nagising, dahil wala talaga akong ganang pumasok dahil bagong kaibigan,school at mga teachers nanaman ang kailangan kong harapin. Simula noong bata pa lamang ako hanggang ngayong 17 yrs old na ako lipat pa din kami ng lipat ng lugar dahil sa trabaho ng aking mga magulang, isa silang mga  journalists. Ayon sa mga kwento ni Mama ay dito din sa trabahong ito sila nagkakilala ni Papa.


Gianna: "Opo ma, magaayos na po" pagkakasabi kong halatang hindi interesado sa magaganap na pasukan.

Pagtapos kong magaayos ay agad ang bumaba para kumain ng breakfast na niluto ni Mama para sa akin, kahit lagi silang wala dahil sa kanilang trabaho sinisigurado nila na pagkasama nila ako ay talagang naasikaso nila ako at hindi pinapabayaan kaya't ganon ko nalang din sila kamahal at kahit wala sila lagi ay di ako nagtatanim ng sama ng loob sa kanila.

Mama: "Gia, anak pasensya ka na ha, bagong school at bagong kaibigan nanaman ang kailangan mong harapin."

Gianna: "Ma, okay lang po yan. More friends more fun naman po." Kasunod nito ay ang tawa ko para mapagaan ang loob ni Mama.

Mama: " Talino mo talaga! Hahahaha, halika na kain na"

After naming kumain ni Mama ng breakfast ay naghugas na ako ng pinagkainan namin atska ako naghanda at sumakay na sa sasakyan para magdrive papuntang school. Ngayon ay dito naman ako magaaral ng Grade 11 sa malapit na LPU sa probinsya namin, dito sa  Laguna. Medyo malayo ang school sa bahay namin dito sa probinsya dahil sa may tapat ng Mall pa ang pinakamalapit na LPU, halos isang oras din ang pagdadrive na gagawin ko araw-araw. Pagkapark ko ng aking sasakyan pagdating sa parking ng school ay agad akong napatingin sa oras.


Gianna: "Shit! Late na ko, oh my god first day of school tapos late ako! Ang tanga mo Gia!" sabi ko na lamang sa aking sarili.

Halos sampung minutos na ako naghahanap ng aming room, buti na lamang ay mayroong kumausap sa aking babae.

"Miss? Bago ka lang ba dito sa school?" tanong ng babaeng kumausap sa akin.

Gianna: "Ay, oo, medyo naliligaw lang ako" sagot ko naman saba'y ngiti.

"Ganon ba? What's your grade & strand ba??" tanong muli ng babae

Gianna: "Garde 11 HUMSS, ikaw ba?"

"Uy! Parehas tayo ng strand tara samahan na kita baka malapit lang iyon sa amin" masayang sabi ng babae

Gianna: "Ay sige, salamat" sabi ko habang naglalakad kami

Wala pang limang minuto ay natunton na namin ang aking room.

Gianna: "Thank you! Ikaw ba anong Grade mo na?"

"Grade 12" saba'y ngiti niya habang sinasabi "Ay sige late na din ako, malapit lang room ko dito kita tayo mamayang break!" sabi niya habang naglalakad na papunta sa kanilang room.

Gianna: "Sige, thank you uli umm.." napahinto ako napagtanto na hindi ko man lang pala nakuha ang pangalan ng babaeng tumulong sa akin.


Pumasok na lamang agad ako sa room namin at pasalamat kong wala pa si Ma'am, limang minuto lang pagkapasok ko ay atska dumating si Ms. Chavez. Dumating na nga ang break at ako naman ang lumapit sa babae kaninang umaga.


Gianna: "Hi!" bati ko sa kanya

"Ay hello" nakanigiting bati niya naman.

Gianna: "Thank you nga pala uli kanina umm..., ano nga palang name mo?"

Kristen: "Ayyy sorry di ko nga pala nasabi, Hi I'm Kristen Jane Fernandez, ikaw what's your name?

Gianna: " What a very nice name naman pala, Hello I'm Gianna Blaire Suarez Laxamana you can call me Gia for short, nice to meet you Kristen!"

Kristen: "Gia! Expensive ha Hahahahaha" biro niya.

Gianna: "Totoo, kaya nga hindi bagay sakin eh Hahahahaha"

Kristen: " That's not true! Your pretty kayaa"

Gianna: "T-Thank you nalang oo, kain lang katapat niyan tara libre na kita"

Kristen: "Woyy libre? Nakakahiya!" di na siya nakatakas dahil hinila ko na siya papuntang canteen.


Umorder lang ako ng spaghetti at burger at ang drink ko naman ay iced tea, si Kristen naman ay umorder ng carbonara and fries tapos ang drink naman ay iced tea din. Habang kumakain kami ay nagusap kami about sa mga sarili naming buhay,problema at pamilya na din namin.


Gianna: "Yan lang talaga kukunin mo Kristen?"

Kristen: "Actually no, wait ka lang jan Gia Hahahahaha"

Gianna: "Nahihiya-hiya ka pa kanina ah Hahahaha"

Kristen: "Ganon talaga naging komportable na ko eh"

Gianna: "By the way, kwento ka naman about life mo"

Kristen: "Sige. My mom is the only person na nagraise sa akin, she is a doctor kaya ngayon medyo wala siyang time sa akin because busy sa hospital ngayon. Ikaw ba?"

Gianna: "Aww ganda ng profession ni Tita. Umm ako naman is both parents ko is blogger, kaya madalas wala din sila sa bahay so as expected magisa ako lagi sa bahay nakatutok sa cellphone ko. Nakailang lipat na din kami since bata pa ko kaya din andito kami dahil sa work nila."


Pagkatapos naming kumain ni Kristen ay agad kaming naglakad pabalik sa mga room namin. Pero habang naglalakad ako ay may nakabunggo akong lalaki na may hawak na kape na mukhang galing pa nga ng starbucks dahil sa lalagyan nito, tumapon ito at lahat ng tumapong kape ay napunta sa suot kong uniform.

Hate To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon