HATE TO LOVE YOU
"Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mong babae ka!" galit na sigaw ng lalaking nakabunggo ko.
Aba! Siya pa ang galit? Siya na nga yung nakaperwisyo ng ibang tao aba nga naman.
Gianna: "Ayos ka ah! Ikaw na nga nakagawa nito oh!" turo ko sa uniform kong basang basa na ng kape.
Kristen: "Gia, halika na ako na bahala dyan sa uniform mo" mahinahon at mukhang nahihiyang sabi ni Kristen.
"Buti pa kaibigan mo masunurin, alis dyan!" sigaw niya.
Inambahan ko siya ng suntok nung nakatalikod na siya habang naglalakad. Takang taka din ako bakit ganoon na lamang bigla ang naging reaksyon ni Kristen nung sinagot ko yung lalaki, like sino ba yun? Sino ba siya sa school na toh? Diba student lang din naman bat ganon trumato ng ibang tao? Ang mga tanong na nasa isip ko ay tinanong ko na kay Kristen noong makarating na kami sa comfort room ng girls.
Gianna: "Teh, sino ba yun? Bat ganun siya?" takang tanong ko.
Kristen: "Hay nako Gia! Wag mo na uling gagawin yun ah!" parang galit at the same time concerned na sabi ni Kiara sa akin.
Gianna: "Ano?? Sino ba siya? Pag ganun ugali di ko mapipigilang di papatol dyan!"
Kristen: "Look, he's Asher James Labrador Chavez member siya ng varsity, lagi siyang MVP and before pa mangyari yun bully na talaga siya dito ang pagkakaalam ko Lolo niya may ari ng school then teacher niyo ata mom niya. Lahat ng students takot sa kanya, kaya nga nagulat ako nung sinagot mo siya ng ganun."
Gianna: "Ohh what? Always MVP at lolo niya lang nman may ari ng school tapos ang yabang yabang niya?"
Kristen: "Ewan ko din ba! Girlfriend niya lang di niya maganyan."
After classes, umuwi na kaagad ako hindi man lang ako nakapagpaalam kay Kristen. Pagkauwi ko nilagay ko na agad yung uniform na may stain ng kape sa washing machine, nagluto ng dinner, atska naglinis ng konti ng bahay pati narin ng room ko, first day pa lang naman so halos wala pang lesson and homeworks kaya the rest free time ko na muna. After ko gawin lahat yun biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong inadd ako ni Kristen sa isang gc nila magkakaibigan.
Always drunk girl: hii Gia! Si Kristen toh, hayaan mo na yung nickname ko dito, mga gago kasi friends ko.
Gia: HAHHAAHAHHA grabe ka! btw hii everyone=)
Shai: Oh hi! May new member pala us
Cay: hello! Welcome to the club! Hahahahaha
Always drunk girl: Guys! Siya yung sinasabi ko sainyo na nameet ko kanina
Cay: ahh welcome sa school Gia!
Shai: welcome!
Gia: Thank you for the warm welcomes guysiee
Shai: Kita kits tayo bukas mga bes after class?
Cay: if it's okay with you guys?
Always drunk girl: go! sa bar ba?
Gia: g! kaya naman pala ganyan nickname mo beh
Cayden: Nako Gia kung alam mo lang kung gano ka walwal yan.
Always drunk girl: wow! forda laglagan ha, kaibigan niyo ba talaga ko?
Pagkatapos na pagkatapos ng last class ko pinuntahan ko kaagad si Kristen sa may room niya dahil hindi ko naman alam kung saan ang room ng dalawa niya pang kaibigan. Pinauna na ako ni Kristen sa sasakyan ko at siya nalang daw ang susundo sa dalawa. Mga 15 to 20 minutes ang naging byahe namin ng makarating kami sa ATC Courtyard, maala BGC ang datingan ng building doon. Sa Blackscoop namin napagisipan maghangout, instagramable at ang linis ng place na ito kaya perfect talaga for hangouts.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You
Teen FictionGianna, who always move due to her parents work, unexpectedly moved away from her hometown, leaving an unforgotten closure for someone. Until the perfect day comes and destiny made it's way for them to meet again. Asher, her first day of school nigh...