Complicated{CHAPTER 05}

11 1 0
                                    

HATE TO LOVE YOU

Di namin ineexpect na sa birthday pa talaga ni Asher magsisimula yung pagiging malabo ng relationship nila ni Yvette. Hindi din namin intensyon na mangyari yun nagkakasiyahan nga lang noong gabing yun eh.  Simula noon puro chismis na yung kumakalat sa campus na "IT'S COMPLICATED" na daw ang relationship ng Perfect Couple.

"Kamusta kayo?" tanong ko kila Shaira at Cayden.

"Okay kami pero-" sabi ni Cayden

"yung isang couple It's comlicated na daw." pagputol ni Kristen kay Cayden.

"Minsan epal ka din talaga eh noh, saan mo nakuha yan ha?" tanong ni Shaira.

"From Yvette's friends." seryoso si Kristen ha

"Ha? pano nakausap?" tanong ko naman.

"Narinig ko sa c.r kanina."

"Chismosa alert!" sabi na Cayden kaya nabatukan tuloy ni Kristen.

Di nalang ako nagreact dahil itong si Kristen mabilis mapikon and I know na ayaw din talaga nito kay Yvette dahil sa personality ni Yvette, kahit naman kasi ganto to si Kristen na maarte at medyo may pagka-maldita eh, she has a good personality naman. Pwede din namang dahil heart-broken pa rin siya dahil sa stupidong lalaking naging boyfriend niya ng 1 month.

"Ehem, excuse me ladies and gentlemen the classes will start at 5 minutes." nagulat kami ng biglang may nagsalita, si Ms. Pam pala.

"Thank po sa reminder Miss Pam! Una na po kami, have a nice day po" sinabayan ko ng ngiti pagtapos ko sabihin ito. Nginitian nalang din kami ni Ms. Pam dahil nagmamadali na siya sa mga aayusin at tatrabahuhin niya ngayong araw.

________________________________________________________________________________

Natapos na ang klase namin for today. Half day lang kami since yung dalawa naming teacher ay nasa meeting. Yun nga lang di ko naman akalaing ganto ka stressful ang magiging araw namin. Habang nasa free time kami, may narinig kaming nagkakagulo dun sa baba.

"You b*tch! come here!" narinig ko na ang tantya ko pa ay boses yun ni Yvette. Kaagad akong nagdali-dali bumaba mula sa room namin.

"Stop it girls!!" narining kong pagpigil ng head master namin at yun din ang naging hudyat na may kaguluhan na nangyayari sa baba.

I got shocked doon sa nakita ko, KRISTEN AND YVETTE ARE ON A FREAKING FIGHT!! Wala akong kaalam-alam kung anong nangyari sa kanila. My God Gianna!! first time mo maging late sa chismis!! Susubukan ko sana silang pigilan, pero bago pa lang ako makalapit pinigilan na ko ni Ms. Pam na kasama na ngayon ng headmaster namin na umawat sa dalawa. Napuno na ng mga tao ang hall sa lahat ng floors dahil sino ba namang hindi makakarinig ng napakalakas na sigawan nitong dalawa kong kaibigan! Finally after 15 minutes of that fight parehas na silang  napagod kakasabunot sa isa't isa. Noong makita kong mahinahon na si Kristen, agad ko siyang nilapitan at kinamusta. Sakto din namang dumating si Asher para kay Yvette, so wala akong problema na baka ang isa ay magalit o magtanim ng sama ng loob sakin.

"Kris, what happened???"  tanong ko na may kasamang pagaalala.

"Nothing...." Nagalala lalo ako sa naging tono ni Kristen na parang bang gulong gulo na siya sa nangyayari sa buhay niya.

"Nothing?!? What the hell! nakita ko lahat yun teh, okay ka lang ba ta-" she cuts me off before I say something related to what happened earlier. "Gia, just please! Their calling us in the office, catch you later." Medyo na naninibago ako ngayon kay Kristen, she is not like this as I already said she is the one who will cheer us all up, hindi mo nga mamalayan na may problema siya dati dahil parang sobrang saya niya. Pagtapos akong iwanan ni Kristen sa gitna kung saan nangyari ang kaguluhan kanina, dumating naman si Shaira at Cayden.

Hate To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon