HATE TO LOVE YOU.
tw!!⚠: kissing.
Shocks! Nakita namin si Yvette at ayon sa mukha ni Kris parang ang lalaking KAHALIKAN ni Yvette ang boyfriend or ex niya, malamang boyfriend niya pa yun, para umiyak siya doon. "Kristen.. halika na..." mahinahon kong sinabi at sa pagkakasabi kong iyon ay mukhang gets na din ni Shaira. Inalalayan na namin siya ni Shaira papunta sa labas. Pagkalabas namin ay doon binuhos lahat ni Kristen ang sakit na nararamdaman niya na pinagtataka naman ng boys kung anong nangyari.
"May nanakit ba dyan? Sino ha?!?!" tanong ni Cayden.
"Wala." sagot sa kanya ni Shaira.
Tahimik kaming tatlo sa sasakyan, kami ni Shaira di nagsasalita, pero si Kristen patuloy pa din sa pagiyak.
"K-Kristen, right? stop crying na you'll get over it." pagcocomfort sa kanya ni Asher.
"Kung alam mo lang kung sino kasama nung lalak-" nasabi ni Kristen na walang kapreno-preno dahil nga sa sakit na nararamdaman niya. Buti nalang at natakpan ko ang bibig niya.
"Sorry and thank you, yun yung gusto niyang sabihin." nagakward smile ako habang sinasabi iyon kay Asher. Tinanguan niya lang ako at medyo natawa sa nangyari. Naku, Asher kung alam molang yung nangyari at nakita namin.
"Inaway niyo ba yan???" tanong nanaman ni Cayden.
"Mahal! Hindi, hindi kami ganon kasama ha."
Nakarating na nga kami sa kakainan namin. Dapat masaya kami ngayong gabi eh. Parang nakakapagsisi tuloy na doon pa kami nagpalit ng damit namin. Kasi naman doon ang alam naming maluwag na washroom sa school, dahil nasa loob pa nga ng gymnasium so mahirap siya masyadong puntahan.
"Order ako ng beer, Asher. Mahal okay lang naman diba?" pagpapaalam ni Cayden kay Shai.
"Oo, sige, go lang." sabay ngiti.
"Excuse me." malungkot na tono ni Kris.
"I'll go with you." sabi ko naman.
"Kristen? cheer up." pasimpleng sabi ko sa kanya habang papunta sa washroom.
"Mhm. Masakit na nga na nagchecheat yung boyfriend mo sayo, tapos dinagdagan pa na friend mo naman pala yung babae niya."
"I know. What's the name of that guy?"
"It is Keith, Keith de Guzman. He's my classmate and sabi matalino daw siya, but I his girlfriend... oh soon to be ex, do not agree."
"Ganda ng pangalan ha, sana pati ugali."
"I just can't believe na magagawa yun ni Yvette kay Asher. Well, I know na masama ugali niya pero I didn't know na lulubos-lubusin naman niya." dagdag ko pa sa sinabi ko.
"Totoo, ako pa yung sinugod at sinabunutan niya ng walang dahilan, pinaghihinalaan pala ako na other woman daw ako kuno ni Asher porket kinakausap ko yung tao na kaming dalawa lang ha. Tapos.... hayst!"
"Oh so yun pala ang puno't dulo nun. Buti nalang pala hindi niya kami nakikita ni Asher."
"Hoy! may hindi ka pala sinasabi sa akin ha, hindi ko yan alam ah. Spill the tea naman."
"Wala yun, nagpatulong lang yung tao atska kasi diba same village kami."
"Ikaw ha, Gianna!" tinawanan ko nalang sa sinabi niyang ito si Kristen.
Medyo naging okay si Kristen sa naging usapan naming iyon. Lumabas na kami at sakto naman paglabas namin ay nakahanda na ang mga inorder namin. Nabusog kami at medyo napaos din ako kaka-kanta dahil may parang videoke dito sa pinuntahan naming kainan, habang umiinom din paunti-unti ng beer na inorder ni Cayden kanina. Alam niyo sa totoo lang, mahilig talaga ako kumanta, pero hindi nakikisama boses ko, hayst. At ayun mabilis lumipas ang oras at kailangan na namin magsi-uwi.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You
Teen FictionGianna, who always move due to her parents work, unexpectedly moved away from her hometown, leaving an unforgotten closure for someone. Until the perfect day comes and destiny made it's way for them to meet again. Asher, her first day of school nigh...