HATE TO LOVE YOU
"Ang sakit ng ulo ko! ARGHHHHHHH!" reklamo ni Shaira habang kausap ko sila sa cellphone.
"Mine too, mahal." sambit ni Cayden.
"Shocks! Mahal?! Kayo na?" gulat na sabi ni Kristen na halos mabulunan pa habang umiinom ng tubig.
"Nagclub lang tayo eh, tas may magjowa na agad after?" pangaasar ko.
"Oo kami na, kahapon pa kasi ang kulit niyang si Cay."
"Kapal ng mukha." sabi ni Cayden.
"Ano!? Anong sabi mo?" sabay taas ng isang kilay niya.
"Hoy nangangamoy first LQ ah HAHAHHHAHA" pangaasar ko pa lalo
"Totoo ka dyan, sanaol nalang may jowa." sabi ni Kristen na akala mo naman nakipagbreak na sa first ever jowa niya.
"Akala mo nama-"
"Ehem"
"I mean oo nga sanaol, congrats sainyo! stay strong! love you guys!"
Aaminin ko na minsan naiisip ko din kung ano nga ba ang pakiramdam ng may partner ka, pero lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na atska na after kong grumaduate man lang ng senior high nagiisip din ako dahil palipat lipat kami at mahirap naman ang relasyong di kayo nagkikita harap - harapan. Linggo ngayon ng umaga kay nakavideocall lang muna kami, dahil Sunday is family for all of us. Aalis nanaman kami ngayon, papunta naman kami ngayon sa Tagaytay para makapagrelax naman ang utak namin kahit konti dahil nadin sa sobrang stress namin these past few weeks. Ang outfit of the day ko lang nagyon ay maroon sweater,jeans,white sneakers and sling bag.
"Gianna! Tara na!" sigaw ni Papa.
"Andyan na po!"
"Ang ganda naman ng anak namin!" pagpuri sakin ni Mama.
"Ayyy naman ang mommy ko nangbobola pa HAHAHAHA"
"HAHAHAHAHA bola? hindi kaya totoo naman, ipagdrive mo naman kami." pagtapos nito ay ang malakas na tawa ni Papa.
"Jusko! kaya pala! HAHAHAH akin na po yung susi."
"Yes! Sa wakas!" pagcecelebrate ni Papa.
Nagpatutog lang kami habang nagdadarive ako at nagkwewentuhan kami habang nasa byahe. Minsan naiisip ko din talaga na napakaswerte ko pa din sa parents ko, kahit madalas wala sila sa tabi ko o sa bahay dahil may oras pa din talaga silang binibigay para sakin. Pagdating namin ay as usual, humanap na kami ng kainan dahil tanghali na din naman. Nakahanap kami ng kainan na kita mo ang Taal Lake and Volcano, nakakarelax kumain dito dahil tahimik at puro nature ang nasa paligid mo.
"Nga pala, Gia." seryosong sambit ni Mama sakin.
"Po?" nagtatakang tanong ko dahil wala naman akong masamang ginagawa sa school.
"Bakit may stain yung unifrom na sinuot mo nung first day niyo?" tanong sakin ni Mama.
"Ayyy kasi po yung isang Grade 12 po sa school nakasalubong ko nang may hawak na kape, yun natapon sakin." pagpapaliwanang ko kay Mama.
"Anong pangalan? Gwapo ba?"
"Ma! yun agad yung tanong?"
"Oo na, dali na anong pangalan?" tanong ni Mama habang tumatawa.
"Asher James Chavez daw po, sabi ni Kristen."
"Asher Chavez? May sobrang close kang childhood bestfriend non ganyan pangalan, hindi mo namukhaan?"
"What!? No...." gulat na sagot ko
"Di nga kayo mapaghiwalay non, kahit school niyo gusto niyo magkasama kayo." dagdag ni Papa.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You
Teen FictionGianna, who always move due to her parents work, unexpectedly moved away from her hometown, leaving an unforgotten closure for someone. Until the perfect day comes and destiny made it's way for them to meet again. Asher, her first day of school nigh...